Khieth POV, Nagising ako ng may humila sa akin patayo, hindi manlang ako ginising basta basta lang naman akong hinila, bwesit! Walang hiya talaga. Halos mabali na ang buto ko sa kakahawak niya, tinitiis ko nalang ito. Ayaw ko na mag reklamo dahil hindi rin naman nila ako pakikinggan kaya mas mabuti nalang na itahimik ko ang bunganga ko. Nag-sasayang lang ako ng laway ko sa kanila. Ito ang bulwagan na pinagdalhan nila sa akin. Bigla niya nalang akong itinapon sa semento na to. May tumulong sa akin na tumayo kaso akala ko tulong iyon pala kakaladkarin naman niya pala ako. Bigla niya akong sinuntok sa sikmura. Hindi ko inaasahan iyon. Sumuka ako ng dugo dahil sa ginawa niya, walang hiyang lalaki to! Makakaganti rin ako sayo. Bigla niya akong binuhat patiwarik at itinali ang paa ko sa

