Clifford Santibañez POV
"How is she, Hanz?" tanong ko kay Hanz ng umupo ito sa kabilang silya. Inabutan ko siya ng isang baso ng whiskey.
"She's okay. I guess? Katulad ng dati. Wala NG problema. Ayos na ang problema." balewalang sabi nito.
Ipinagdiinan niya pa iyong salitang "wala ng". Hindi ko nalang siya pinansin. Ayoko ng dagdagan ang mga iniisip ko sa ngayon.
"Good! Akala ko maaalala na niyang lahat. Dahil hindi pwedeng mangyari ang bagay na iyon." sabi ko sa kanya.
Lumingon siya sa gawi ko saka pumalatak. Talagang hindi siya sang ayon sa ginagawa ko.
"Malapit na. Kung hindi mo ako agad tinawagan. Dahil kanina ng tanungin ko siya. Iginigiit niya na kilala niya ang isang lalake na may berdeng mga mata dahil nasa panaginip niya daw iyon pero hindi malinaw. Tinatanong niya rin kung sino si Cassandra. Ford, hindi man naaalala ng isip niya si Emperor. Pero iyong puso niya kilalang kilala. Hinding hindi niya makakalimutan ang asawa niya. Na kahit paulit ulit nating burahin ang memorya niya. Babalik at babalik iyon dahil si Emperor ay parte ng buhay niya. Parte ng sistema niya. Dahil mahal na mahal niya iyong tao." paliwanag nito.
Hindi ako nakaimik dahil alam kong tama ang sinasabi niya. Pero hinding hindi ko hahayaan na makita niya ulit si Cassandra. Na magkita ulit silang dalawa. Ang dami kong hirap na dinanas para lang makuha siya ng hindi nila nalalaman. Tapos aabot lang sa wala? No way!
"Kaya nga nandyan ka para gawin ang lahat para hindi niya maalala ang lahat lahat. Nandyan ka para tuluyan niyang makalimutan na may isang Simon Timothy Elvin Fontanilla III ang nag eexist sa mundo. Ako!" Itinuro ko pa ang sarili ko.
"Ako lang ang dapat niyang maalala. Ako lang ang dapat paniwalaan niyang asawa niya. Na paniwalaan niyang lahat ng sinasabi ko. Wala akong paki alam kung paulit ulit nating burahin ang memorya niya basta alam kong akin lang siya." giit ko dito. Napailing na naman siya.
"Ford, kapag ginawa ko ang bagay na iyon ng paulit ulit. Baka pati ikaw tuluyan na niyang makalimutan. Ngayon pa nga lang nahihirapan na siyang paniwalaan na asawa mo siya. Paano pa kapag nakasama na sa kalagayan niya? Lagi mong tatandaan. Masama ang sobra. Ang sobra sobra." sabi nito.
"I don't care! As long as she's with me. Wala akong pakialam kung anong makalimutan niya. Basta huwag niya lang maalala si Emperor. Dahil akin na si Cassandra ngayon. Sa akin na siya, Hanz! Akin na siya!" giit ko dito.
Napailing iling siya sa sinabi ko. Halatang hindi siya sang ayon. Kaya lang naman siya pumapayag sa ipinagagawa ko sa kanya ay dahil sa utang na loob niya sa akin. Pero kung hindi, hindi niya gagawin ang bagay na ito. Lalo na at mahal na mahal niya ang pagiging isang doctor. Siya rin ang dahilan kung bakit napaniwala namin na patay na si Cassandra. Siya lahat ang may gawa ng mga pekeng result sa ospital.
"Ford, kahit ilang beses kong tanggalin ang mga memoryang naaalala ni Cassadra. Babalik at babalik iyon dahil temporary lang naman ang amnesia niya. Binubura ko lang lahat ng naaalala niya para magmukang may amnesia pa rin siya. Oras na makita niya si Emperor. Alam mong malaki ang posibilidad na maalala niyang lahat. Lahat lahat. Lalo na ang ginawa mo sa kanya. Inilayo mo siya sa tunay niyang pamilya. You even killed her child for Pete's sake!" mariing sabi nito.
I sighed. Napainom tuloy ako sa alak na hawak ko. Iyon ang bagay na pinagsisisihan ko. Ang idea ni Ysabel na ipalaglag ang anak nito. Ang pagpayag ko sa bagay na iyon. Kung maaalala ni Cassandra ang lahat. Lalo ako nitong kakamuhian. At ang bagay na iyon ang hindi ko kakayanin.
"I know! Lahat iyon alam ko. Kaya nga ikinulong ko siya dito sa islang ito. Malayo sa tunay niyang pamilya. Dahil ako na ngayon ang pamilya ni Cassandra. Let me correct it. She's not Cassandra anymore. She is Catastrophe. Patay na si Cassandra tulad ng pagkakaalam ng lahat. Hinding hindi na siya babalik. At gagawin ko ang lahat para lang mabura sa isipan niya si Emperor. At para hindi na bumalik si Cassandra sa kanila." sabi ko pa dito. Pumalatak ito sa sinabi ko.
"Ford, hindi habang buhay maitatago mo siya. Ni hindi mo nga siya nailabas ng bansa. Oras na malaman ni Emperor na buhay si Cassandra at ikaw ang may kagagawan ng lahat. Nang lahat lahat. Tingin mo ba bubuhayin ka pa niya sa ginawa mo sa pamilya niya? Hindi Ford. Alam mo kung anong kaya niyang gawin para lang sa babaeng inaangkin mo pero alam mong kahit kailan ay hindi magiging iyo. Huwag na huwag mong kakalimutan na hindi siya tinawag na The green eyed Emperor sa wala lang. He is a Fontanilla." Paliwanag pa nito sa akin.
"Kahit na paanong tago ang gawin mo. Oras na magka idea siya na may posibilidad na buhay ang asawa niya at pekeng Cassandra ang ibinurol nila at iprinaclimate. Hindi sila titigil hangga't hindi nila nahahanap si Cassandra. Hindi lang si Emperor ang makakalaban mo, Ford. Nandyan ang Big Four. Isama mo pa si Thunder Lagdameo. Napakahusay pa naman ng lalakeng iyon sa paghahanap ng taong nawawala! Nandyan pa iyong dalawa niyang pinsan. Si Bloody Fire at King Lordon! Hindi lang isa ang kalaban natin! Kalaban natin ang mundo dahil sa ginawa mo na ito! Bumangga ka sa pader na puros bakal! Para tayong sumabak sa gyera ng walang armas!" dagdag niya. Napasimangot ako sa sinabi nito.
"May armas ako! Si Cassandra. Siya ang kahinaan ng Emperador nila. Wala silang magagawa hangga't nasa akin siya." dahilan ko sa kanya. He sighed.
"Akala mo lang wala. Pero oras na mangyari na makuha din nila sayo si Cassandra ng hindi mo namamalayan. Mangyayari ang ikinatatakot kong bagay. Gumawa ka ng sarili mong hukay dahil lang sa isang babae." di makapaniwalang sabi pa nito.
Napailing iling nalang ako sa sinabi nito. Napabuntong hininga na naman ako.
"Alam ko rin ang bagay na iyan Hanz. Pero siya ang hinding hindi ko kayang isuko sa ngayon. Siya nalang ang meron ako. Ang Papa ko at kapatid ko wala na. Hanggang ngayon hindi ko malaman kung sino ang pumatay sa kanila. Ang meron lang ako ay ang kaalaman na isa sa myembro ng Porta Inferi ang pumatay sa kanilang dalawa. Pero hindi ko alam kung sino sa walong iyon." sabi ko pa. Mukang nagulat siya sa sinabi ko.
"Porta Inferi? Hindi ba iyon ang sikat na grupo ng mga assassins? Narinig ko na sila sa underground society." gulat na tanong nito. Tumango ako.
"Kailangan ko silang maipaghinganti." seryosong saad ko dito. Hindi siya nakaimik sa sinabi ko.
"Kaya hindi ko hahayaan na mawala si Cassandra sa buhay ko." seryosong sabi ko.
Tumingin ako sa karagatan na nasa harapan namin. Napabuntong hininga na naman ako.
"Siya lang ang meron ako ngayon. Tuwing titingin ako sa maamo niyang muka at sa maganda niyang mga mata. Siya ang nagpapaalala sa akin na maging mabuti. Na kahit papaano ay tao ako. Na may mabuti pa sa pagkatao ko. Na hindi puro kasamaan ang meron ako. Naiintindihan mo ba iyon, Hanz? This is the first time that I felt this to a woman. This is the first time that I felt inlove. I fell inlove to a married woman. To a wrong woman." sinulyapan ko siya pero wala akong mabasang reaksyon sa kanya.
"Pareho lang tayo ng sitwasyon, Hanz. Pero hindi ko kaya ang ginawa mong pagpaparaya. Hindi ko kaya. Kaya gagawin mo ang lahat para wala siyang maalala. At walang makaalam sa nakaraan." sabi ko sa kanya bago ako tumalikod.
Akin na si Cassandra. Pagmamay ari ko na siya at wala ng pwedeng kumuha sa kanya sa akin. Kahit pa maging kalaban ko ang buong mundo.
________________
Emperor's POV
"Dad!"
Natigil kami sa pag uusap ni Ms. P at Arthuro ng nagmamadaling pumasok si IV at Fifth. Nagbless pa silang dalawa kay Ms. P at Arthuro. Tapos agad na lumapit sa akin ang kambal. Nakasunod dito si Nardo at Rogelio.
"Let's just talked later." sabi ko sa dalawa.
Tumango sila. Agad naman silang lumabas na dalawa. Hinarap ko iyong kambal na nakakandong na ngayon sa akin.
"Anong ginagawa ng two little demons dito?" biro ko sa kanila.
May inilabas si Fifth na ticket sa dala dala nitong bag at ipinakita sa akin. Kinuha ko iyon at binasa.
"Where did you get this?" tanong ko dito. Itinuro nito si IV.
"Kay Ninong Gab. Manunuod daw kase silang lahat. Tayo lang daw iyong hindi. Gusto rin naming manuod Dad. Cold play iyon. Favorite ni Mama iyong mga songs nila." ungot nito sa akin. I sighed.
Ginulo ko iyong buhok nilang dalawa saka ngumiti sa kanila. Hinarap ko si Fifth na nakatitig lang sa akin. Hanggang ngayon ayaw niyang magsalita.
"Gusto mo bang manuod ng concert?" masuyong tanong ko dito.
Ngumiti siya sa akin at saka tumango.
"Okay then. Manunuod tayong tatlo. Kasama natin sila Ninongs at Ninangs nyo." sabi ko sa kanila.
Tuwang tuwa silang magkapatid sa sinabi ko. I sighed. Kung nandito lang sana siya.
Hanggang ngayon wala akong makita na palatandaan na talagang buhay siya. Na totoo iyong one percent chance na buhay siya. Na itinatago lang siya sa akin.
I'm alive but I'm barely breathing. Itong mga anak ko nalang ang rason kung bakit pa ako nabubuhay dahil iyong puso ko ay matagal ng patay kasama niya.
Pero gaya nga ng sinabi ko kila Matt. I will hold on to that one percent kahit napakaliit ng chance. Sila na rin ang ang may sabi na baka nga may fore play na naganap.
"Dad, hindi ka naman nakikinig sa akin." nakasimangot na agaw atensyon sa akin ni IV.
Si Fifth naman ay nakangisi lang sa kapatid niya. Hindi ko alam kung paano ko siya ulit mapagsasalita. Sabi naman ni Tita Ezra na bigyan ko lang ng oras ang anak ko. Kailangan ko lang ng mahabang pasensya.
"I'm listening." kaila ko dito. He made a face kaya natawa ako.
"No! Your not!" nakapamewang pa ito sa akin kaya lalo akong natawa.
Si Fifth naman ay lumapit sa akin at ipinakita iyong itinype niya sa cellphone na hawak hawak niya. Binasa ko iyon.
"Dad, we're just hungry." basa ko.
He just shrugged his shoulders at inginuso ang kakambal niya.
"Kaya ba kayo nanditong dalawa dahil yayayain nyo akong magdate?" biro ko sa kanila. Sabay na nalukot ang muka nilang dalawa.
"Dad, it's not a date! Yuck! Were just, you know. Hungry." sabi pa ni IV.
He even shrugged his shoulders. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Bakit? Nagsasawa na ba kayo sa pagkain sa bahay? O baka nagsasawa na kayo sa madadal niyong Auntie Ninang Maria?" tanong ko sa kanila.
"Both! Auntie Ninang is so madaldal. Masakit na po iyong ears namin saka siya lang iyong kain ng kain ng foods." Ipinakita na naman ni Fifth iyong tinaype niya kaya natawa ako.
"Pero Dad lagi niya kaming kinakantahan saka inaalagaan kahit noisy siya. Pwede na namin siyang pagchagaan. Maalaga naman si Auntie Ninang kahit inuubos niya iyong foods sa bahay." dagdag ni IV. Napailing nalang ako.
Inayos ko lang iyong gamit ko at tumayo na ako. Binilinan ko lang sila Miss P bago kami umalis mag aaama.
"Okay. Saan nyo gustong kumain?" tanong ko sa kanila ng nakasakay na kami sa sasakyan.
"Sabi ni Fifth sa akin kanina Dad gusto niya sa ocean kumain. Kase namimiss na niya si Mom." sabi sa akin ni IV.
I sighed at hinarap ko ang kakambal nito.
"I missed Mom, Dad. Everyday." Niyakap ko siya.
"Ako din naman anak. Miss na miss ko na iyong Mama nyo. Walang oras o minuto na hindi ko siya namimiss." sabi ko dito.
"Can we visit her Dad?" tanong sa akin ni IV.
Tumango ako dito. Nagthumbs up pa ito sa kakambal niya. Tinawagan ko agad si Mikhael para magpahanda ng pagkain na dadalahin namin patungong isla Cassandra.
Kahit napakarami kong dapat asikasuhin sa kompanya. Mas importante sa akin ang kambal. Dahil sigurado na magagalit sa akin si Cassandra kapag binalewala ko na naman ang kambal. O mawalan ako ng oras para sa kanila. Napahawak ako sa kwintas na suot suot ko. I really missed her. Pero wala akong ibang magagawa.
Agad nagbabaan iyong kambal ng makarating kami sa restaurant ni Mikhael. Sinalubong naman kami nito.
"Ninong Mik Mik, nasaan po si Mae Mae?" tanong ni IV sa Ninong niya.
"Kasama ng Mama niya. May taekwondo class kase sila ni Hope." nakangiting sagot dito ni Mikhael.
"How are you Fifth?" baling nito kay Fifth.
Nag thumb ups lang iyong anak ko dito. Nagkatinginan pa nga kami ni Mikhael at sabay na napabuntong hininga.
"Saan ba kayo pupuntang mag aama? Mukang mag pipicnic kayong tatlo ah?" tanong nito sa akin. Inginuso ko lang iyong mga anak ko.
"We will just visit our Mom. Baka kase nasasad na siya doon. Saka miss na miss na namin siya ni Fifth, Ninong. Sana nandito pa rin siya kasama namin." sagot ni IV dito. Napatingin na naman sa akin si Mikhael.
"IV, hintayin nyo nalang ako ni Fifth sa sasakyan ha? May paguusapan lang kami sandali ng Ninong Mik Mik nyo." nakangiting sabi ko sa kambal.
Tumango sila at saka isinakay na sila nila Rogelio sa sasakyan.
"Is there a lead?" tanong ko dito. Umiling siya sa akin at napabuntong hininga.
"Kahit si Rizza Mae walang magawa. Hindi namin alam kung saan kami mag uumpisa." sabi nito.
Hindi ako nakaimik. Kahit ako hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Kung hindi sana namin naipacrimate ang katawan nito. Malalaman sana agad namin kung siya talaga iyon. Pero wala.
"Tatawagan kita agad kapag may nalaman na ang asawa ko." dagdag niya. Tumango ako sa kanya at nagpaalam na ako dito.
"Emperor, anong gagawin mo kung sakaling buhay nga siya? Anong gagawin mo sa taong kumuha sa kanya?" pahabol nito sa akin.
Huminto ako sa paglalakad at pumamulsang humarap dito at saka ngumisi. Wala akong sinabi basta ngumisi lang ako sa kanya. Pumito pa ako bago sumakay na ulit ng sasakyan.
"Let's go Rogelio." utos ko dito. Tumango siya.
Amg dami daming naglalaro sa isip ko ngayon dahil sa mga nangyayari at posibleng mangyari.
Tiningnan ko ang kambal na ngayon ay nakatulog na. Kung buhay ang Mama nila. Kailangan kong makuha siya. At sinisigurado ko na magbabayad ang may kagagawan ng lahat ng ito. Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari dahil kay Ysabel.
Ibabalik ko si Cassandra kahit na anong mangyari.