Four POV, Pumasok ako sa isang malaking pinto, punong-puno ito ng dugo ng tao. Ng bubuksan ko na ang pinto naramdaman ko na may naghihintay sa akin sa loob. Hindi ko alam kung ano pero isa lang ang sigurado ko may panganib sa loob. Hinanda ko na ang espada ko para sa panangga. Tumalikod ako at sinipa ng buong lakas ang pinto. At tumambad sa akin ang napakaraming bangkay. Mukhang nabubulok na ito dahil marami ng insikto ang naka dapo dito. Hindi pa ako naka pasok ng may sumugod sa akin na bangkay. Tama kayo ang alakad ng black vampire ay mga nabuhay na patay at binigyan ng mga kapangyarihan. Iniwasiwas ko ang aking aking espada kaya naputol ang ulo ng kalaban ko. Tsk, ang hina naman nila. Habang papalapit ako ng papalapit mas dumadami na ang kalaban ko. Halos puno na rin ng dugo

