CHAPTER 3

3074 Words
NAHIHINGAL s’ya na parang hinabol ng kung anong peste. “M-Miss. I apologize. Nag-pumilit s’yang pumasok sa loob ng mans’yon.” Ilang sandali lang, sumulpot ang butler namin sa likuran n’ya at yumuko. “It’s fine. I will handle this insect,” malamig kong usal. Kaagad na umalis ang butler. “Sakura… why...bakit wala kang sinabi sa ‘kin na aalis ka pala?” I was giving him a deadly stare and a rotten facial expression para maipakita sa kan’ya na hindi ko nagugustuhan ang asal n’ya. Hindi ako makapaniwala na minahal ko ang lalakeng ‘to. Siguro dahil guwapo s’ya. I am a fan of good-looking guys since then kaya ako na-broken hearted ng dalawang beses. First, ‘yong first ex ko na inagaw ni Ginger. Pumapangalawa itong ex kong naka-titig sa ‘kin ngayon na nahuli kong nag-s-s*x sila ni Gretta. Na'ng dahil sa kanila, hindi na ako naniniwala sa mga lalakeng nanliligaw at nagpapapansin sa 'kin. I am done. Nakapag-decide na rin akong hindi magaasawa like my Tito Gideo. Why not? Buhay ko 'to. I had enough. Ayaw ko ng masaktan dahil nakakabobo pala. While looking at his face, bumabaliktad ang sikmura ko na gusto ko s’yang sabuyan ng asin. Isa s’yang insekto at masamang espirito. Simula noong nag-break kami dahil nga cheater s’ya, ilang buwan kong iniyakan ang lalakeng ‘to but after months of moving on… when I turned 19 years old, nagsisimula na ulit s’yang magpapapansin sa ‘kin. Akala n’ya siguro, makikipagbalikan pa ako. Hanggang ngayon, hindi n’ya pa rin ako tinitigalan. He became delusional like crazy. “Why would I inform you? Sino ba ka bang talipandas ka?” My voice can send shivers down his spine. Sa panlalamig ko, iniwasan n’ya ako ng tingin. Napa-baba ang aking tingin dahil napansin kong kinuyom n’ya ang kan’yang mga kamao. Ngayon ko lang din napagtantong may dala-dala pala s’yang bouquet of flowers. “I-I am… your friend, right?” Umangat ang kaliwang kilay ko. “Who told you that? Kailan pa ako nakipagkaibigan sa mga basura?” Biglang tumahimik ang paligid. “Get out. Lumayas ka sa pamamahay ko. Huwag mong hintayin na mapa-tayo ako dahil baka ipakain ko sa ‘yo ‘yang mga bulaklak mo,” mahinahong utos ko. “I will handle him. Allow me.” Tumayo si Sir Legis. Nilapag n’ya ang saucer sa ibabaw ng center table. Wala akong imik. Lumakad s’ya palapit sa kinatatayuan ng ex ko. Tumigil si Sir sa kan’yang harapan. Tiningala n’ya si Sir. Even I can’t see his facial expression, mukhang tinitigan n’ya ng masama ang ex ko. Look how terrified he is. “I will accompany you downstairs,” mahinahong usal ni Sir. “N-No need! I will go!” Saglit akong binalingan ng tingin ng insekto. “Sakura… I will not give up on you!” Iyan ang huli n’yang sinabi bago tumalikod at mabilis humakbang palayo. Sa pagkakataong ito, sinarado na ni Sir Legis ang pinto at ni-lock. Bumalik s’ya sa kan’yang puwesto at bumuntong hininga. “That asshole again. Is he always bothering you?” Tumango ako. “He’s been pestering me.” Since last day ko na rito, nagkwentuhan kami ni Sir. Hindi ko alam kung ilang weeks akong manatili sa Demorgon’s village kaya binigay ko na kay Sir Legis ang time ko. After fifteen minutes, may kumatok ulit sa pintuan ng living room. “I will open it.” Si Sir Legis na ulit ang tumayo para buksan ang pintong ‘yon. Sasandal sana ako sa sandalan ng sofa pero hindi natuloy dahil nakita ko na ang taong nasa likod ng pangangatok ngayon lang. “Loki?” Hindi ako makapaniwalang dumating ang kauna-unahang ex ko. Kahit nakaharang ang malaking katawan ni Sir Legis sa kan’yang harapan, tumatagos pa rin ang mga mata n’ya para matitigan ako. “What are you doing here?” nagtatakang tanong ko. It’s so rare for him to visit me here. Kung makulit si Onyx, kabaliktaran naman kay Loki. Kahit sa iisang university lang kami, hindi s’ya naging istorbo sa ‘kin noon, unlike Onyx. Sa ibang university s’ya nag-aaral pero may oras s’ya para bwisitin ako. Loki was just staring at me from afar. Minsan, nahuhuli ko s’yang naka-titig sa ‘kin pero pasimple s’yang umiiwas ng tingin. Last year pa s’ya nag-graduate. Isang taon yata ang tanda n’ya sa ‘kin. Kaya lang kami nag-break noon dahil nahuli kong naka-yakap sa kan’ya si Ginger. It caused a huge misunderstanding for both of us. Bata pa kami no’n kaya kami nag-hiwalay. “At ano naman ang ginagawa mo rito?” Nirerespeto ko pa s’ya kaysa kay Onyx dahil ‘di hamak na mas matino si Loki. May respeto rin s’ya sa ‘kin… so I was just treating him what he deserved. “Can I talk with you?” pormal n’yang tanong. I nodded. Humakbang s’ya patagilid para maka-lusot sa panghaharang ni Sir Legis. Sinundan ko ng tingin si Loki hanggang sa umupo s’ya sa kung saan ang puwesto ni Sir. “What brings you here?” “I am sorry if I disrupted you but I wanted to ask you in person kung saan ka magtatrabaho? Your father didn’t tell me the exact place.” Med’yo close sila ng papa ko. Ewan ko kung bakit. Mukhang nag-usap na naman sila sa chat or tawag. “He told me that I should ask you so I came here.” Wala silang alam ni Onyx kung saan ako pupunta. Bawal ipagsabi sa iba. Kung nalaman man ni Onyx kay Gretta ang tungkol sa pag-alis ko, mukhang hindi n’ya binanggit kung saan at kung anong trabaho ang papasukan ko dahil kapag sa oras na ipagsabi nila sa ibang tao… hindi na sila bibigyan ng ayuda ni Tito Gideo. “Pardon me pero, private na ‘yon. It has nothing to do with you, Loki.” He averted his eyes. “Mukhang tama nga ang aking kutob.” Kumunot ang noo ko sa sinabi n’ya. “Kutob saan?” “Gusto mo talagang mag-trabaho sa Mafia Organzation na iyon. You wanted to become a warrior there, right?” “S-Sino ang nag-sabi sa ‘yo n’yan?” seryosong tanong ko. “You,” mabilis n’yang tugon. “Nakalimutan mo yata ang sinabi mo sa ‘kin dati na nais mong pumasok doon. Hindi ko ‘yon binigyan ng pansin dahil imposible sa isang babae na makakapasok sa lugar na ‘yon but I noticed that you have been putting a lot of effort to build your body. And I saw you bought a wig for men last week. Ang ibig sabihin, natutuloy ang balak mong mag-trabaho roon.” Sinubukan kong balikan ang mga ala-ala kung saan banda ko sinabi sa kan’ya about sa pangarap ko. I couldn’t remember when the time I told him about that pero sa panahon kasing ‘yon, malapit ang loob namin sa isa’t-isa at siguro, na-carried away ako kaya nabulgar ko ang tungkol doon. But, I didn’t expect that he still remembers that small detail. “Tama ka at mamaya, nandoon na ako. Ano naman kung doon ako magtatrabaho? Pipigilan mo rin ba ako?” natatawang tugon ko sa kaswal na paraan. “No. It’s just that… be careful. That place is hellish.” I smiled. “So nag-punta ka rito para maipakita rin sa ‘kin kung gaano ka nagaalala?” Doon na n’ya si-nide view ang kan’yang ulo at sinabayan pa ng awkward na tikhim si Sir Legis. Hindi ko naman sinasadyang paringgan s’ya. “Thanks for the concerns. I appreciate it.” Tumayo na ako sa pagkakaupo. “Oras na para magasikaso. I have to go now. Maiwan ko na kayo rito.” Nag-lakad na ako papunta sa naka-bukas na pinto. Naka-tayo pa rin doon si Sir Legis habang naka-harap sa ‘min. “Bye for now, sir.” Naka-labas na ako sa loob ng living room. Na’ng makapasok na ako sa kuwarto ko, diretso bathroom na at naligo. And now to my favorite part. I have to dress myself like a man full of dignity and authority. First, I dried my hair. Sinuot ko muna ang aking brief and boxer shorts. It feels comfortable anyway. Pero, may panty pa rin akong sinama sa maleta ko. Ginamit ko na ang elastic white bandage. Pinulupot ko iyon sa aking dalawang dede para maipit at maitago ang bukol. Noong una, hindi pa ako sanay dahil masakit and I could hardly breathe. Med’yo may kalakihan kasi ang dibdib ko kaya ako nahihirapan. Hindi ako nakakahinga ng maayos pero praktisado na ng katawan ko. Makakapagpahinga naman ang mga dibdib ko kapag sa oras ng tulog roon sa magiging hideout ko. May pinagawang kuwarto si tito Gideo roon na para lang sa ‘kin. Next, sinuot ko na ang white long sleeve polo shirt, black suit trousers, and black jacket suit. Kasunod naman no’n ang itim a combat shoes. I started to fix my hair. Ipinasok ko na sa elastic hair net na hapit na hapit sa buhok ko. Doon ko na sinuot ang men’s wig. Parang emo style hair pero hindi oa. Sakto lang din ang haba ng buhok. Ilang inch lang na hindi nakakasagabal sa mga mata ko. Nilagyan ko ng mahigpit na hair pins para secured. Kinuha ko na ang aking favorite medieval sword called broadsword. This sword was a popular weapon during the medieval period used by knights and infantry in warfare and combat. This is known for its versatility and ability to deliver powerful cutting and thrusting blows. This is effective at hacking and slicing while its point was sharp enough to pierce even the toughest defenses. 31 inches ang haba ng blade. May totoong red opal gemstones pang naka-attach sa magkabilang sides ng guard or quillon. Iyon ‘yong parang krus sa dulo ng grip. Isa rin ‘to sa mga kayamanan ko at napakahalaga ‘to for me. This is not just expensive but valuable rin ‘to sa ‘kin. Binili pa ‘to ni Papa sa Europe. Hindi ko lang kung saang parte. “My…my… I look so f*****g cool…” Tinitigan ko na ang repleksyon ko sa isang full body mirror. Lalakeng-lalake ako tignan! Hindi ko inahitan ang kilay ko para lang dito! Sinuot ko na rin ang half-finger leather gloves para maka-create ng friction sa grip. Nawala na kasi ang mga kalyo sa mga kamay ko since I treated those calluses with a moisturizing lotion. Hindi ko na nakakapitan ng mabuti ang espada ko kung walang gloves. In-attach ko rin ang sword belt ko. Una kong kinabit ang scabbard or sword cover sa kaliwang gilid ng aking balakang at doon isinilid ang espada ko. Lastly, sinuot ko na rin ang voice changer belt necklace ko. Naka-disable pa iyon at mamaya ko na i-on kung nandoon na kami sa village. Hindi ko alam kung ilang oras akong namalagi sa loob ng walk in closet. Wala pa rin si tito Gideo kaya nakapagtanghalian pa ako kasama ang mama at papa ko. Napuno ng mga compliment ang mga tainga ko at parang nagkaroon sila ng anak na lalake. Pag-sapit ng ala siete ng gabi, doon pa lang dumating si Tito Gideo at pormal muna akong nag-paalam sa mga magulang ko bago nilisan ang bahay namin. “You look handsome and charming. I didn’t recognize you earlier,” komento naman ni Tito Gideo. Naka-upo s’ya sa driver seat at kino-kontrol ang manibela. Nasa back seat naman ako. “Really, Tito?” “Yes, Venom. Can you turn on the voice changer, please?” utos n’ya sa ‘kin pero saglit na kumunot ang noo ko. “Venom?” “Yes. From now on, I will call you Venom and your last name is Ferel. Are we clear?” It seems like that is my fake name. “Opo, tito.” I pushed the small button in my belt necklace. “Simula rin ngayon, call me Sir,” he mandated. “Yes, Sir—oh God. It startled me.” Tinawanan ako ni Tito Gideo. Nagulat lang ako ng konti dahil ibang-iba ang boses kong lumabas sa speaker ng necklace. Ilang beses ko pa lang ito ginamit pero nakakagulat kung minsan. It was a deep and kind of hoarse voice. Kinakailangan kong hinaan ng konti ang boses ko para hindi ma-reveal ang girly tone ko pero dahil sa marunong naman ako makipagusap sa lalakeng tinig, hindi na kailangan. Siguro kapag napapagod na ang lalamunan ko, doon na lang ako bubulong. “My voice sounds so manly. I really love it.” “You are a very different person now. Mukhang kilangan ko na’ng sanayin ang sarili ko na gan’yan na ang magiging anyo mo, Sakura—I mean… Venom.” Natawa kaming dalawa ni Tito. “By the way, dala mo ba ang special remote? Magagamit mo iyon sa importanteng pagkakataon.” “Yes, Sir. I have it in my pocket,” pormal kong tugon. “Good but always remember, you have to ask permission to me before using that thing.” Sumangayon ulit ako sa sinabi ni Tito. Tumagal ng isang oras ang biyahe bago kami nakapasok sa unang gate ng demorgon’s village. This village is composed of 5 gates. Each of them has hideouts. Gate 1, is for the associates—the lowest rank in the mafia’s organization. Gates 2 and 3 are capos and soldier’s hideouts. Those men have high and highest ranks. Gate 4 is where the mansion was located exclusively for Demorgon’s family only. Gate 5, is where the illegal activities are performed. Selling illegal firearms. The village was hidden under the trees. No one dared to step in even the authorities. The place was guarded by tons of soldiers especially the circumference of each gate. Sinaulo ko pa ang detalye na ‘yan noon pa dahil importante ‘yan para sa isang soldier na gaya ko. Nasa gate 1 palang kami. 15-20 minutes ang biyahe para makarating ka sa bawat gate dahil napakalawak ng village na ‘to. Naka-titig lang ako sa labas ng bintana. Ang mahabang kalsada lang ang may open space at sa magkabilang gilid ng kalsada, doon ko makikita ang mga hideouts ng mga associates. May mga ilaw akong nasilayan sa kaloob-looban ng gubat. Nasa lilim ng mga puno ang mga hideouts na iyon. “Sir, I wanted to see the moon…” request ko kay tito. Gan’yan na ang tawag ko sa kan’ya para masanay na rin ako. I love staring at the moon every night. “Okay.” Dahan-dahang bumukas pahati ang bubong ng kotche at doon bumulaga sa aking paningin ang bilog na buwan. Iyon ang nasisilayan ko sa balcony ng kuwarto ko tuwing gabi. Namamayagpag sa itaas ng mga ulap. The moonlight reflected through the white-silver clouds. I could see the stars twinkling and shining above. That moon is the same one I gazed upon in my room but… why does it seem terrifying now? Dahil ba, nasa teritoryo na ako ng mga masasamang tao? Though the moon seems to vanish in daylight it always emerges from the darkness in breathtaking splendor. It shines so radiant that I can almost feel it in my grasp. However, I don’t like the aura here… it is so mysterious. Well, let’s abandon the negative energy. Nakakarelax naman ang paligid. There is a moist and cold breeze that bears the lush scent of trees and grass. I can even hear the cries of small insects. Makalipas ang mahaba-habang mga minuto, nakarating na kami sa hideout. Hindi naman gaanong dikit-dikit ang mga iyon. Malayo ng konti ang mga kapit bahay. Nakita ko na sa wakas kung ano ang hitsura ng titiraan ko. Not bad. Malawak tapos rectangular shaped ang kabuoan. “Open the door. This is Gideo.” Nasa harapan na kami ng itim na pintuan. May mga light bulbs sa labas ng hideout. Naka-kabit sa kisame ng bubong. Ilang sandali lang, biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko ang isang lalakeng naka-black suit. “Good evening, Sir Gideo.” Ang kan’yang boses ay punong-puno ng paggalang. Expected kong may mga comrades akong sasalubong sa 'min. Tatlo sila rito. Kapag kasi nag-separate ako ng hideout, magiging kahina-hinala ‘yon. “Get her things at the back compartment,” utos ni Tito. “Copy, Sir.” Lumabas na ang lalakeng ‘yon. Hinarap ko naman si Tito rito sa tabi ko. “Thank you, Sir. I will update you tomorrow,” makahulugang usal ko na agad na tumango si Tito. Isa-isang pinasok ng lalake ang mga maleta ko sa loob ng hideout at doon na umalis si Tito Gideo. Pumasok na ako sa loob. “Ito pala ang newly hired soldier na sinasabi ni Sir Verno.” Med’yo nabigla ako dahil kakapasok ko pa lang sa ground floor, presens’ya agad ng dalawang lalake ang humarang sa ‘kin. They were looking at me. Mukhang ngayon pa lang, minamalit na nila ako base sa mga tinginan nila. It's not new to me. Gan'yan na gan'yan din tumingin sa 'kin ang mga taong kilala ko. “He is quite handsome pero mukhang payat at malamya.” They laughed together. Halatang iniinsulto nila akong dalawa. “Walang kuwenta ang kaguwapuhan mo sa lugar na ‘to, pre.” Mukhang hindi nga nagsisinungaling ang mga mata ko at compliments galing sa aking mga magulang. They have no idea that I am a lady in disguise at makakasama ko na ang mga talipandas na ito sa soldier journey ko. Someone stepped forward. “Totoong espada ba ‘to?” Huminto s’ya sa gilid ko at binabaan ng tingin kung saan naka-sabit ang aking patalim. “Swords are outdated here. We are using guns not… a piece of s**t na parang galing pa kanuno-nunuan mo—“ Hindi na naipagpatuloy ang pagdadaldal ng lalake dahil kinapitan ko ang kan’yang kuwelyo. Kinuyom ang kanan kong kamao. Inipon ko ang lakas ko roon at sinikmuraan s’ya. Bumulwak ang hangin at daing sa bunganga n’ya. Napa-luhod s’ya sa sahig at napa-hawak sa tiyan. Tiningala n’ya ako sabay tinapunan ng matalim na tingin. “Y-YOU f*****g—“ At doon ko na kinapitan ang grip ng aking espada at binunot sa cover. It created a frightening ‘schwing’ sound. Tinutok ko ang matulis na dulo ng aking sandata sa magmumukha ng lalake. Nanigas s’ya. I released a menacing glow in my eyes. “Don’t provoke me. Baka dumaplis ang espada ko sa pantog mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD