Dinilat niya ang mga mata. Lahat ng nakikita niya ay puro kulay puti lang. Nang sinubukan niyang gumalaw ay naramdaman niya ang pananakit ng ilang bahagi ng katawan niya. Bigla niyang naalala ang nangyari. Nagmamadali niyang pinaandar ang kotse niya para puntahan si Shannon. Kahit wala siyang gaanong makita dahil sa pagkalasing ay pinagpatuloy niya parin ang plano niya. Hindi na siya makapaghihintay pa ng matagal para lang makita ang dalaga na ilang araw naring nagpapahirap sa kaniya. Kahit si Rapha ay hindi siya nagawang pigilan. Hanggang sa bigla nalang may malakas na ingay na bumingi sa kaniya. Mabuti nalang at mabilis na gumana ang airbag ng kotse niya kaya hindi siya gaanong nasaktan. Pero dahil sa pagbangga niya at matinding pagkalasing ay nawalan siya ng malay. Ngayon nga ay nasa

