Emperor's POV Nagpalinga linga ako sa paligid. Kanina ko pa hinahanap si Cassandra pero hindi ko pa rin siya makita. Masama ang kutob ko. Lalo na at hindi ko rin mahanap si Santibañez. Iyong party sa loob ay patuloy lang. Ibinilin ko kila Mama ang kambal. Kailangan kong mahanap ang asawa ko. Sila Rogelio at Nardo ay hindi ko rin macontact. Nalingat lang ako saglit nawala na siya sa paningin ko. Para na naman akong mababaliw dahil sa pag aalala. Alam kong may plinaplano siya kaya nga iniba ko ang plano. Pero nasaan sila Auntie? Pati sila ay nawawala. "Damn it! Mikhael, where is your wife?" I hissed. Tanong ko ng lumapit siya sa akin. Kasunod nito si Apeng at Tikong. Tapos dala dala nila iyong assistant ni Santibañez. Napakunot noo ako kase muka siyang pritong lumpia sa pagkakatali sa k

