Isang pares ng mga berdeng mata ang parang pamilyar sa akin ang napanaginipan ko kagabi. Hindi ko maaninag kung anong itsura niya pero iyong mga mata niya ay kitang kita ko. Malinaw na malinaw sa isip ko.
Pakiramdam ko na pamilyar na pamilyar sa akin iyon. Iba ang t***k ng puso ko ngayong naiisip ko kung sino ang nag mamay ari nun.
Nakaupo ako sa veranda ng kwarto ko ng makarinig ako ng mga katok sa pintuan.
"Señorita, ipinatatawag na kayo ni Señorito Ford. Kakain na daw po at nakahanda na ang almusal." sabi sa akin ni Mishang. I sighed.
"Bababa na ako." sagot ko dito.
Napabuntong hininga na naman ako. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ako ng kwarto. Nasa labas rin ng kwarto ko si Mishang at mukang hinihintay niya talaga akong lumabas. Napangiwi siya ng titigan ko siya.
"Baka kase magalit na si Señorito Ford kapag hindi pa kita kasama Señorita." napapakamot sa ulo na sabi nito sa akin.
Napailing nalang ako dahil nakasunod pa rin siya sa akin. Hindi ko alam pero may kakaiba rin kay Mishang lalo na kapag nandito si Clifford. Para bang takot na takot siya na hindi ko mawari. Ang weird nilang lahat.
"Catastrophe, what took you so long?" kunot noong tanong sa akin ni Clifford ng maupo ako sa tabi nito.
Hindi ko siya sinagot. Ngumiti lang ako sa kanya. Ito naman ay napabuntong hininga. At hinawakan ako sa kamay ko. Muntik na akong mapaigtad kung hindi ko lang sinaway ang sarili ko. Tinitigan ko siyang mabuti. Tinitigan ko siya sa mga mata niya.
Gwapo si Clifford. Matangkad at matikas ang pangangatawan. Kamuka niya nga iyong si Mr. Gray sa Fifty Shades of Gray. Pero kapag tumingin ka sa itim na itim niyang mata ay nakakakilabot. Parang ang dami niyang sikreto sa buhay. At ang mga sikreto na iyon ang mas lalong nakakatakot dito.
Sigurado na maraming nagkakagusto ditong babae. Pero kahit gwapo siya at sinasabi niya na asawa ko siya. Hindi ko naman maramdaman. Pakiramdam ko talaga isang malaking kalokohan ang nangyayari ngayon sa amin. Pakiramdam ko talaga na isa siyang estranghero sa buhay ko.
Habang tinititigan ko siya ng matagal ay nakikita ko na naman iyong berdeng mga matang iyon. Parang nagkakaroon na siya ng imahe sa isip ko habang nagtatagal na iniisip ko siya.
Iyong kapag ngumiti ay kasabay na nakangiti ang mga matang iyon. Pamilyar na pamilyar siya sa akin. Pero kahit anong isip ang gawin ko wala talaga akong maalala. Pero iba ang sinasabi ng puso ko ngayon na nasa isip ko siya.
"What's the matter Sweetheart?" pukaw nito sa atensyon ko. I blinked my eyes. Umiling iling rin ako.
"Wala naman. May naiisip lang ako bigla." sagot ko dito.
"Is there something bothering you?" tanong pa rin nito. Ngumiti lang ulit ako at umiling.
"Ahm, w-wala! Wala. Medyo napuyat kase ako kagabi kaya tinanghali ako ng gising. Kaya ganito iyong isip ko. Napapatulala nalang ako." palusot ko dito at agad akong nag iwas ng tingin.
"Bad liar. Kahit kailan hinding hindi ka marunong magsinungaling." napapalatak na sabi nito sa akin.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakatitig rin pala siya sa akin kaya tinitigan ko siya sa mga mata. Hindi maipagkakaila iyong pagmamahal niya sa akin tuwing titingnan niya ako. Pero iba ngayon. May kakaiba.
Tuwing titingin ako sa mga mata niya ay kinikilabutan talaga ako at hindi ako makatagal. Pero sa pagkakataong ito siya ang nag iwas ng tingin sa titig ko.
Ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko. Hinayaan ko lang siya dahil inuobserbahan ko ang mga kilos niya.
"Hindi ka ba kumakain ng maayos dahil mukang pumayat ka? Hindi-"
"May napanaginipan ako kagabi, Clifford. There's a little memory, I guess?" sabi ko dito.
Napahinto siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko at tumingin sa akin. Kaya nagpatuloy ako.
"Isang pares ng mga berdeng mata. Hindi ko makita ang muka niya pero kitang kita ko iyong mga mata niya. Parang pamilyar siya sa akin Clifford. Actually, pakiramdam ko at sigurado ako na pamilyar siya sa akin. May kilala ka ba na may nag mamay aari ng isang pares na berdeng mga mata? Sino siya? Baka matulungan niya akong maalala ang lahat." dagdag ko.
Napakurap ako ng makita ko ang nakakatakot na tingin nito. Pero ng tingnan ko ulit siya ay wala na iyon. Hindi ko na mabasa iyong reaksyon niya. Kitang kita ko rin ang pagkuyom ng mga kamao nito at pagtatagis ng mga bagang niya.
"Wala akong kilalang tao na may berdeng mga mata. Baka naman dahil lang iyan sa panunuod mo ng mga foreign movies. Walang ganun dito sa Pilipinas. Walang ganung mga mata ang isang Pinoy." kaswal na sagot nito.
"Hindi! Alam ko na nakita ko na siya! Na kilala ko siya! Nararamdaman ko Clifford! Hindi ko siya mapapanaginipan kung wala lang! Nasa memorya ko siya." giit ko dito.
"Stop!" He hissed.
Napasinghap ako ng paluin nito ang mesa na nasa harap namin. Pati si Mishang ay napaatras sa kinatatayuan nito sa reaksyon ni Clifford. Tumayo siya. He walked back and forth in front of me.
"Stop, Catastrophe! Wala akong kilala na taong may berdeng mga mata! Panaginip mo lang iyan! Kaya huwag mong igiit ang hindi dapat! Dahil wala! Wala! Naiintindihan mo?!" sabi nito.
Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko.
"Bakit ba pakiramdaman ko may itinatago ka sa akin?! Nagsisinungaling ka lang ba sa akin Clifford!? Tell me! Nagsisinungaling ka lang ba?!" hamon ko dito.
Napaatras na naman ako ng ibato nito ang baso sa pader na naroon. Hinaklit nito ang braso ko. Nanlaki iyong mga mata ko dahil sa nakakatakot nitong reaksyon.
Napangiwi pa ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso ko. Halos bumaon na ang mga daliri nito sa roon.
"Kapag sinabi kong wala! Wala! Huwag mong ipilit ang gusto mo! Wala akong itinatago sayo! At mas lalong hindi ako nagsisinungaling! Bakit ba hindi mo matanggap na asawa mo ako? Ganun ba kahirap paniwalaan ang bagay na yun? Ibinibigay ko sa iyo ang lahat tapos ganito pa rin?!" asik nito sa akin.
Sinalubong ko ang nakakatakot nitong tingin kaya siya naman ang napaatras.
"Oo! Ang hirap hirap sa akin tanggaping lahat! Lahat lahat! Dahil wala akong maalala ni isa. It was frustrating on my part. Na kahit pangalan ko hindi ko maalala!" sigaw ko sa kanya at pumiksi ako sa pagkakahawak niya sa akin.
Tinabig ko ang kamay niya ng hahawakan niya ulit ako.
"Sweetheart-"
"Don't called me sweetheart!" sigaw ko sa kanya. Gigil na gigil ako ngayon.
"Alam mo ang mas nakakainis sa lahat? Iyong hindi ako makalabas mag isa! Ni hindi ako makapunta sa mga lugar na gusto kong puntahan! Para akong bilanggo dito! Ayaw mo akong makita ng mga tao. Because of what? I don't understand! Bakit ayaw mo akong hayaang lumabas?! Paano ko maaalala ang mga bagay na nakalimutan ko kung ikukulong mo ako dito? Kung ikukulong mo ako sa loob ng bahay na ito!" sigaw ko rin sa kanya. Kumuyom ang mga kamao nito.
"Ginagawa ko ang mga bagay na ito para sa kapakanan mo! Ayokong may mangyaring masama na naman sayo dahil hindi ko kakayanin! Akin ka lang! Naiintindihan mo? Akin ka lang! Ang dami kong ginawang bagay para lang mapasa akin ka! Kaya makinig ka sa aking mabuti. Para sa ikabubuti mo ang lahat ng ginagawa ko!" giit nito.
Umiling ako sa kanya. Napahilamos nalang siya sa muka niya. Mukang hindi siya mapakali.
"Tatawagan ko ang doctor mo para matingnan ka." sabi nito.
"I don't need a doctor!" sagot ko sa kanya and I walked away from him.
"Catastrophe! Come back here! Hindi pa tayo tapos mag usap!" habol nito sa akin.
"No! We're done talking!"
"Catastrophe!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. I even locked my room para walang makapasok. Gusto kong mapag isa. Ayoko ng may kahit na sinong kausap alin man sa kanila. Dahil hindi ko alam kung nagsasabi ba sila ng totoo o puro kasinungalingan ang itinatatak nila sa isipan ko.
Kahit kasama ko sila pakiramdam ko mag isa pa rin ako. Natatakot ako ngayon sa hindi ko malamang dahilan.
Napabuntong hininga ako ng may kumatok sa pintuan at marinig ko ang boses niya.
"Catastrophe! Open this damn door! Hindi pa tayo tapos mag usap!" sigaw ni Clifford.
"No! Stay away from me! I wanted to be alone!" ganting sigaw ko.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa frustration na nararamdaman ko. Gustong gusto kong makaalala pero wala.
"I will break this damn door! Buksan mo ito at mag usap tayo ng maayos. Huwag ganito!" sigaw pa rin nito.
"Señorita, buksan mo na itong pintuan." sabi rin ni Mishang.
"Just leave me alone! Ayokong makausap isa man sa inyo! Leave me alone for Pete's sake!" sigaw ko pa rin.
Napadaing ako ng maramdaman ko ang kirot ng sa ulo ko. Napahawak ako dito ng mahigpit. Kasabay ng katahimik sa labas ng kwarto ko ay ang pagsigaw ko naman dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ahhh!!!"
Halos panawan na ako ng ulirat sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang binibiyak iyong ulo ko sa dalawa. And there's a flashback again. May boses ang naririnig.
Hindi kay Clifford o kahit na sino sa bahay na ito ang nagmamay ari.
"Huwag na huwag mo akong iiwanan dahil hindi ko kakayanin."
"You will always be a part of me, Cassandra."
"I love you, Babe. Thank you for making me a betterman."
"Ahhhh!" Patuloy na sigaw ko dahil mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga naririnig kong salita sa isip ko.
Hindi ko na nga pinansin ang pagbukas ng pintuan at ang paglapit sa akin ni Clifford at Mishang. Halatang nataranta ang dalawa ng marinig nila ang sigaw ko.
Ni hindi ko na nga inintindi si Clifford kung ano ang inuutos nito kay Mishang. Hinawakan ko siya sa kuwelyo ng suot niya kahit napakasakit ng ulo ko.
"S-sino s-si C-cassandra! Clifford t-tell me s-sino s-siya?! T-tell me!" gigil na sita ko sa kanya.
Kitang kita ko ngayon ang takot sa mga mata nito sa binanggit kong pangalan kaya nagpatuloy ako.
"A-ako ba siya?!" Hindi siya sumagot kaya niyugyog ko siya.
"Sumagot ka! Ahhhh!"
Nabitiwan ko siya dahil mas tumindi iyong sakit ng ulo ko. Naramdaman kong may itinusok sa braso ko si Mishang. Sa nanlalabo kong paningin ay kitang kita ko ang awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
___________________
Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata. Iginaya ko ang paningin ko sa paligid. Nasa kwarto ko pa rin naman ako.
Nakapahawak ako sa ulo dahil medyo makirot pa ito. Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari kanina sa akin.
Mas lalong dumami ang tanong ko ngayon sa isip dahil sa tinig na naririnig ko kanina ng sumakit ang ulo ko. The deep baritone voice of a certain man.
Bakit iyong mga katagang iyon ang narinig ko sa isipan ko? Bakit napaka lambing ng pagkakasabi ng lalakeng iyon? Bakit damang dama ko iyong pagmamahal sa bawat katagang binibitiwan niya? Bakit pakiramdam ko ako ang Cassandra na tinutukoy niya?
Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko na alam kung paanong gagawin ko. Litong lito na ako. Sino ba talaga ako? Ako nga ba talaga si Catastrophe at asawa nga ba ako ni Clifford? O ang lahat ng ito ay kasinungalingan lang? Ano ba talaga ang totoo?!
Napabuntong hininga nalang ako kase kahit anong tanong ko naman wala akong makukuhang sagot. Kahit na anong gawin kong tanong kay Clifford hindi siya aamin sa akin kung talagang nagsisinungaling nga lang siya.
Nawala ako sa malalim na pag iisip ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa si Clifford at Mishang. Kasunod nito ang doctor ko. Si Doctor Pascual. Kasing edad lang siya ni Clifford at muka siyang hindi mapapagkatiwalaan.
Ayokong maging judgemental pero iyon ang nararamdaman ko sa kanya. Kagaya ni Clifford ay mukang marami siyang sikreto na talagang ikakatakot mo.
"Good. You're finally awake. Tinawagan ko agad si Doctor Pascual dahil sa nangyari sayo." sabi sa akin ni Clifford.
Tinitigan ko lang siya. May kakaiba sa kanya ngayon. Kakaiba rin ang ngisi nito na talagang nakakakilabot. Si Mishang ay walang reaksyon na nakatingin sa akin.
"How are you Catastrophe?" masuyong tanong sa akin ni Doctor Pascual.
Hindi rin ako sumagot dito. May masama akong kutob pero hindi ako nagpahalata.
"Maiwan na namin muna kayo para makausap mo ng mabuti ang asawa ko. Alam mo na ang dapat gawin Doctor Pascual." sabi dito ni Clifford at nagbigayan sila ng makahulugang tingin.
Kitang kita ko iyong kakaibang sulyap sa akin ni Clifford bago sila lumabas ng silid ni Mishang.
Si Doctor Pascual naman ay humila ng silya na naroon at lumapit sa kamang kinauupuan ko. Kalmante lang siya.
"Sabi ni Ford kaya ka hinimatay ay dahil sumakit ang ulo mo. May naaalala ka na ba?" tanong nito. Tinitigan ko siya.
"Kung hinimatay ako, bakit hindi pa rin ako isinugod ni Clifford sa ospital? Anong ikinatatakot ng kaibigan mo? O mas tamang sabihin ko na kung sino ang ikinatatakot niya na makita ko o makita ako. Tama ba?" seryosong saad ko dito.
Kitang kita ko ang pag iiba ng reaksyon nito sa sinabi ko. Mas lalo siyang sumeryoso sa sinabi ko. Napapalatak pa siya.
"So may naaalala ka na nga ba?" tanong pa rin nito. I sighed.
"Wala pa. Pero maraming eksena sa isip ko na lumalabas pero hindi malinaw. May boses akong naririnig pero hindi ko alam kung sino ang nagmamay ari. May pangalan din ako na naaalala." sabi ko dito.
Tumaas iyong sulok ng labi niya sa sinabi ko. Mukang expected naman na niya iyong sinabi ko dahil wala manlang siyang reaksyon. Mukang hindi naman na siya nasorpresa.
"Anong pangalan ang naaalala mo, Catastrophe?" tanong niya.
Inalis niya na rin iyong salamin niya sa mata at may inilabas siyang isang bagay na kulay ginto mula sa bulsa niya. Napahilot pa nga siya sa sentido niya kase parang naging problemado siya.
"Cassandra. Iyon ang pangalan na naalala ko. Iyon ang pangalan na sinabi ng lalake." sabi ko.
Tumango tango siya. He leaned against his seat. He stared at me for a while. Mukang hindi siya natutuwa sa sinabi ko.
"Ano pa ang naaalala mo sa nakalipas na araw?" tanong pa rin nito. Nag isip ako.
Hindi ko naman kailangang magsinungaling sa kanya. Kahit mukang hindi siya mapagkakatiwalaan. Magaling naman siyang doctor.
"Kagabi may napanaginipan ako. Isang lalake na may pares na berdeng mga mata." dagdag ko.
Kitang kita ko ang lalong pagseryoso ng muka nito sa sinabi ko. Para bang bigla siyang kinabahan sa sinabi ko.
"Nagsisinungaling lang kayo sa akin. Lalo na si Clifford. Alam ko na may kilala kayong lalake na may berdeng mga mata. Ano ba talaga ang totoo?" hamon ko dito.
Napakunot ako ng noo ng tumawa ito ng malakas at ngumisi sa akin.
"Hindi ba epekto lang iyan ng panunuod mo ng tv? Hindi lahat ng panaginip ay totoo, Catastrophe. Hindi kana bata para maniwala sa mga ganyang bagay. O baka naman talaga na hanggang ngayon ay nagdududa ka pa rin na hindi mo asawa si Clifford kahit na ipinakita na namin sa iyo ang lahat ng ebidensya? Bakit hindi mo matanggap?" balik tanong nito.
"Alam ko na kilala nyo siya! Alam ko rin na kilala ko kung sino man ang lalakeng iyon! Nararamdam ko! Hindi man siya maalala ng isip ko pero kilala siya ng puso ko." gigil na giit ko dito.
Hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin.
"Sino ba talaga siya sa buhay ko? Anong kinalaman niya sa akin? Gusto kong malaman?!"
Sumeryoso siya at saka lumapit sa akin. Inilabas na nito ng tuluyan ang bagay na kanina ay pinaglalaruan niya lang sa mga palad niya. Ipinakita nito iyon sa akin. Isang relos lang naman pala iyon. Pero bigla akong kinabahan lalo na ng ngumisi siya sa akin at may ibinulong.
Napatitig nalang ako sa hawak nito habang may mga sinasabi siya sa akin. Nakailang kurap ako dito. Tapos pumitik siya sa harapan ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Anong naaalala mo ngayon, Catastrophe?" nakangising tanong nito.
Napakunot ang noo ko at napahawak ako sa sentido. Naguguluhan ako.
"Anong nangyari?" maang na tanong ko.
Anong nangyari? Bakit nandito siya? Mas lalo akong naguguluhan.
"Nag aalala sayo si Ford kaya niya ako ipinatawag. Kailangan mo lang magpahinga." nakangiti na ito ngay on sa akin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Kahit gulong gulo ako ay tumango nalang ako sa kanya.
May mga sinabi siya sa akin pero wala roon ang isip ko. Tapos nagpaalam na siya sa akin. I just sighed.
Bumaba ako sa kama at pumunta ako sa veranda ng kwarto ko. Sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin ng lumabas ako.
Ang dami daming nangyayari. Tuwing titingnan ko ang relos na iyon ni Doctor Pascual ay para bang nawawala ako sa sarili. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Nawala na lahat.
Napatingin ako sa isla na nasa harapan ko. Anong meron sa islang iyon?
I sighed. Magulong magulo ang isip ko ngayon katulad ng buhay ko.