CHAPTER 4

3044 Words
“W-WHAT DID YOU SAY?!” Napa-salin ang aking atens’yon sa lalakeng nasa likuran n’ya. Bahagya akong bumuntong hininga. I didn’t come here to kill some idiots. Naka-ligtaan kong itanong kay Tito Gideo kung matino ba ang mga co-soldiers na makakasama ko sa iisang hideout. “Ang yabang mo na pre! Bagong salta ka pa lang, inaangasan mo na kami! Gusto mo bang matanggal ‘yang angas mo?!” bulyaw n’ya pa sa ‘kin na parang siga sa kanto. I thought my comrades are cool guys with manly personalities pero bakit parang mga asong ulol ang mga nadatnan ko rito. “Where’s my room?” I have to be patient as long as I could. Hindi ko naman talaga gustong pakitaan sila ng pangit na first impression pero kasi, hindi ko lang gustong iniinsulto ako dahil mabilis uminit ang ulo ko. Punong-puno na nga ang mga tainga ko ng panginginsulto mula noon tapos makikisabay pa ang mga ‘to. Hanggang dito pa ba naman. I sighed. “F-f**k… I think my ribs broke…” Saglit kong binabaan ng tingin ang lalakeng sinikmuraan ko at tinitigan ko ulit ang pangalawang soldier na handang makipagbakbakan sa ‘kin pero hindi pa s’ya sumusugod. Mukhang duwag ang isang ‘to. Wala lang, hula ko lang. Kung matapang s’ya, he could have helped his comrade dahil sinikmuraan ko but he stayed in his position. Hindi umalis sa kan’yang puwesto. “I am sorry,” magalang kong usal. Hindi ako pumunta rito para kalabanin ang mga kakampi ko. Maybe I should control my temper more. Binalik ko na lang sa loob ng scabbard ang aking espada at inalay ko ang aking kanang kamay sa lalakeng sinikmuraan ko. Tinitigan n’ya iyon at sabay titig din ng diretso sa mga mata ko. “Get away from me, you heartless prick!” he shouted habang kapit-kapit n’ya pa rin ang tiyan n’ya. “Tatanggapin mo ba ang kamay ko o hindi?” I sounded like I was threatening him. Nakakakilabot pa naman pakinggan ang boses lalake kong tinig dahil sa ginagamit kong voice changer. Parang nanghahamon ako ng away. “Just take my hand. I didn’t mean to scare you. Just don’t approach me in such a barbaric manner.” I tried to manipulate the tone of my voice. “Who told you that I am f*****g scared huh?!” Bahagya kong binaba ang talukap ng aking mga mata. Ang tigas naman ng ulo nito. Nakikipagmabutihan na nga ako at nagpakumbaba. “Then why do your eyes seem terrified? Hindi naman talaga kita sasaksakin. I am here to work with you guys.” I think he felt intimidated by me. Kahit nga ako, natatakot sa sarili ko minsan. I am not a fan of wearing lively facial expressions. I have dead eyes and a gloomy face. It’s just normal for me. Walang dapat ipagalala dahil mabait naman ako. 'Yan sabi ng mga magulang ko. Isang minutong naka-angat lang ang kanang kamay ko at hinihintay kong tanggapin ‘yon ng lalake pero hindi talaga. Nangangalay na ako. Huminga ako ng marahas. They flinched. Even my harsh breath is kind of revolting. “I am trying to be nice here, you see?” Marami pa akong gagawin kaya niyuko ko na ang lower body ko at kinapitan ang kuwelyo ng lalake. Marahas ko s’yang pinatayo ng tuwid pero mukhang hindi n’ya pa kaya dahil napa-ngiwi s’ya. Napa-kamot na lang ako sa gilid ng ulo ko gamit ang kaliwang hintuturo ng aking kamay. Mukhang napa-lakas yata ang suntok ko kanina. “Masakit ba? Do you need help?” I asked calmly but he was just giving me a sharp look. He hates me already. “Sa susunod, ‘wag mo akong insultuhin okay? Humihingi ako ng paumanhin pero hindi ako magdadalawang isip na uulitin ‘yon kung away talaga ang hanap n'yo. Kung nagkakaintindihan na tayong lahat, maaari ko bang malaman kung saan ang kuwarto ko?” Hindi nila ako sinagot. Titig na titig lang talaga sila sa ‘kin na parang gusto nila akong saktan pero hindi naman nila magawa. “At the left side of the corridor. Sa pinakahuling kuwarto. That’s your room.” Narinig ko ang pamilyar na boses ng lalake. S’ya ‘yong kumuha ng mga maleta ko kanina. Naririnig ko ang mga yapak n’ya na palapit sa ‘min hanggang sa tumigil s’ya sa gilid ng sinikmuraan kong lalake na bahagyang naka-yuko ngayon at hinihimas-himas ang sariling tiyan. “Shall we introduce ourselves?” The guy who was talking to me is quite dignified compared to those two. Pinong-pino s’ya mag-salita at pormal gumalaw. Hindi katulad sa dalawa n’yang kasama na ang gaspang kumilos. “I am Saku—“ Damn. Take two. “I am Venom Ferel,” kaswal na pagpapakilala ko sa aking sarili. “Nice to meet you, Venom. I am Finn Magnus.” Nilapat n’ya pa ang kanang palad sa dibdib n’ya banda at yumuko sabay tayo ng tuwid. “And this man beside me is Shark Benidictus.” At nilahad ang kan’yang kamay kung saan naka-tayo ang lalakeng naka-ngiwi. Kanina pa ako na-d-distract sa kan’ya dahil na-g-guilty ako at sinikmuraan ko s’ya. “And the guy at my back named Dicko Lucian Fuente.” Pakilala n’ya naman sa soldier na naka-titig ng masama sa ‘kin ngayon. “I am pleased to meet you all.” Saglit kong niyuko ang aking lower body for formality. “And so we are, Venom. If you have questions, just ask me.” “I will.” At humakbang na ako palapit sa nagiisang corridor na pumapagitna sa dalawang pinto. Dire-diretso lang ang aking paghakbang pero naka-harang sa dinadaanan ko si Lucian. I was about to step sideward pero s’ya na mismo ang umiwas sa dinadaanan ko kahit hindi ko naman s’ya pinagsabihan. Nilagpasan ko silang lahat sa paglalakad. Wala akong ibang naririnig kundi ang aking bawat yapak galing sa mabagal kong pag-hakbang. Even without looking, I know precisely those men were gazing at me. Naka-titig silang lahat sa ‘kin na parang sinasaulo nila ang aking bawat galaw. That ominous aura somehow sent chills down my spine. I felt like they would attack me at any moment. Kinikilabutan ako ng konti pero safe pa rin ako as long as my sword is with me. Hindi ako magtitiwala sa mga taong makikilala ko sa lugar na ito especially, they are men. Men are predators here. I must trust no one. 'Yan ang isa sa mga bilin ng Tito ko. “Finn,” mahinahong tawag ko habang walang tigil ang aking pag-hakbang papasok sa kahabaan ng corridor. “Yes?” “Puwede bang mahatid mo ang mga maleta ko sa aking silid?” magalang na utos ko. “Of course.” “What? Can’t you do it all by yourself huh?! WE ARE SOLDIERS! NOT YOUR SERVANT!” Boses ni Shark. I think that guy is quite hot-tempered or baka, sa akin lang talaga uminit ang ulo n’ya. Tinigil ko muna ang aking paglalakad at nilingon sila. Kay Shark ko tinutok ang aking mga mata. "Hindi naman ikaw ang pinakiusapan ko. If I were you, tumulong na lang,” kalmadong tugon ko. I was just teasing him. “WHAT THE—YOU PRICK! COME HERE AND I WILL WHOOP YOUR FAT ASS!” Napa iling-iling na lang ako. Akma akong susugurin pero hinarang ni Finn ang braso n’ya para hindi matuloy ang balak ni Shark. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-hakbang ko papasok sa kuwarto ko. At nabigla ako sa bumungad sa ‘kin. “What’s going on here?” I whispered. The entire room is sparkling with a brownish-gold hue! Sa gitna ng silid, may king sized bed with thick foam, comfy mattress with soft and big pillows! May sarili rin akong Cleopatra sofas, center table, and couches sa kaliwa and then sa kanan, may sliding door papuntang veranda?! Pag-tingala ko sa kisame, what the hell… I saw the crystalized chandelier! Ang akala ko ba, simpleng single bed lang ang nadito sa loob at simpleng furniture but… why does everything inside of this room look so darn luxurious and expensive?! “You seemed shocked. Ano ang problema?” tanong sa ‘kin ni Finn na kakapasok lang n’ya rito sa loob. “N-Nothing. This room didn’t meet my expectations,” pormal kong tugon. Tumigil si Finn sa kaliwang gilid ko. “Are you disappointed, Venom? Kami ang nag-arrange ng lahat ng mga muwebles.” Napa-baling sa kan’ya ang atens’yon ko. “You what?” He faced me and smiled. “Sir Verno bought this finest furniture and kami ang nag-linis, nag-arrange ng lahat na nakikita mo sa loob ng silid na ito. May mahigpit na bilin din sa amin si Sir Verno na huwag ipagsabi ang tungkol dito dahil unfair sa iba. Pumayag kami at huwag kang mag-alala, our mouths are zippered. Kahit mga gago ang kasama ko, they know how to keep a promise dahil hindi naman namin gusto maging pagkain ng black puma,” dire-diretsong paliwang n’ya sa ‘kin. So, si Tito Gideo ang may gawa nito? Ni hindi n’ya man lang sinabi sa ‘kin! But anyway, I was really curious about the wild cat called black puma. I wanted to see that cat in person dahil total, I love cats. ‘Yon nga lang, allergic ang mama ko sa balahibo ng pusa kaya hindi ako nag-alaga. “Sir Gideo doesn’t need to do this…” bulong ko. “Mawalang galang na, Venom but… kaano-ano ka ni Sir Verno?” Finn suddenly asked me. I cleared my throat. Napagusapan namin ni Tito noon pa na dapat, walang nakakaalam na pamangkin n’ya ako at tiyuhin ko s’ya. Susunod ako sa kasunduan namin kung ano ang isasagot ko sa mga ganitong klaseng tanungan. “Magkaibigan sila ng aking ama.” That information is enough to fill his curiosity. “Is that so… kaya naman pala. Obviously, hindi naman ganito ang kuwarto ng isang mandirigma. Kapag nakita mo ang aking kuwarto, it’s just simple and plain. One bed, tiny closet, 2 sofas, and 1 center table.” Tumango ako. “And anyway, we are sharing one bathroom here. Nasa dulo at center part lang nitong corridor.” Kumunot ang noo ko. “What? One bathroom?” He nodded. Gusto kong mapa-sapo sa noo. I have a classy room but I don’t have a bathroom here?! Kahit ‘yon lang sana ang priority ni Tito! But, I have no right to get pissed. Wala pala akong request kay tito na dapat may sarili akong bathroom. Mukhang mapapatagal lagi ako nito sa banyo dahil doon na ako magbibihis at dapat, suot ko na ang lahat ng disguise ko bago ako lumabas. “Napasok ko na ang mga bagahe mo. Tawagin mo lamang ako kung nais mo humingi ng tulong.” Kumurap-kurap ako. “Thank you so much.” Pormal akong nagpasalamat kay Finn. Umalis na s’ya sa loob ng kuwarto ko at doon ko naman isa-isang inayos ang aking gamit sa loob ng maliit na walk in closet. Mahigit dalawang oras ko siguro in-arrange ang mga gamit ko sa mga closet cabinet. Ang mga gamit naman na hindi dapat makita like sanitary pads, moisturizing lotion, perfume, facial cleanser, cotton buds, at iba pang gamit ko bilang isang babae, nakatago sa isang malaking special na maleta. May lock iyon at tinago ko pa sa likuran ng mga naka-hanger kong jacket suits. Para hindi mahalata, ang una mong makikita sa maleta… mga iba’t ibang klase patalim as known as daggers. Sa ilalim no’n matatagpuan ang mga gamit ko. Tagong-tago dahil mahirap na. Hindi naman ako paghihinalaan sa mga palalim na ‘yon dahil ang sabi ni Tito, normal lang na magkaroon ang mga soldiers n’yan dito. Pagkatapos ko asikasuhin ang aking mga gamit, ni-lock ko na ang pintuan ng kuwarto ko. Isa-isang kinuha ang mga disguise na naka-kabit sa aking katawan at natulog na. Kinaumagahan, maaga akong nagising. Sinuot ko ulit ang mga disguise ko bago lumabas sa kuwarto. “Why are you making breakfast for that ferocious soldier, Finn?!” Dadako sana ako sa bathroom para mag-hilamos pero narinig ko ang boses ni Shark. Sinundan ko ang tinig na ‘yon at dinala ako sa exit ng corridor. Dahan-dahan akong nag-lakad sa kaliwang pintuan dahil doon nanggagaling ang mga boses. Maliban doon, nalanghap ko agad ang amoy ng pancake. “Sa dalawang taon natin na pagsasama, hindi mo kami pinagluto kahit isang beses bro. Kan'ya-kan'ya tayo rito! Kinakahiya kita! Parang hindi tayo pamilya ah!” Lucian’s Voice. Unti-unti akong sumilip sa kanang hamba ng pinto. Doon ko nakita na naka-upo na sina Shark at Lucian. Magkaharap sa dining table. Sa dulo naman naka-tayo si Finn. Naka-talikod habang nagluluto ng pancake. He was wearing a checkered Aquamarine and cyan apron. Take note, naka-ribbon pa ang dalawang strap ha. Wala pa s’yang saplot pang-itaas. Parang nginggiwi ako dahil ngayon ko lang na-realize na ganoon din ang dalawang naka-upo. They were wearing only their cargo short pants. Nagkakape silang dalawa. Nasilayan ko pa na tigiisa sila ng plato at naglalaman iyon ng gabundok na kanin tapos mga pritong itlog, bacon, at naamoy ko rin ang beef jerky. My God. Ang awkward naman kung sasabay ako sa kanila habang naka-balandra sa ‘kin ang kanilang mga katawan. But not bad ha? Mga maskulado pala sila. Sakto lang but not exactly my type. Puwede na. They are good-looking too. “What was his name again?” tanong ni Shark. “You mean, Venom Ferel?” tugon ni Finn. “Now, I remembered it. Utos din ba ni Sir Verno na ikaw ang taga-luto ng Venom na ‘yon?” “Precisely.” Palihim akong bumuntong hininga. Bakit ba may mga utos si Tito kay Finn na kaya ko namang gawin ‘yon? I know how to cook. “Our consigliere is treating him like a f*****g baby prince. What’s special about him anyway? Napansin kong sensitibo si Sir Verno pagdating sa inuutos n’ya sa atin para lang kay Venom,” Lucian said. “Napagalaman kong magkakakilala ang ama ni Venom at si Sir Verno. Ang aking hula, baka nakiusap ang ama ni Venom sa ating consigliere na dapat maayos ang kalagayan ng kan’yang anak.” Pabagsak na nilapag ni Shark ang tasang hawak ng kanang kamay n’ya. “Sir Verno giving him special treatment huh? Walang kwenta iyan dahil mamamatay lang si Venom kapag nakasagupa tayo ng mga kalaban.” They both laughed again. “Oh really? But you were the one who almost died last night. I am sure, masakit pa rin hanggang ngayon ang sikmura mo.” Lumakas ang tawa ni Lucian dahil sa sinabi ni Finn at doon huminto sa pag-tawa si Shark. “I will kick his fatty ass later.” Dalawang beses ko na’ng narinig na sinabihan n’yang matambok ang puwet ko. Ka’y dami-daming tingnan, ‘yon pa talaga. “Good morning.” Lumabas na ako sa pinagsisilipan ko. Napa-titig silang talo sa ‘kin na magkasabay. Natahimik sila bigla at kaagad na nagsi-iwasan ng tingin lalong-lalo na sina Lucian at Shark. “May I join you?” “Of course and here’s your breakfast.” Nilapag ni Finn ang isang plato at doon naka-tumpok ang hagdan-hagdang pancakes na puwede na sa apat na tao. Damn, alam kong malakas kumain ang karamihan sa mga lalake pero sobra naman yata ang serving na ‘to. Hinila ko na ang upuan sa kabilang dulo ng rectangular shaped na dining table. Umupo ako roon at ganoon din ang ginawa ni Finn sa kabila. Nagumpisa na kaming kumain. Kaninang ang daldal nilang tatlo, ngayon… ang tahimik na nila. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pag-higop ng kape at tunog ng kubyertos na tumatama sa bubog na plato. I have to say something. I don’t like the icy atmosphere here. “About… last night, I apologize and thank you for arranging my room.” “Sila ang dapat humingi ng paumanhin sa ‘yo. They provoked you first so don’t be sorry.” Si Finn ang sumagot sa ‘kin. “f**k IT! WHY DO WE HAVE TO APO…LO…GIZE…” Umutal-utal ang salitang binabanggit ni Shark dahil tinapunan ko s’ya ng nanunuklaw na tingin. “Huwag kang magmumura sa harapan ng pag-kain,” matigas kong wika. Nakita kong bahagya n’yang tinikom ang kan’yang bibig saka nilihis ang ulo para maiwasan ako ng tingin. Tumikhim si Finn. “By the way, I received our duty for today.” Nag-focus kaagad ako sa kan’ya dahil ‘yan ang gusto kong malaman ngayong araw. “By 10 am, the four of us... tayo ang magbabantay sa kuwarto ng tagapagmana.” Kumunot ang noo ko. Oo nga pala, nabanggit sa ‘kin ni Tito na may tagapagmanang lalake raw si Boss Kruger . Hindi ko lang alam kung ilang taon na ‘yon at balita ko, may kakambal pa s’yang babae. Hindi naman ako interesadong makilala sila dahil ang nasa focus ko, maging soldier at magkapera. “Lucius and I, sa labas kami ng kuwarto while Shark and you... will stay inside of his room.” “Bakit kinakailangan bantayan ang tagapagmana sa loob ng kuwarto n’ya?” seryosong tanong ko. “A month ago, his left upper arm was shot during shooting practice. Aksidente lang ang nangyari. Pahilom na ang kan’yang sugat but he still needs an assistant.” “I don’t think so. I wouldn’t be able to assist him today,” tutol ni Shark. Binalingan s’ya ng tingin ni Finn. “Why not?” “Our heir is very strict. Let Venom assist him,” tugon ni Shark. “Hayaan mo s’yang maranasan ang duty bilang guard ng ating tagpagmana para kapag nagkamali s’ya, matitikman n’ya ang hagupit ng latigo.” He smirked at me. Kahapon pa ako iniinis ng Pating na ‘to ah. “Nilatigo ka noon dahil nahuli kang naninigarilyo during working hours,” tugon ni Finn. “He’s just cruel. ‘Yan ang sabihin mo,” Shark grinned. “Venom, ikaw na bahala mag-assist sa ating tagapagmana sa loob ng kan’yang silid. Pumapayag ka ba?” “Fine.” Mas lalong lumawak ng ngisi s’ya. “However, kung pumalpak ang trabaho at naparusahan ako… tatagain kita.” Nag-laho ang ngisi n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD