"Tell me Caydhen, just tell me anything..." Marahan niyang pinunasan ang pisngi niya na nababasa ng sariling luha. Ang sakit sakit na ng dibdib niya. Hindi na iyon tumitibok ng tama. "Sinabing ayaw na niya sa'yo. Umalis ka na nga dito!" sigaw ni Katarina sa tabi nito. "Shut up Katarina!" awat naman ng binata sa demonyong nasa tabi nito. Agad nitong tiningnan ng masama si Katarina na bigla namang natahimik at napayuko. "Iyon ba talaga ang gusto mo ha? Gusto mo ng makipaghiwalay sa akin? So ano? Tapos ka na bang makipaglaro? Ganoon ba ha? Laro lang ba ang lahat sa'yo?." Lalakad pa sana palapit sa kaniya si Caydhen pero agad na niya itong inawat. "Please stop. Huwag mo na akong paasahin. Tama na." Agad niyang tinalikuran ang dalawa. Halos takbuhin niya ang daan palabas ng opisina ni Cay

