Moon Eyes

1438 Words
Chapter 1: Pain and familiar companion... McNeille's POV Iba ang buwan ngayong gabi. Mas matingkad at tahimik. Siguro dahil nandito ako, mag isa, sa gitna ng kalsada at malungkot. Itim na Triton lang ang kasama ko. Walang ilaw. Walang ingay. Ako lang at yung katahimikang sumisigaw sa tenga ko. Katahimikang kasing lalim ng libingan. Preno… Park… Bumaba ako. Yung lamig, hindi galing sa gabi. Galing dito sa loob. Sa butas na iniwan mo, ma. _"Klink."_ Pitik ng lighter. Usok. Humithit ako pero di mapawi. Lalo lang lumutang yung pamilyar na sakit ngunit kailanman di ko kinasanayan. Sakit na sampung taon ko nang pinapasan. Sumanda ako sa malamig na pintuan ng aking sasakyan. Ang linaw ng buwan. Bumuntong-hininga ako at tumawa ng mapait. Dati sa rooftop ako tumititig dito. Kapag may malalim akong iniisip. Napangiti ako. Basag na basag. _Ten years na, ma. Ten years._ Sampung taon kong karga karga yung patay na parte ko. Mabubuo pa kaya ako? Akala ko malilimutan ko sa layo, sa babae, sa alak, at sa trabaho. Pero pagbalik ko, ganito pa rin. Butas pa rin dito. Hindi ko mahanap sa variety of relationship na meron ako, ni isa walang nakabuo sa broken pieces na iniwan ng masakit at masalimuot na paglisan mo. Ang meron lang, hinagpis. At mga tanong. Ang tapang mo, ma. Nilabanan mo yung breast cancer na ‘yon. Nakita ko kung paano mo nginitian yung chemo. Kung paano mo itinago yung sakit para hindi kami matakot. Lumaban ka nang todo. Pero ang daya ng tadhana. Hindi ka pinagbigyan. At si papa... Gusto ko siyang sisihin. Gusto kong sumigaw at tanungin kung bakit niya tayo iniwan habang unti unti kang nauupos. Pero may parte sa’kin na umaasang may dahilan siya. Na hindi lang siya duwag. Pero mas duwag ako. Duwag akong harapin na baka wala talaga. Na iniwan niya tayo. Na hindi siya lumaban para sa’yo. Para sa atin. Tumingin ako sa kamao ko. Nanginginig. Ito yung kamay na humaplos sa noo mong malamig na. Ito yung kamay na yumugyog sa balikat mo habang sumisigaw ako, nagmamakaawa na dumilat ka. Na wag mo ‘kong iwan. Pero hindi ka na sumagot. Hindi ka na huminga. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Mahigpit. Hanggang sumakit at dumugo. Kasi mas kaya ko ‘tong sakit sa laman kaysa sa sakit na di ko mapangalanan dito sa dibdib ko. Yumuko ako. Pinatay ang yosi gamit ang sapatos. Pinagmamasdan ko ang usok na unti-unting naglalaho… Hanggang sa… Vrooom…. Biglang humiwa sa kadiliman ang malakas ng headlight. Napapikit ako. Hinarang ng kamay ko ang ilaw galing sa likod. May kotseng huminto ilang metro sa Triton ko. Alikabok…Katahimikan… Tapos– Bagsak ng pinto… Mga yabag na tila ba pamilyar. At ang klase ng lakad na kilala ko. Dahan-dahan kong nakikita ang pigura ng taong matagal ko ng karamay. Tulad pa rin siya ng dati kahit dalawang taon kaming di nagkakamustahanan. Kahit kailan talaga sakto ang timing ng mokong nato. “Uy ungas. Buhay ka pala!” Ngising aso na pagbasag niya sa katahimikan. Magulo yung buhok at may bitbit nadalawang bote ng alak. Nakasando lang at maong. Typical Henzyl. Hinagis niya ang alak sa akin. Agad ko namang nasalo. “Humihinga, pero buhay, di ko alam.” Pak… Nagulat ako nang batukan niya. “Aray g*go…para san yun?” Sabay himas sa ulo ko. “Para kang timang, di gugustuhin ni Tita Elaine na ganyan ka. Live life, di sapat ang humihinga lang.” Ngumiti lang ako, nanahimik sa gilid. At sabay kaming lumagok ng malamig na alak. Ngayon nandito siya tulad pa rin ng dati. _ _ _ Shunem's POV ‎ ‎"Hmm...hm...hmm.." I'm a humming a song na di mawala sa isip ko, habang binubuklat ang pahina ng librong binabasa ko. ‎Nasa kalagitnaan ako nag library ngayon Indian-style ang pag-upo. May mga designated chairs and tables naman para doon magbasa pero mas gusto ko didto tahimik at wala masyadong tao. Sinipat ko mga librong nasa gilid ko bali dalawa pa lang ang natapos ko at pangatlo natong nasa nasakamay ko. Hmm, ilang oras naba ako nandito. ‎ ‎Tap.. ‎Tap.. ‎Tap.. ‎ ‎Mga yabag ng sapatos na papalapit.Andyan na naman sya, hindi ko mapigilan magtanong sa sarili kung libro ba talaga ang dahilan kung ba't nandito ako o siya na kumukompleto ng araw ko. ‎ ‎Tap.. ‎Tap.. ‎Tap.. ‎ ‎Dug.. ‎Dug.. ‎Dug.. ‎ ‎Hindi ko mapigilan ang puso ko na sumasabay sa ritmo ng kanyang mga yabag. Hinigpitan ko ang hawak ng librong binabasa ko. Nakakikita ko siya sa aking peripheral vision. Di ko na maintindihan ang nobelang binabasa ko, bumabaliktad ang mga letra dahil sa kaba ko. ‎ ‎"Pwedeng makiupo?" Mahinang tanong niya. ‎ ‎Napatingala ako, sya na naman. Nagtamana ang mga mata namin. Yung mata niya parang buwan na malungkot. Di ko maintindihan, at yun ang dahilan kung bakit di ko sya makalimutan... ‎ ‎"Miss ok ka lang?" Ikanaway niya Ang kanyang kamay sa akin. ‎ ‎"Ah oo, umupo ka lang," alanganing ngiti ko saka napagtanto na nakatulala ako sa mukha niya. ‎ ‎Binalik ko ang tingin sa libro at nagkunwaring nagbabasa. Bakit ang lapit niya, naamoy ko ang citrus-scent ng kanyang cologne. ‎ ‎" Gusto mo," tinig niya na agad kong ikinalingon. ‎ ‎Wala sa isip ko tinanggap ang bookmark na nasa kanyang kamay. ‎ ‎"Napansin ko kasing kanina kapa nagbabasa pero wala ka namang bookmark.Mas madali magbasa pag may bookmark, di mo na kailangan tandaan ang page pag hihinto ka sa pagbabasa at mababalikan mo ulit." Nakangiting sabi niya. ‎ ‎"Salamat." At yun lang ang nasabi ko. ‎ ‎ Parang nawala lahat ng words sa vocabulary ko.Gusto ko pa sanang magtanong kung ba't naglalagi sya dito sa library kahit di naman sya nagbabasa. Parati lang syang nag he-head set o di kaya natutulog. Bakit may bookmark sya eh di nga sya nagbabasa. Hay, umurong ang dila ko habang pinagmamasdan sya na ngayon nakapikit at nakasandal sa bookshelves na puno ng mga libro. ‎Nasa gilid ko lang siya, walang ginagawa pero parang nagwawala ang puso ko. Napahawak tuloy ako sa bookmark na binigay niya may picture dun ng night sky at may keychain na moon na nakasabit. Napangiti ako, parang mga mata niya, malungkot at malalim. ‎"Ate Nem, ok ka lang" tanong ni Lily na syang nagpabalik sa akin sa realidad. ‎ ‎"Ah oo naman iniisip ko lang ang mga tatapusin natin dito sa office." Nakangiti kong tugon. Kanina pa pala ako nakatulala sa computer. ‎ ‎"Lutang ka naman ate, may naamoy ka naman bang perfume at ang lalim ng iniisip mo, yung memory mo klaro na ba?" ‎ ‎Lumingon ako sa kanya at di sumagot. ‎"Hay ano ka ba ate, sa bahay ko nalang natin to tapusin, alam mo na, dating gawi," tukoy niya sa mga paper works sa harap ko habang nakabungisngis nag nag-su-suggest. ‎Pag-iiba ng topic. ‎ ‎"Lily Monaché, magpupuyat na naman ba tayo sa mga Korean drama mo, at ako na naman ba ang magluluto ng cravings mo?," kunwari'y pagsusungit ko. ‎ ‎Paniguradong iiyak na naman to' sa second lead niya. ‎"Sigi na ate, alam mo namang mahal kita." Turan niya sabay yakap ng mahigpit at inaalog-alog pa ako. ‎ ‎Kulit talaga. ‎ ‎"Nako kung di ka lang talaga malakas sa akin, di kita pagbibigyan." Sabay ligpit ko sa mga gamit at nang makauwi na. ‎ ‎“Ate, nothing to worry. Weekend bukas,” sabay hatak sa akin ni Lily. “Kahit magpuyat pa tayo hanggang kinabukasan, oks na oks. Walang pasok!” ‎ ‎ “Speaking of weekends,” tanong ko habang palabas na kami ng building. "Free ba si Henzyl ngayon? Matagal ko na siyanghindi nakikita, ah.” ‎ ‎ Natigilan si Lily. Tapos ngumisi. ‎ ‎“Bakit, miss mo na?” makahulugan niyang dugtong. ‎ ‎“Sira,” inirapan ko siya. ‎ “Hindi lang ako sanay na walang nangungulit, gano’n. Ba’t, ikaw? Na-miss mo?” ‎ ‎“Oo, medyo,”nagkibit-balikat siya. “Akala ko talaga magiging kayo ni Kuya Henzyl.” ‎ ‎“Ha?! Sa’n naman nanggaling ‘yon?” patawa kong balik-tanong. ‎ ‎“Eh kasi ang sweet niyo,” paliwanag niya. “Nagkakasundo kayo sa maraming bagay. Caring siya sa’yo. ‘Yon.” ‎ “Kami, sweet? Sa’n banda?” Kumunot ang noo ko. ‎ Inirapan niya ako. ‎ “Kaya hanggang ngayon single ka pa rin. Wala kang sweet bones.” ‎ ‎“Nagsalita ang hindi single,” pang-aasar ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD