Part 2

2392 Words
"Emperor, hanggang ngayon ba iniisip nyo pa rin si Empress?" tanong sa akin ni Rogelio. Hindi ako makatulog kaya inaya ko sila dito sa dalampasigan. Ganito ako simula ng mawala siya. Mailap ang antok sa akin. Inutusan ko silang gumawa ng bonfire. Kaya Nag iinuman silang apat ngayon. Iyong security ng buong isla ay pinahigpitan ko ng todo. Lalo na at nandito kaming lahat na magkakaibigan kasama ang mga pamilya nila. Lalo na sa kambal ko. Dahil ayoko ng maulit ang nangyari. I even enrolled them to taek won do class and judo. Gusto ko kaya nilang protektahan ang sarili nila. Iyon ang isang bagay na hindi ko nagawang ituro kay Cassandra dahil itinago ko siya sa malupit na mundo. Ikinulong ko siya sa isang lugar na puro magagandang bagay lang dahil na niniwala ako na hindi bagay sa kagaya niya ang karahasan. Hindi ko siya naturuan kung paano niya protektahan ang sarili niya. Nakampante kase ako sa mga bodyguards niya. Iyon ang pagkakamali ko. Kung maibabalik lang sana ang oras at panahon. Pero hindi ako Diyos para gawin iyon. "Walang minuto, oras o araw na lumipas na hindi ko siya iniisip. Alam nyong siya lang ang babaeng bumago sa mga pananaw ko sa buhay. Siya lang ang kaisa isang babaeng mamahalin ko magpakailan man. Siya ang una at huli. Si Cassandra lang dahil nag iisa lang siya." sagot ko dito. "Walang araw din kami Emperor na hindi namin naisip na sana nailigtas namin siya. Kung kasama siguro kami nila Rogelio noong harangin sila. Baka sakaling nailigtas namin si Empress. Sana kasama mo pa siya hanggang ngayon at masaya ka pa rin." sabi sa akin ni Apeng. "Gusto namin na masaya ka dahil hindi lang boss ang turing namin sa inyo Emperor kundi Isang kaibigan. Dahil napakabuti mong tao na kahit ang ilan sa mga tao ay kinatatakutan ka. Isang patunay lang iyon ng tulungan mo kaming apat. Kaya kahit buhay namin ibibigay namin maprotektahan ka lang at ng kambal. Iyon din ang gusto ni Empress." seryosong dagdag ni Tikong. Tinapik ko siya sa braso. "I think it's God will. Tinuruan niya siguro ako ng letsyon na hindi lahat ng bagay ay kaya kong pigilan sa kung ano ang dapat mangyari. Kung meant to be meant to be. At hindi ako nag sisisi ng tulungan ko kayong mag bagong buhay dahil alam kong kaya nyo." sabi ko dito. Hindi sila nakaimik. "Pero hanggang ngayon hinihiling ko na sana lahat ng ito ay panaginip lang. Na isang masamang panaginip lang. Dahil kahit isang taon na ang lumipas masakit pa rin na isipin na wala na siya. Hindi ko kayang mag move on. Gusto kong maniwala na buhay pa siya." dagdag ko. "Ganyan talaga siguro Emperor ang nagmamahal." sabi sa akin ni Tikong. "Yeah. At kay Cassandra ko lang iyon naranasan." nakangiting sabi ko sa kanila. "Nakita namin kung gaano mo kamahal si Empress. Kung gaano mo siya pangalagaan kaya mas tumaas ang respeto at paghanga namin sa inyo. Iba pala talagang magmahal ang isang Fontanilla." sabi pa ni Nardo. Napatawa ako sa sinabi nila. Pero kahit tumatawa ako, malungkot pa rin ako. Maraming sana sa isip ko na hanggang ngayon hindi mawala. "Siguro malaki na iyong anak ko kung nabuhay sila ng Mama niya." bigla kong nasabi. Hindi sila nakakibo. Nagkatinginan pa silang apat pero wala namang nagsalita ni isa sa kanila. Siguro nararamdaman nila na nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil dalawa ang nawala sa buhay ko. Hindi lang si Cassandra. Pati ang anak sana namin. "May babantayan na naman sana kami Emperor. Baka iyon na sana ang prinsesa nyo. Hindi na magiging makulit ang kambal.At natupad sana iyong hiling nila na magkaroon na ng kapatid na babae." sabi pa ni Rogelio. "Rogelio, hindi naman sila makulit. Pilyo lang. Pero hindi na ngayon dahil sa nangyari. Medyo naging tahimik na nga si IV. Lagi nalang siyang nakabantay sa kakambal niya. Nabawasan ang kalokohan nilang dalawa. Lalo na si Fifth." sagot naman ni Nardo dito. Pinakikinggan ko lang sila. I sighed. Hanggang ngayon ayaw magsalita ni Fifth. Lagi rin siyang iyak ng iyak hanggang ngayon lalo na kapag mababanggit ang Mama niya. Hindi ko na nga alam minsan kung anong gagawin ko sa kanya. Doon rin siya lagi sa green house garden at inaalagaan niya iyong mga bulaklak at halaman na tanim ni Cassandra. Baka daw kase malungkot ang Mama niya kapag bumalik ito at nakita na napabayaan. Naniniwala siya na babalik ang Mama niya. Ayaw niyang tanggapin na wala na si Cassandra. Kapag may gusto siyang sabihin ay isinusulat niya lang. Hindi talaga siya nagsasalita. Si IV naman talagang sinunod niya ang bilin sa kanya ng Mama niya. Na lagi niyang bantayan si Fifth. Nasasaktan din siya alam ko pero ipinapakita niya lang na kaya niya para sa kapatid niya. Alam ko dahil mga anak ko sila. Naaawa ako sa kanilang dalawa. "Emperor!" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. It was Matt. Kasunod nito sila Gabriel, Hermes and Mikhael. Kagaya ko ay umupo sila sa harap ng bonfire na ginawa nila Rogelio kanina. Inabutan ako nito ng isang can beer. Nag paalam naman na iyong apat na magmamasid sila sa paligid. "Tulog na ang mga asawa at anak nyo?" tanong ko sa kanila. "Yeah." sabay sabay nilang sagot kaya nagkatawanan kami. Iyong kasunod naman ng tawanan namin ay nakakabinging katahimikan. Tanging ingay lang ng hampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig. "It's been a year." Basag ni Mikhael sa katahimikan. I sighed. "And three months to be exact." I said. "And the time for you to move on." sabi ni Gabriel. I just shaked my head. "Or to let go." dagdag ni Hermes. "Kahit kailan hindi ako makaka move on sa pagkamatay ni Cassandra. Nang mamatay siya, kasama niyang namatay ang puso ko. I have to live para sa kambal dahil sila nalang ang naiwang alaala ng asawa ko. Pero iyong puso ko kasabay na inilibing kasama ng asawa ko. Kaya kung isinasuggest nyo na humanap ako ng bago. I can't and I won't." sabi ko. Napahawak ako sa kwintas na suot ko kung saan nakalagay iyong engagement ring at wedding ring ng asawa ko. "Pero lumalaki ang kambal. Let's face the truth na kailangan din nila na may tatayong ina sa paglaki nila." komento ni Mikhael. I shake my head again. "They don't need a new mother. Ako lang sapat na sa kanila. At ayokong mawala ang alaala ni Cassandra sa kanilang dalawa lalo na kay Fifth. Looked at him, up until now. Hindi nagsasalita si Fifth dahil sa nangyari. Kulang nalang magtayo ng tent ang kambal sa green house dahil naniniwala si Fifth na babalik ang Mama niya." giit ko sa kanila. "Hindi lang naman sila. Pati na rin ikaw. Simula ng mamatay si Cassandra ipinaloob mo iyong puno na itinanim niya sa isang salamin. Ginawa mo pang parang bahay. Linggo linggo nandito kayong mag aama. Hindi mo ba naiisip na hindi rin maganda ang bagay na iyan para sa kambal?" seryosong sabi sa akin ni Matt. I smirked. "Inaalagaan ko lang ang alaala ni Cassandra. Kapag nandoon kami sa glass house na iyon kumakalma ako. At ayokong isipin nila na papalitan ko ang Mama nila. Ayokong masaktan na naman ang kambal ng dahil sa akin. Kung pwedeng ako nalang lahat ang sumalo ng sakit na naramdaman nila ng mawala ang Mama nila, ginawa ko na." dahilan ko kaya natahimik sila. Dahil wala naman talaga sa isip ko na mag asawa muli dahil lang sa walang magpapalaki sa kambal. Baka mamaya saktan pa nito ang mga anak ko. Ano pa ang magawa ko. Ayokong magkasala dahil malulungkot si Cassandra. "Si Cassandra lang ang mamahalin ko hanggang huli. Kaya hindi ko kailangang mag move on. Hindi ko kailangang humanap ng babaeng mapapangasawa dahil lang sa walang makakalakihan na ina ang kambal. I can be a father and a mother to them at the same time. Nandyan sila Mama, Papa at Lola para sa kanila. Hindi sila mag iisa kung iyan ang iniisip nyo." dagdag ko. "Hindi naman namin sinabi na kalimutan mo si Cass-" "It's the same thing, Gabriel. It's the same thing. Ang point nyo lang ay gusto nyo akong tuluyan. It would never help. Cassandra is my greatest love at walang papalit doon. Nag iisa lang siya. Siya lang at siya lang ang hahanapin ng buong pagkatao ko. Dahil siya lang ang laman ng puso't isipan ko." Hindi naman na sila umimik sa sinabi ko. "What?" I asked them because they are staring at me. Pare pareho iyong reaksyon nila. "Don't tell us na hanggang ngayon umaasa ka na buhay siya? Na nagkamali lang ang lahat ng laboratory test at hindi si Cassandra ang inilibing." di makapaniwalang komento ni Mikhael sa akin. I just shrugged my shoulder. Sabay sabay silang napamura. "What? Hindi masamang umasa, dahil hanggang ngayon hindi manlang niya ako dinadalaw sa panaginip ulit." balewala kong sabi at uminom ako sa can beer na ibinigay sa akin ni Matt. Sabay sabay silang napabuntong hininga. "Paanong magpapakita sayo ang asawa mo? Iisipin nun na baka hindi mo na siya pakawalan." napapailig na komento ni Matt. "Siguro. Pero ramdam ko talaga na buhay siya. Na babalik pa siya. Kahit 1% lang iyong chance o 1% lang iyong posibilities na buhay nga siya. I will hold on to that 1%. Kase iyon ang sinasabi ng puso ko." Naramdaman kong tinapik tapik ako sa likod ni Matt. "Hindi ko alam na ganyan pala talagang magmahal ang isang Fontanilla. Sana ganyan din sa akin si Maria." napapailing na komento pa nito. Nagtawanan na naman kami. "Gago! Iyang asawa mo hindi talaga namin alam kung saan lumabas. Pati anak ko papatulan." natatawang komento ni Gabriel. "Pero seriously, Gab. Payag kabang maging manugang si Matt? Patay na patay iyong bunso mo kay Doc!" dagdag ni Mikhael at nagtawanan na naman sila. "Loko! Mga baliw! Three years old palang si Liriel. Saka nga Matt bakit ba gustong gusto ka ng bunso ko? Ang bata bata niya pa pero alam na niya na gusto ka niya. She even said to my handsome face na ikaw daw ang magiging groom niya kapag laki niya. Like! What the f**k?" nagtawanan na naman sila. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. They are talking about their lives with their wive and their kids. "Emperor, come on! Baka mamaya magpakalunod ka nalang dyan!" biro sa akin ni Hermes at hinila ako patayo. "Hindi ka namin pwedeng iwanan ditong mag isa. Alam naming may pagkabaliw ka pa naman, parang asawa ko." Inakbayan pa ako ni Matt. Napailing nalang ako sa sinabi nila. "Mga gago!" I hissed. Tapos nagtawanan na naman kami. Pero bago kami pumasok sa loob ng Villa ay nagsalita si Hermes. "What if she's really alive?" Napahinto kaming lahat at nilingon ito. Seryoso siya. "What if hindi talaga siya patay? Paano kung nagkaroon ng foreplay sa lahat ng mga nangyari? Paano kung planado pala talaga ang lahat? Na hindi lang si Ysabel ang may pakana ng lahat?" sunod sunod na tanong nito. Natahimik kaming lahat. "Are you telling me that my 1% is really possible? " kunot na kunot iyong noo ko. Bumilis iyong t***k ng puso ko sa sinabi nito at parang biglang nabuhay iyong pag asa sa puso ko. Iyong matinding pag asa. "Are you telling us na baka hindi lang si Ysabel ang nasa likod ng lahat ng ito?" di makapaniwalang tanong ni Mikhael. Tumango si Hermes at hinila kami sa sulok ng Villa. Kunot na kunot iyong noo ko ngayon lalo na ng titigan ako nilang apat. Tapos sabay sabay na napamura. "Puta! Hermes gigisingin mo na naman iyong demonyo! Ang laki ng hirap natin maituwid lang ulit iyong utak niyan. Huwag kang magbigay ng salita na makakapagpaasa kay Emperor!" Gabriel hissed. "Pero may posibilidad! Pwedeng mapeke ang lahat lalo na kung planong plano. May posibilidad na pinalitan ang katawan ni Cassandra na kamukang kamuka niya. Dahil maraming pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw na hindi natin siya makita." dagdag ni Matt. Sabay sabay na napabaling iyong atensyon namin dito. Hindi ako kumikibo, dahil kung ano anong eksena ang pumapasok sa isip ko. "Isa ka pa Mattheo!" Mikhael hissed. "What? I'm just stating my opinion!" giit nito. "We don't need your opinion right now!" sabay na sabi ni Mikhael at Gabriel. "I have a plan. But I need your permission Emperor with this." seryosong sabi ni Hermes at katahimikan na naman ang namayani sa pagitan naming lima. Sinabi nito ang mga dapat naming gawin. Ipinaliwanag nito lahat lahat. I clenched my fist. "Make sure na tayong lima lang ang nakakaalam ng usapang ito. At siguraduhin nyong tayong lima lang ang may alam ng mga dapat gawin. Wala na akong tiwala sa kung sino man. Tayong lima lang." seryosong bilin ko sa kanila. "Are we clear?" serysosong tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang tumango. Narinig ko pa silang apat na nagtatalo. Pero hindi ko na sila pinansin. Maraming pumapasok na idea sa isip ko. Nauna na akong pumasok sa loob ng villa at dirediretcho ako sa kwarto namin ni Cassandra. I closed my eyes and breath out. Dumiretcho ako sa bedside table at binuksan ang unang drawer na naroon. I sighed. Binuksan ko iyong box kung saan nakalagay ang pregnancy kit na regalo sana sa akin ni Cassandra. Nanikip iyong dibdib ko and I started to cry. Yes, I cried every damn time that I saw this thing. Ipinaaalala nito na kung ano ang mga nawala sa buhay ko. Hindi lang ang asawa ko kung hindi ang anak sana namin. Maraming what if's sa isip ko ng mawala siya. Paano kung buhay siya, sana nagdito siya sa tabi ko kapag nalulungkot kami ng mga anak niya. Siguro kung buhay pa siya,ilang months na rin siguro iyong anak namin. Siguro kung babae iyong baby namin kamuka niya at siguradong maganda din siya kagaya ni Cassandra. Maraming what ifs na nasa isip ko. Pero ngayon, I will hold on to that 1% na buhay siya. At kung nagkataon. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Napakalakas ng loob niya para kalabanin ako. Napaikot niya kaming lahat sa ginawa niya. Ginawa niya akong tanga. Kaya pagbabayarin ko siya ng mahal. Alam kong siya ang kasabwat ni Ysabel at mukang matagal niya itong pinagplanuhan. Ninakaw niya ang isang taon sa buhay ng kambal ko para makasama ang Mama nila. Ninakaw niya iyong isang taon na masaya sana kami. At ninakaw niya ang buhay ng anak namin. I, Simon Timothy Elvin Fontanilla III. I am the Green Eyed Emperor. At walang pwepwedeng kumalaban sa akin. Malalaman ko rin kung sino siya. Babawiin ko kung ano ang para sa akin. Dahil ang kay Emperor ay kay Emperor lang. Walang pwedeng humati. I will raise heaven and hell just to be with my wife again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD