Kabanata 10: Addicted

1005 Words
Dahil sa gulong nangyari ay nagpahatid na siya kaagad kay Lantis. Gusto na niyang umuwi dahil nai-stress siya sa kapatid nito. Inaalala niya na baka kapag tumagal pa siya roon ay mas lalo lang siyang pag-initan ng manyak na kapatid nito. Habang nasa biyahe sila ay narinig niya mula rito na dinala sa police station si Steve. Kahit paano ay naaawa siya rito. Matagal rin naman ang naging pagsasama nila kaya alam niya ang ugali nito. Mabuti itong tao. Kahit minsan ay hindi ito nasangkot sa anomang gulo. Not until today. Because of her. Somehow ay parang kasalanan niya pa iyon. Siya ang dahilan ng pag-iinit nito. Kung wala siya roon at hindi nito nakita ang ginagawa sa kaniya ni Caydhen ay hindi mangyayari ang nangyari. Dapat ay may gawin siya. Hindi niya pwedeng pabayaan na nakakulong lang si Steve. 9:05 pm Medyo late na. Kapag ganoong oras ay halos iilan na lang ang buma-biyaheng jeep sa kanila. Pero dahil gusto niya talagang mailabas sa kulungan si Steve ay nanghiram nalang siya nang motor sa tatay niya. Mabuti nalang at marunong siyang mag drive no'n. Nang marating niya ang presinto ay agad niyang tinanong ang desk officer na nabungaran niya. "Miss, bumalik ka nalang bukas. Bukas pa pwedeng piyansahan ang bilanggo. Bawal narin ang bisita ngayon. Gabi na kaya matulog ka na." Sinubukan niya pang kulitin ang pulis na nasa front desk pero kalaunan ay sumuko rin siya. Alam niya kasing hindi rin siya mananalo dito. Wala siyang magagawa kung hindi hayaan muna na magpalipas ng magdamag sa kulungan si Steve. Bukas ay aagahan nalang niya para mailabas ito at mabura na isip niya ang anomang inaalala niya. ---×××--- The feeling of being played and being used was damn getting into his nerve. Wala siyang maintindihan sa nangyayari kaya naiinis siya. It wasn't his intention to do such thing to Shannon pero pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito kaya nagalit siya. Ngayon ay gusto niyang bugbugin ang sarili niya dahil sa pabigla-bigla niyang desisyon ay kamuntikan pa niya itong masaktan. Or he already did? "You ok man?" Nilapitan siya ni Lantis. Iniabot nito sa kaniya ang isa sa mga basong dala nito. May laman iyong alak. "Do I look ok to you huh?" sarcastic niyang sagot dito. Agad niyang tinungga ang basong ibinigay nito at binalik ang tingin sa malawak nilang hardin. Nasa balkonahe sila, sa ikalawang palapag ng mansion. And from there position ay tanaw na tanaw ang garden ng mommy nila. Madilim man ang paligid ay may ilang bulaklak siyang naaaninag dahil sa liwanag ng buwan. "Is it her?" Binalik niya ang tingin kay Lantis. Ibig niyang matawa sa sinabi nito. Anong klase ng tanong ba kasi iyon. "Is it her what?" "Gusto mo ba siya?" diretsong tanong ng kapatid. Bumuga siya ng hangin. Paano niya ba ipapaliwanag ang sarili niya. Naguguluhan din siya. "Seryosong tanong ba iyan ha?" "Come on, tell me." "I don't like your woman ok. Wala akong balak na agawin siya sa'yo kung iyan ang ikinatatakot mo." "Shannon and I. We're not really dating." "Ow I see. You're just a f**k buddies." "Anong klaseng bunganga ba iyan ha? Your unbelievable Caydhen. Kilala mo ba siya ha? How could you say that to her?" Para siyang sinampal ng mga salita nito. Agad siyang napayuko at natigilan. Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Simula ng makita niya na magkasama sina Shannon at Lantis ay nag-iba na bigla ang mood niya. He feel betrayed kahit wala naman talagang matatawag na pagtataksil. Siguro iyon ang dahilan kung bakit naging mapusok siya kanina. Dahil iniisip niya na pinagtaksilan siya ni Shannon. Pakiramdam niya ay tinutuhog silang magkapatid nito. Pero narito ngayon ang kapatid niya. Defending that woman. Mukhang nakuha narin nito ang loob ng kapatid niya. A very good game plan. "I'm just tired. Matutulog na ako." Tinapik niya ang balikat ni Lantis at ibinigay dito ang hawak na baso. Nilampasan niya ito. Pagkatapos ng ilang hakbang ay narinig na muli itong nagsalita. "Nakilala ko siya sa ampunan, kanina lang. I beg for her help. Nagmakaawa ako na tulungan niya ako. Wala siyang hininging kapalit Caydhen. She was a nice girl. Kung hindi mo aayusin ang sarili mo. Baka nga. Baka maging totoo ang ikinagagalit mo ngayon. Baka agawin ko siya sa'yo." Tarantado. Napailing-iling siya. Malamang ay nasabi na dito ni Zygfryd ang tungkol sa paghahanap niya kay Shannon. Isinilid niya ang mga kamay sa bulsa ng kaniya pantalon. Wala silang relasyon. Parang biglang lumiwanag sa kaloob-looban niya ng maisip iyon. He just got it all wrong. Eh ano ngayon? Dapat ba siyang magdiwang? Ano ba kasi ang gusto niya? Dumiretso siya sa kwarto niya. Binalibag niya ang kaniyang katawan sa malambot na kama. Tapos nakipagtitigan siya sa kisame. Napailing siya ng makita roon ang anyo ng dalaga. She was smiling to him. Sana ay totoo iyon. Ginulo niya ang buhok niya. Naiinis siya sa sarili niya. How could he do that to her? Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya pero malinaw sa kaniya ang lahat. He was being drug by that woman. He was addicted to her. Kailangan niya itong matikman ulit. He will do everything to f*****g taste her again. Humanda ito dahil hindi siya papayag na makatakas ito sa kaniya. Wala siyang bagay na ginusto na hindi niya nakuha. Even her, kaya niya itong mabawi. He will definitely do everything basta hindi siya nito pwedeng takbuhan. Like any other girls. Alam niya na pera lang ang katapat nito. He will buy her attention. Sigurado siya na pagsasawaan niya rin ito. Love doesn't exist for him. Katulad ng palagi niyang pinatutunayan ay hindi siya magagawang kontrolin ng sinomang babae. Not even this one. Hindi ito espesyal. Na mangha lang siya dahil sa kaniya nito binigay ang virginity nito pero iyon lang iyon. Patutunayan niya na wala itong halaga. Hindi siya pwedeng maging parang aso nalang na hahabol-habol dito, kaya kailangan niyang gawin ang lahat para matapos na ang kahibangan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD