SIMULA:
"WOW! NAPAKAGANDANG PALABAS!"
"Oh my God." Nanlalaki ang mga matang bulalas ni Hilda. Taranta nitong dinampot ang kumot na nasa gilid ng kama at ipinangtabon sa hubad na katawan at umalis sa ibabaw ng kaulayaw.
Si Steve naman ay nagmamadaling tumayo. Kinuha nito ang unan at ginamit iyon upang iharang sa pribadong pag-aari bago tuluyang humarap sa kaniya.
"Shannon..." surprise nitong tawag sa pangalan niya.
Akala ba nito at siya lang ang na sorpresa?
Napapikit siya ng mariin. Alam niya na anomang oras ay babagsak na ang pinipigil niyang luha pero pinipilit niyang magpakatatag. Ayaw niyang ipakita sa dalawa na mahina siya.
"Kailan pa Steve ha?"
Nababakas ang pait sa tinig niya. Pinaghalong pagka-dismaya at pandidiri ang nararamdaman niya.
Bahagyang nagyuko ng ulo si Steve. "I'm sorry."
Natawa siya ng mapakla.
I'm sorry? Imbes na mag explain ito ay iyon lang maririnig niya? Nakakadismaya.
Lalapit sana sa kaniya si Steve pero agad niyang iniangat ang kamay niya para patigilin ito. Hindi niya hahayaan na makalapit pa ito sa kaniya. Ni isang hibla ng buhok nito ay ayaw niyang mahipan ng hangin at dumikit sa balat niya. Matinding pandidiri ang nararamdaman niya ngayon para sa lalaking kailan ay nangako na siya lang ang mamahalin.
Natawa siya sa isip niya. Tama nga naman. Siya lang ang mamahalin pero marami ang kakant*tin.
"Hindi mo ako lalapitan ng ganiyan ka." Pinagapang niya ang tingin niya simula ulo hanggang talampakan nito nang may kasamang panlilibak.
Panlalait.
Pandidiri.
"Shannon?" Muli nitong tawag sa kaniya. Siguro ay ang dami nitong gustong ipaliwanag.
Pero ano ba ang katanggap tanggap na paliwanag sa ginawa nito? Nautog lang kaya humanap ng maikakama? Punyeta!
"Oh well, mukhang pareho tayong na sorpresa." Punong puno ng sarcasm ang boses niya. Gusto niya pa nga sanang magsalita ng kung anu-anong mga masasakit na salita pero dahil sa dami ng tumatakbo sa isip niya ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin niya. Basta ang gusto nalang niya ng mga sandaling iyon ay umalis na sa lugar na iyon. Hindi na niya kayang makita pa ang mukha nito.
"Happy f*****g anniversary." nilagyan niya iyon ng diin.
Hindi niya alam ang dapat niyang i-react sa ganoong sitwasyon. Hindi niya naman kasi iyon inaasahan. Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa isip niya na magagawa siyang pagtaksilan ni Steve. Wala siyang maisip na dahilan para gawin nito ang bagay na iyon. Ok naman kasi sila. Simula ng magkaroon sila ng relasyon ay wala silang naging mabigat na pagtatalo. Kaya paano nito nagawang sumiping sa iba?
Dahil sa unti-unti ng kumakawala sa mata niya ang ilang butil ng luha ay tumalikod na siya sa dalawa. Hangga't maari ay ayaw niyang makita siya ni Steve na umiiyak. Ayaw niyang isipin nito na may second chance pa itong makukuha sa kaniya. Ayaw niya ring kaawaan siya nito.
Humahangos siyang tumakbo papunta sa elevator. Hindi naman siya sinubukang habulin ni Steve na lalong nagpabigat sa damdamin niya. Hindi man lang nito sinubukan na aluin siya. Siguro dahil nakahubad ito? O baka dahil hindi siya ang pinili nito?
Sa totoo lang hindi na niya alam ang iisipin niya. Gulong gulo na ang utak niya. Masyadong masakit para makapag-isip pa siya ng maayos.
Ang daming bakit na hindi niya malaman ang sagot.
Bakit kailangan niyang harapin ang ganito kasakit na bagay? Bakit siya pa? Bakit ngayon pa?