Part 1
Remember all those happy days, those times she called our own
In all those well-loved places where you now grieve alone. And those small endearing gestures, which you thought you knew so well, Are fading. As time passes, with her words, her kiss, her smell.
But then there is that moment, that time within the day. When you feel she is beside you in that old familiar way. But as you turn to see her smile or receive a tender touch. There's only a dark shadow of the one you loved so much.
And tears begin to fall in that hole of deep despair, and memories overwhelm you, more than your heart can bear. As you remember her gentle grace and her love so soft but strong. Your heart will simply miss a beat as you miss her life, her song.
You want to rewind the clock and say how much you care. You want to silence the talk that she's not there to share. But you smile and chat amiably to family and friends. And hope they do not notice your world is at an end. But she knows that you will carry on because she told you true.
That if she had to choose again, she would still choose you.
"Señorita!"
Nag angat ako ng tingin sa nagsalita at isinoli ko iyong sulat sa loob ng bote. I smiled when I saw Mishang walking towards me. She is my personal maid. Mas bata ito sa akin ng limang taon, pero para siyang isang ina kung manermon sa akin. Kasunod nito iyong dalawang security personel ng bahay.
"Señorita! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na bawal kayong lumabas ng bahay? Hindi pa kayo magaling. Magagalit si Señorito Ford. Kami na naman ang papagalitan niya. Alam nyo namang medyo baliw iyon." sermon nito sa akin kaya natawa ako.
Maang na tumingin ito sa akin. Iyong reaksyon niya ay parang pamilyar sa akin. Pero hindi ko talaga maalala.
"Mishang, relax. Nandoon lang iyong bahay oh." sabay turo ko sa bahay na malapit sa dalampasigan kung saan ako naroon.
"Señorita, ano na naman iyang hawak mo?" nagpapadyak pa ito. Itinaas ko iyong bote na may lamang sulat. Kaya lalo itong nakunsume. I giggled.
"Wala, katulad noon dati. Nakita ko kase na palutang lutang. Para kaseng ang lungkot ng tao na nagpapadala nito. Iyong mga sulat niyang binabasa ko, punong puno ng kalungkutan saka pagmamahal. Iyong tipo ng pag ibig na tinatawag na walang katapusan. Parang ganito siya. Ang swerte ng babaeng iyon." kwento ko dito.
"Señorita, ibigay mo sa akin iyan. Baka mamaya may lason pa iyan. Saka baka makita na naman ni Señorito Ford iyan at magselos na naman. Magwawala na naman iyon." pinanlakihan pa ako nito ng mga mata.
Hindi ko siya pinansin. Natatandaan ko nga iyong sinabi ni Mishang na nagwala si Clifford. Hindi ko alam iyong dahilan pero parang nagseselos yata siya dahil lang sa pagbabasa at pagtatago ko ng mga sulat na ito sa bote.
Sinasabi niya na asawa ko siya, pero iyong pakiramdam ko naman ay iba. Iba iyong sinasabi ng puso ko. Hindi ko sinasabi na hindi ko siya mahal, pero hindi ko din masabi na mahal ko siya. Ewan ang gulo.
Wala naman akong masabi kay Clifford dahil sobrang bait at asikaso nito sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya ay iyong ayaw niya akong palabasin ng bahay. Kaya nagagawa kong tumakas. Tapos takot na takot siyang makita ako ng ibang tao. Iyon ang hindi ko maintindihan sa kanya.
"Hayaan mo siya." bale wala kong sabi.
Umiling ito tapos ay sinubukang agawin sa akin iyong bote na naglalaman ng sulat. Iniwas ko lang sa kanya iyong bote at naglakad na ako pabalik sa bahay.
"Señorita, sa susunod naman magpapaalam ka kung lalabas ka. Baka mapatay kami ni Señorito Ford kapag may nangyaring masama sayo. Alam mo namang ayaw na ayaw ka noon na lumalabas ng bahay kapag hindi siya ang kasama mo. Ayaw na ayaw nun na may ibang tao na makakakita sayo." tuloy tuloy na sabi nito sa akin.
Sinulyapan ko lang siya at tiningnan iyong papalubog na araw bago ako pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay. Parang excited ako.
"Mishang, sa veranda ako magdidinner." bilin ko dito. Natawa ako ng magpapadyak na naman ito.
"Señorita naman! Hinihintay mo na naman iyong mga lantern na ipapalipad dyan sa kabilang isla." sabi nito.
Ngumiti lang ako at umakyat na kwarto ko. Dumiretcho ako sa bathroom para maligo. Napahinto ako ng madaan ako sa salamin na naroon. Hinawan ko iyong peklat na nasa noo ko. Tapos iyong buhok ko ay hindi pa umabot sa balikat, hindi pa nga siya pantay pantay. Para bang napagkatuwaan siyang gupitin. Buti nga at nagkakakulay na ako kahit papaano at medyo tumataba na ako. Hindi katulad dati na parang liliparin nalang ako ng hangin.
Sabi ng asawa ko, nakuha ko daw iyon pekla sa noo ko at iba pang peklat sa katawan ko ng maaksidente ako sa sinasakyan kong sasakyan. Tapos ng itanong ko iyong tungkol sa buhok ko, hindi naman niya ako sinasagot.
Isang taon akong comatose. Three months palang ang nakakalipas ng magising ako. And the worst scenario is, I lost all the memories. Kahit asawa ko hindi ko kilala pag gising ko. Sabi ng doctor ay malakas daw ang naging impact sa akin ng aksidente kaya nawalan ako ng memorya.
Dati akala ko sa movie lang nangyayari ang mga bagay na ito, pero hindi.
Noong una ayaw kong maniwala kase, wala talaga akong maramdaman na kahit na ano sa kanya. Pero lahat ng edidensya na magpapatunay na may relasyon kami ay meron siya. Kahit iyong wedding picture namin.
Tapos tuwing hahawakan o yayakapin niya ako para akong kinikilabutan. Kaya kahit sinabi niyang mag asawa kami hindi kami natutulog sa iisang kwarto dahil parang hindi ko pa kaya.
Hindi naman sa pandidiri, pero iyon iyong nararamdaman ko kapag hinahalikan niya ako. I don't know why but something is pulling me away from him.
Paglabas ko ng bathroom ay nakaabang na si Mishang sa akin at iyong mga damit ko na susuotin ay nakaayos na.
"Señorita, dadating daw po si Señorito Ford mamaya." imporma nito sa akin.
I just nodded at her. Wala akong maramdaman na excitement. Parang wala lang. Mas excited pa nga akong makita iyong mga lantern na pinalilipad sa kabilang isla every week.
"Bakit parang hindi ka excited na uuwi iyong asawa mo?" tanong pa rin nito ng inaayos nito iyong mga pagkain.
I just shrugged my shoulder at tahimik akong kumain. Nang makatapos ako ay tahimik akong nakamasid sa isla na kitang kita dito sa veranda ng kwarto ko. Hamak ang laki ng isla na iyon dito sa isla kung saan ako nakatira.
Buhat ng magising ako sa pagkaka comatose. Araw araw ko siyang pinagmamasdan. I don't why, pero may himihila sa akin para maging curious kung anong meron sa lugar na iyon. May kung anong humihila sa akin para makapunta doon.
"Mishang, kilala mo ba kung sino ang may ari ng islang yan?" sabay turo ko sa isla na matatanaw sa harap ng veranda ko. Umiling ito at pinatungan ako ng maliit na kumot sa balikat ko.
"Hindi po. Pero sabi sabi ng mga tao dito. Ubod daw po ng yaman at gwapo ng may ari ng islang iyan. Tapos bata pa. Mga nasa 30 plus palang daw po iyong edad. Siguro kaedad po ni Señorito Ford. Wala pa naman pong nakakapasok na taga dito sa atin sa isla, dahil napakahigpit ng security. Balita pa nga, iyong mansion na nakatayo sa gitna ng isla ay yari sa salamin. Glass castle ang tawag nila doon. Tapos iyong kabilang parte ng isla ay nakatayo iyong puno na nakapaloob sa isang higanteng salamin. Siguro Señorita nasa tatlong palapag iyong laki niya. Sing taas daw ng building doon sa bayan. Para rin daw bahay iyon. Kitang kita daw po iyon kapag nakasakay ka sa eroplano o kaya sa helicopter." excited na kwento nito.
Nangalumbaba ako at sinulyapan siya. Gustong gusto kong nakakarinig ng kwento patungkol sa kung anong meron doon. Parang excited na excited ako.
"Ano pang alam mo?"
"Sabi pa nila, iyong likod ng mansion may lake daw na talaga namang maganda. Tapos iyong garden parang mga nasa ibang bansa. Basta Señorita, maganda daw. Ang sabi pa nila. Iyang pangalan ng isla ay nakapangalan sa asawa ng may ari saka iyong mansion. Nakalimutan ko lang kung ano iyong pangalan. Pero maganda." dagdag nito.
"May asawa na iyong may ari niyan?" tanong ko. Tumango ito.
"Iyon nga lang namatay yata iyong asawa. Dati din daw wala iyong puno na nakapaloob sa salamin. Ginawa lang daw iyon para sa ala ala noong babae. Parang tanda ng wagas na pag ibig niya. Itinanim daw kase iyon nung babae kaya pinangangalagaan ng mabuti noong lalake. Ipinaloob niya talaga sa isang malaking salamin. Kaya kahit lumaki. Walang magiging problema." malungkot na sabi nito.
"Iyong mga nakikita nyong lantern na pinalilipad dyan tuwing sabado ng gabi. Nakasanayan na po nila iyan. Kumbaga Señorita, parang paraan nila sa pag alala doon sa asawa niyang namatay kase gustong gusto daw po ng babae iyong magpalipad ng lantern. Iyon iyong sabi sabi ng mga taga dito." dagdag nito.
"Parang sa fairy tales. Para tuloy gusto kong pumunta doon." nakangiti kong sabi dito. Nanlaki iyong mga mata nito.
"Señorita! Hindi pwede!" giit nito.
"Bakit naman hindi pwede? Sisilipin lang naman natin. Hindi naman tayo magpapakita sa may ari." sabi ko pa dito.
Nagtaka ako ng makita ko bigla ang takot sa mga mata nito at sunod sunod siyang umiling. Hindi na siya mapakali sa sinabi ko.
"Kahit sisilip lang at hindi tayo magpapakita sa may ari. Hindi pwede! Señorita! Hindi pwede! Hindi! Baka ilibing na kami ng buhay ni Señorito Ford kapag nalaman niya na pupunta ka sa lugar na iyon! Diyos ko po! Iniisip ko palang kinikilabutan na ako. Diyos ko! Huwag naman sanang mangyari pero mabubuhay ang demonyo kapag nakita ka niya. Kapag nalaman niya. Bubukas ang impyerno." sabi pa nito pero hindi ko naintindihan iyong huli niyang sinabi. Napailing nalang ako.
"Feeling ko Mishang may itinatago si Clifford sa akin. Kahit Ikaw." bigla ko tuloy nasabi.
"Paano nyo naman po nasabi?" seryosong tanong nito sa akin.
Sinulyapan ko siya at kitang kita ko iyong pagseryoso ng muka nito. Parang ibang Mishang ang kasama ko ngayon.
"Sinasabi niya na asawa niya ako pero pakiramdam ko hindi iyon totoo. Iba ang sinasabi ng puso ko. At iyang isla na nasa harap natin, pakiramdam ko matagal ko na siyang nakita. Pamilyar na pamilyar siya sa akin. Si Clifford. Parang hindi ko siya kilala, kahit ipinakita niya iyong lahat ng ebidensya na kasal kami. Tapos gusto niya lagi akong nasa loob lang ng bahay. Ayaw niyang nakikita ako ng mga taga rito. Kulang nalang ikulong niya ako sa apat na sulok ng kwartong ito. Para akong bilanggo. No phones. No internet connection. May tv nga tayo puro movies lang naman ang mapapanuod." I sighed.
Hindi nagsalita si Mishang kaya nagpatuloy ako.
"Tinanong ko siya kung anong trabaho ko o kung anong pinagkakaabalahan ko bago ako naaksidente. Ang sagot niya lang sa akin ay dito lang daw ako sa bahay. Pero nadiskubre ko na magaling akong gumihit. Na magaling akong gumuhit ng bagong design na damit. Iyong hindi ko maalala ang lahat pero iyong katawan ko at mga senses ko sa katawan ay hindi nakalimot. I hate my life right now, kase wala talaga akong maalala. Kahit na anong gawin ko, ayaw bumalik ng mga ala ala ko."
"Señorita."
"Mishang, sana kung may alam ka matulungan mo ako. Kase alam ko na nagsisinungaling sa akin si Clifford. Malakas ang pakiramdam ko." hinawakan ko pa iyong kamay nito.
Napalayo ito sa akin. Alam ko na may itinatago sila sa akin. Alam ko nagsisinungaling silang lahat.
"Señorita, magpahinga na kayo kapag tapos na iyong pagpapalibad nila ng lantern. Sigurado na pagod lang kayo kaya kung ano ano na iyang sinasabi at iniisip nyo. Kase baka dumating si Señorito at malamang gising pa kayo sigurado na magagalit iyon. May naalala akong mga dapat ko pa palang gawin." sabi nito at dali daling nagpaalam sa akin at lumabas ng kwarto. I sighed.
Reaksyon palang nito sigurado na ako sa hinala ko.
Pumasok ako sandali sa kwarto at kinuha ko iyong box na naglalaman ng mga sulat na nakukuha ko sa dalampasigan. Gumagaan iyong pakiramdam ko kapag binabasa ko siya. I have one favorite letter. Actually hindi siya letter, it's more on a poem.
One year had been passed
They say time heals all
Is today the day the hurt begins to fall
They say that it will get better and time will ease the pain;
Maybe today the hurt will wain
The summer days are so long
The pain is still strong
Our twins are growing so brave
However they struggles with the thought of you in the grave
I work hard at being a good dad
It will never replace the love you three had
You did so much for me, Babe
I hate to ask, but can you help us with our tears
The memories and pain are unbearable today
I pray tomorrow will not be this way
They said time would ease the pain.
Every day I still feel the same.
I wake every morning reaching for you,
My pillow soaked with my tears like the morning dew.
I still remember our last kiss.
We thought we could win for sure.
I still say I Love You,
But now there's no reply.
I always feel your presence
As if you never left my side.
I remember your comforting voice.
Now there's not a sound.
Only echoes from the past
Follow me around.
You're always by my side,
But I can't hold your hand.
The reason why God took you
I find hard to understand.
Summer days seem much shorter.
Dark nights just linger on.
Dreams turn into nightmares
When the one you love has Gone.
But real love never fades.
It still burns like the sun.
Although there far away,
Those memories go on and on.
Her spirit will never die
It shines like the stars.
I know you're sleeping in heaven,
But you're living in my heart
I wiped my tears. Tuwing babasahin ko siya ay hindi ko maiwasang hindi maiiyak. Ramdam na ramdam ko iyong pangungulila niya at pagmamahal sa kung sino man iyon.
Napaangat iyong tingin ko ng makita ko na isa isang may maliliit na liwanag ang lumilipad. Hanggang sa padami siya ng padami.
Nakakatawa, pero parang ako iyong bida sa isang disney movie na napanuod ko noong isang araw. Pareho kami ng sitwasyon. Laging nakakulong at laging inaabangan iyong pagpapalipad ng lantern. Pero ang pinagkaiba namin. She have her memory, unlike me wala talaga akong maalala. Kahit anong gawin ko hindi na yata siya magbabalik.
May mga flash back sa isip ko pero malabo. Nagtrigger lang siya kapag pinagmamasdan ko ang mga lantern.
I sighed at agad na pumasok sa kwarto ko ng marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Clifford. Agad kong itinago ang mga sulat at mabilis na nahiga sa kama at nagtulog tulugan ako.
Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang mga papalapit na yabag. Tapos lumundo iyong kama. Gusto kong mapaatras ng hawakan ako nito sa muka at halikan ako sa noo. Ayoko siyang ijudge dahil baka nga mali lang ang hinala ko at talagang asawa ko siya. Pero iba talaga ang pakiramdam ko.
"Goodnight, Catastrophe."
Nagmulat lang ako ng mga mata ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Naaawa ako kay Clifford dahil alam ko na nahihirapan na siya sa sitwasyon namin. Alam ko nasasaktan ko na rin siya pero wala akong magawa. Ayoko talaga na nasa malapit siya kase nakakaramdam ako ng takot. Nang kilabot.
Napabuntong hininga ako at lumapit ulit ako sa veranda.
"Catastrophe." I said at mapait akong napangiti.
Just like my name. Everything on me now is a disaster.