Rooftop Memories

1763 Words
Chapter 2: Banter and Bondings "Hi babies miss me?" A familiar voice chimes in sabay akbay saming dalawa. ‎ ‎Speaking of him, Henzyl's here. ‎ ‎"Kuya na miss kita, mag mo-movie marathon kami ni ate sama ka?" Paglalambing niya. ‎"Aist, bitawan mo nga kami baka mapagkamalan kaming mga chicks mo, mahirap na." Sabi ko at agad na kinuha ang kamay niya sa pagkakaakbay sa akin ganun rin si Lily. ‎ ‎"Sama niyo, ngayon na nga lang ako maglalambing, tapos ganyan kayo," nakalabi niyang turan. ‎ ‎ ‎"Oo syempre, buti ka pa na miss ako eh yung isa diyan ang sama-sama ng ugali.Anyway namili ako ng makakain natin." Sabay turo sa kotse niya. ‎ ‎"Naks may pagkain, hmm na miss na rin kita Henz," pabiro kong sabi sa kanya. ‎ ‎"Talaga, tara na my place? Or sa'n niyo gusto." ‎Sabay abot ng mga bag namin, gentle man kunwari. ‎ ‎"Sabi ni Lily sa kanila daw, dun nalang kasi may rooftop." ‎ ‎"Ok as you wish madam," he said with a wink . Hay dakilang flirt talaga. ‎ . . . ‎Matapos ng walang katapusang asaran nakarating na rin. ‎ ‎Lily' house was huge. Second floor with rooftop, (my favorite spot) 4 na kwarto at malaking sala. May outdoor kitchen/garden din sila. Bakit ko kabisado, well halos nandito kada weekend. The second room was hers. Ang yung last sa kuya niya na hindi ko pa na meet. Nasa ibang bansa, his leading his own company of branded clothing, bukambibig ni Lily kuya niya pero kahit isang picture niya ni ayaw ipakita. Ang sabi lang niya, she was protecting a two precious stone ganun. Di ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. ‎ ‎"Balita ko, dumating na si Mcneille galing States bunso?" Henzyl asked out of nowhere. ‎ ‎"Yep, pero wala sya ngayon, his busy sa expansion ng branch niya dito sa Pinas." Lily replied habang sini set up ang laptop niya. "Teka bakit mo alam kuya?" Takang tanong ni Lily. ‎ ‎"Ang sipag ah, di ba niya ako na miss at wala man lang pasabi. Wala ba kaming pinagsamahan at ganon na lang siya," sabay hawak sa kanyang dibdib na parang di nadinig si Lily. ‎ "Bakit mo nga alam," ulit ko sa sinabi ni Lily. "Nagkita na kami at nag-inuman," dugtong niya. At patuloy sa pagdadrama. ‎"Alam mo ang OA mo, initin mo nga tung pinamili mo sa oven, para makakain na tayo." Putol ko sa pagda-drama ng kumag nato. ‎ ‎"Oo na, sungit talaga ng Shunem nato, nakakabawas yan ng alindog, sigi ka." Pang-aasar niya. ‎ ‎Binato ko sa kanya ang unan na dinala namin dito sa rooftop, naglatag narin kami ng inflatable bed. Cozy ang atmosphere dito, mahangin at maraming stars ngayon at higit sa lahat ang ganda ng buwan ngayong gabi. ‎ ‎"Ate may iniisip ka," ani ni Lily sa tabi ko. ‎ ‎"Wala naman ang ganda ng buwan ngayon," sagot ko habang nakatingala parin sa langit. ‎ ‎"Alam mo para kang si kuya fascinated siya masyado sa mga celestial bodies, madalas yun ang concept niya sa mga damit na deni-design niya." She said na ngayon nakatingala rin sa pangit. ‎ "Ang Moon Empire ba tinutukoy mo, diba yan pinaka-sikat ngayon na branded clothing?" Gusto ko sanang bumili ng jacket nila kaso di ko keri presyuhan nila, ang mahal. "Oo pero isa lang yan sa mga maliit na business ni kuya, kumbaga hobby lang niya. Biruin mo siya ang tagapagmana ng Monache Nocturne." Oo nga pala nabanggit ni Lily sa akin na sa grandparents nila ang apelyidong ginagamit nila, pinalitan noong nandoon sila sa states. "Sure akong magkakasundo kayo ni kuya if magkataon, kasi Graphic Artist ka si kuya naman CEO pero nagdedesign din ng may kinalaman sa moon and stars." Mahabang kwento niya. ‎"Talaga, bat di moko ipinapakilala?" Biglaang tanong ko. ‎ ‎"Ayaw ko nga, precious ka sa akin noh." Sabay yakap sa akin. ‎ ‎"Ha? Ano ba kuya mo halimaw, natatakot ka bang kainin ako nun'?" Pabiro kong sabi. ‎ ‎"Hindi naman, naalala mo yung dati kong bestfriend na na-inlove kay kuya, si Yen. Ayaw kong matulad tayo sa pangyayaring yun." Malungkot na sabi niya habang naka yakap sa akin. ‎ ‎Si Yen na ikinikwento niya lagi. Lily is one the affectionate people na kilala ko. She's been heartbroken sa ending ng friendship nila. Yen was heartbroken too, kaya minabuti nalang ni Yen na di magpakita pa kay Lily, part of moving on kumbaga. Buti na lang di nagtanim si Lily ng sama ng loob sa kuya niya. ‎ ‎"Wala ba talagang seneryoso ang kuya mo?" Pagbasag ko nang katahimikan. ‎ ‎"Wala maliban sa first love niya." ‎ ‎"So yung first love ng kuya mo ang dahilan kung bakit sya naging ganun?" Tanong ko. ‎ ‎"Hindi rin, si kuya kasi dati, ibang-iba sa kuya ko ngayon." Pagpapaliwanag niya. ‎ ‎"Oh tapos?" ‎ ‎"Ang mama at papa ko sila yung first heartbreak niya, we have a happy family back then. Pero nagbago yun ng magkasakit si mama with breast cancer, papa was so devastated ng mga panahong yun." Kita ko yung lungkot niya ngayon. "Hindi naman kami mayaman, saan kami kukuha ng panggamot ni mama, he was just a government employee that time, alam mo na minimum wage earner, sapat lang sa pang-araw-araw na gastusin." She recalled. ‎ ‎"Ang ipanagtataka ko lang, dun din namin na meet ang grand parents namin na di kailan man nabanggit o ipinakilala nila mama't papa sa amin. They've decided na ipagamot si mama sa US." "So mayaman sila, sila ba may-ari ng Monache Nocturne?" Dugtong ko. "Oo parang ganun. Akala ko sasama si papa but hindi pala. Nung last day namin sa Pinas we bid our goodbyes na para bang di na kami magkikita. Mama endure 3 months sa pagche-chemo but di niya kinaya sa huli. At ang masakit nalaman namin na may babae na si papa while our mother battling for her life. Simula nun nagbago na sya at di narin namin nakita si papa bagbalik namin sa Pilipinas.Bakit ganon parang ambilis lang ni papa na sukuan si mama, kami." "Ang lungkot noh?" Mahinahong turan niya. Niyakap ko nalang si Lily. Di ko alam ano ba ang ipang-aalo ko sa kanya ngayon. "Sali ako diyan ba't kayo lang nagyayakapan," ani ni Henzyl na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan namin. Buti na Lang nandito tong kumag nato, may silbi din minsan ang kakulitan niya. "Oh tama na nga, mahaba pa ang time natin oh, ano game," balik siglang pagputol ni Lily sa yakapan namin. " Ok anong movie ba, sana naman hindi korean drama, di ba kayo nagsasawa sa ganyan eh pareho-pareho mukha nila, puro mga singkit," si Henzyl habang sinusubo pizza na dala-dala niya. "Ah oo nga noh, eh sino ba sa atin ang umiiyak pag namatay ang bida, siya pa nga tong' ang tagal mag move o...--" Di ko natapos sasabihin ko dahil bigla niya akong sinubuan ng kinakain niya. Muntik ba akong mabulunan. Hayst kainis talaga. Lily laugh heartily, buti naman. Mukhang walang tulugan talaga pag kasama sila. Pero isa to' sa mga bagay na thankful ako sa Diyos. At salamat narin at gumaan na mode mula kanina. Korean drama here we go. _ _ _ Henzyl's POV Bzzt... Bzzt... Bzzt... Naalimpungatan ako sa pagba-vibrate ng phone ko sa mesa malapit sa higaan ko. Sino ba tong' tumatawag ng dis-oras ng gabi. Sarap pa naman ng tulog ko. As I've got my phone her name registered on my screen.Napangiti ako. Himala tumatawag to. "Hello baby bakit napatawag ka, miss mo na ako kaagad? " Pang-aasar ko sa kanya. "Ano ba, magseryoso ka nga Henzyl, yung USB ko. Kunin ko bukas may mga files akong ipi-print dun. Nandyan ka ba condo mo bukas?" Her serious tone. "Busy po ako kamahalan, eh bakit ba kasi makakalimutin ka at naiwan mo dito mukhang 3 weeks nato dito ah. Mabuti't di ka sinisante ng boss mo at ngayon mo pa naisipan mag-print ng files ano," pang-aasar ko ulit. "Extra USB ko lang yan Henz. May added documents lang akong kailangan. Eh bakit ba kasi di mo dinala nung nag-movie marathon tayo kina Lily, grabe ka? Kasalan to ni Lily eh, diyan ba naman naglagay mga Korean drama niya, hayst..." She retorted. "Hmm pwede namang pumunta ka dito my love, alam mo naman ang passcode ko. Kung di ako busy bukas inihatid ko na sana to, alam mo naman si Daddy, business is business." "Oh siya sige, punta ako diyan bukas, bya na." "Bye na wala man lang I love you," hirit ko. "Henzyl!!!" She exclaimed. Asar-talo tong' si Shunem kahit kailan. "Ok po babye," I chuckled at ini-off ang phone ko. Shunem is pretty kahit nung bata pa kami. Lahat naman ata sa kanya maganda, ugali, mukha, katawan, etc. Asar-talo nga lang, napangiti ako. Minsan nga napagkakamalan kaming magkasintahan. I remembered those moments na first ko siyang nakita sa orphanage.She this cute little ray of sunshine. We are both orphans, I'm a year older to her, she's six and I'm seven that time. Her parents died on a vehicular accident, her relatives were selfish and didn't want to take her in, tingin sa kanya pasanin lang. Too bad, they didn't deserve Shunem's kindness. Naikuyom ko ang aking mga kamay. While mine was also tragic. I never known my parents, nagkamulat ako ng isip na nasa sa orphanage nako. Sabi ng mga nag-alaga sakin, I was placed on box with a note. It said na di daw ako kayang buhayin kaya ibinilin nalang ako sa pintuan ng orphanage. Sounds like a teenage pregnancy to me. But fortunately at the age of 9 I was adopted by a wealthy tycoon na di magkaanak. Then dun nagbago ang buhay ko, kaya mina- manage ko business nila daddy Reign ngayon. And a year after na adopt ako, Shunem also found her happy home, sila Tita Synthia and Tito Romel. Hindi sila mayaman sakto lang, they are both teachers at wala ring anak. They live in a province at dinala nila si Shunem but our communication remains. Bago pa siya ma-adopt palagi siyang umiiyak pag dinadalaw ko, gusto ko din sana siyang ipa- adopt kay daddy, but they only wanted just one. Someone na iti-train nila to manage the business na pinaghirapan nila. Sounds selfish pero ganoon talaga ang mayayaman. Lumalalim na ang gabi, bumibigat narin mga talukap ko habang nakahiga, well its time to sleep I guess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD