"Caydhen, I'm sorry." Sinamaan niya ng tingin si Katarina. "Leave me alone." Tinalikuran niya ito at naupo sa kaniya swivel chair. Paulit-ulit niyang minasahe ang kaniyang sentido. Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Unang beses niyang maramdaman na tila kumikirot ang dibdib niya. Hindi siya makahinga ng maayos dahil parang may batong nakadagan doon. Parang dinudurog ang puso niya ng makita ang pag-iyak ni Shannon kanina. Gusto niya sana itong lapitan pero may parte ng pagkatao niya ang pumipigil sa kaniya. Hindi niya parin matanggap ang ginawa nito sa kaniya. Inapakan nito ang p*********i niya. Gusto na niyang matapos ang kabaliwan niya kaya nga mas pinili niyang iwasan nalang ito. Iyon lang ang nakayanan niyang gawin dahil sa tuwing susubukan

