King Lordon's POV
"Lordon, we already found Cassandra." Iyon ang bungad sa akin ni Thunder ng sagutin ko ang tawag nito.
Napatingin sa akin si Ronna Mae. Naka loudspeaker kase iyong tawag dahil nilalaro ko si Leila. Iyong two years old na anak naming babae. Si Don Don naman ay nandoon kila Emperor at nakikipaglaro sa kambal.
"Aww!" Napangiwi ako ng sampalin nito iyong muka ko at saka humagikgik.
Kinuha naman siya sa akin ni Ronna Mae para makausap ko ng maayos si Thunder.
Nagpalinga linga ako sa labas ng veranda ng kwarto namin dahil baka mamaya ay may nagbabantay pala sa bawas kilos namin. Nang masigurado kong wala ay agad akong pumasok at isinara iyon.
"Where?" Seryosong tanong ko. Sumulyap sulyap pa ako sa mag ina ko na masayang nagtatawanan.
"Malapit sa Isla Cassandra. Guess who, kung sino ang nakakuha sa kanya?"
Napatayo ang ng tuwid sa sinabi nito. Kahit hindi ko nakikita si Thunder naiimagine ko na iyong ngisi nito habang sinasabi sa akin iyong bagay na yun.
"Who?" Tanong ko pa.
"Santibañez." Simpleng sagot nito.
Ako naman ang napangisi sa sinabi nito. Akalain mo nga naman na ang sira ulo palang iyon ang may gawa ng lahat. Napakahusay naman nito at napapaniwala niya kaming lahat napatay na nga ang asawa ni Emperor.
"Sinong nakakaalam na buhay si Cassandra? Did Emperor know about this?" Tanong ko.
Kitang kita ko iyong pangungunot ng noo ng asawa ko. Mukang pinakikinggan niya talaga iyong pinag uusapan namin dahil nagkainteres siya at narinig niya iyong pangalan ni Cassandra at Emperor.
"Wala pa siyang alam. Sila Hermes palang ang pinagsabihan ko. Hindi pwedeng malaman ni Emperor. Not yet. Baka hindi natin siya makuha kung malalaman niya. You know him. Hindi siya papapigil kapag nalaman niyang buhay ang asawa niya." Sabi pa nito. Napatango tango ako.
"I see. Emperor has a short temper. Pero hindi ba at mas maganda na malaman niya agad? Para naman malaman ni Santibañez kung paano magalit ang isang green eyed emperor?" Suhesyon ko pa.
"Nope. Buhay ni Cassandra ang nakataya dito. Hindi tayo pwedeng sumugal. Know what I mean?" Sabi nito sa kabilang linya.
"How about Rizza Mae? Knowing her. Kapag nalaman niya na buhay si Cassandra. Hindi papapigil ang isa na iyon." Sabi ko pa dito. Napabuntong hininga ito sa kabilang linya.
"Yeah. Hinahunting din siya ni Santibañez. Not Rizza Mae. The other one. Agila. He's the son of Francis Octavio." Sabi nito.
Pareho kaming natahimik. Isa lang kase ang ibig sabihin nun. Gulo. At nadamay na naman ang Porta Inferi. Akala ko ng talikuran ko ang samahan tapos na. Pero mukang magagamit ko na naman ang kayauhan ni Alakdan. Na akala ko ay hinding hindi ko na babalikan.
"Wala na ang samahan. Paano pang hahanapin niya si Agila? Matagal ng wala ang Porta Inferi." Sabi ko.
"Don't have any idea. Tinawagan lang naman kita para ipaalam sayo na buhay si Empress. And she needs us. Kailangan natin siyang makuha kay Santibañez. Who knows baka kung ano pa ang gawin niya kay Cassandra." Sabi pa nito.
Matagal na katahimikan iyong namayani sa pagitan naming dalawa.
"So what's the plan?" Tanong ko.
"Rizza Mae is the plan. Pero bago iyon. Samahan mong bumalik sa isla si Blood. Alamin nyo ang lahat bago tayo bumuo ng plano. Everything Lordon. I mean it. Kayo ni Bloody Fire. Wala ng iba." Utos nito.
I smirked. Tumawa lang ito sa kabilang linya at nawala na.
"Si Thunder?" Tanong sa akin ni Ronna Mae ng tabihan ko siya at kunin muli si Leila.
"Yeah." Simpleng sagot ko.
Ayoko kase siyang mag alala. Pero mukang malabong mangyari iyon dahil sa klase ng tingin na ibinibigay nito ngayon sa akin. Alam kong gustong gusto niyang magtanong.
"Bakit may Porta Inferi? Bakit may Cassandra at Emperor?" Sunod sunod na tanong nito.
Bakas na bakas iyong pag aalala sa maganda nitong muka. Hinalikan ko lang siya sa sentido at hinawakan ko ng mahigpit iyong kamay niya. Napabuntong hininga pa ako.
"Buhay siya. Cassandra is alive." Simpleng sagot ko dito.
Napamaang ito sa akin. Bumaka iyong bibig niya pero wala namang salita na lumabas dito. Napailing nalang ako.
"Paanong nangyari ang bagay na iyon? Hindi ba at patay na siya?" Nalilitong tanong nito.
"Iyon din ang akala nating lahat." Sagot ko. Tinawag ko iyong yaya ni Leila at ibigay ito doon.
"Let's go to the dark room." Sabi ko.
Niyaya ko si Ronna Mae doon sa dark room kung nasaan lahat ng gamit ko. Mainam na iyong nakakasigurado na walang nakikinig sa usapan namin.
"Teka nga! Bakit nandito tayo?" Maang na tanong nito.
"Para siguro na walang nakikinig sa usapan natin. Ayokong ilagay sa panganib ang pamilya natin. Lalo na kayo ng mga anak natin. I won't let anyone hurt you or the kids." Seryosong sabi ko.
"A-ano? B-bakit? Naguguluhan ako Lordon. Ipaliwanag mong mabuti. Ayoko ng paligoy ligoy. Kung hindi sa sahig ka matutulog." Pinanlakihan pa ako nito ng mga mata.
Namewang pa siya sa harapan ko ng ngisihan ko siya. Alam kong kabado siya dahil nandito kami sa kwartong ito.
"Like what I said. Cassandra is alive. May kumuha sa kanya. At pinaniwala niya ang lahat na patay na ito. Everything is not yet clear. Pero isang bagay ang maliwanag. Buhay siya. At nandoon siya sa malapit sa isla Cassandra." Napapabuntong hininga na sabi ko.
"Hindi namin alam kung anong kabobohan ang pumasok sa isii ng kumuha sa kanya at doon niya pa itinago si Cassandra. Hindi siguro alam ni Santibañez ni kay Emperor ang kabilang Isla." Dagdag ko. Napabuntong hininga ito at naupo sa sofa na naroon.
Tumabo ako sa kanya ng tingnan niya ako ng may pag aalala sa maganda niyang mga mata.
"Ibig sabihin aalis ka?" Derektang tanong nito. Tumango ako. Napabuntong hininga na naman siya.
"You don't have to worry. Pupunta lang kami doon para alamin kung ano talaga ang nangyari. We still don't have a plan. Hindi pa kase namin alam kung ano talaga ang sitwasyon at kung ano talaga ang nangyari." Sabi ko dito.
"Pero Lordon, hindi ba mapanganib iyong gagawin nyo? Sabi mo nga napapaniwala niya tayong lahat na patay na si Empress. Hindi natin alam kung ano pa ang kayang niyang gawin. Baka pati ikaw mapahamak?" Sabi nito. Umiling ako at niyakap siya ng mahigpit.
"You know me. I can take care of my self. Babalik ako ng buo. Kasama namin siya. Hangga't wala pang plano. Hindi pa namin makakasama si Rizza Mae." Sabi ko pa. nag angat ito ng tingin.
"Si Ekang? Bakit nasama siya sa usapan?" Maang na tanong nito. I sighed.
"She's one of us. We need her. No more question, Mi Amor. Ayokong lalo kang mag alala."
"Pero Lordon!" Maktol nito. I smirked.
"Mi amor, ayokong lalong madagdagan iyong pag aalala mo. Hanggang marami kang nalalaman mas madadag dagan iyong kaba mo. Kaya mabuti pa na konti lang ang alam mo." Giit ko sa kanya.
"One more thing, don't mentioned to anyone that Empress is alive. Hindi natin alam kung sino ang mapapagkatiwalaan. At lalong hindi pwedeng malaman ni Emperor na buhay si Empress. Are we clear?" Tanong ko dito.
Nakasimangot na tumango siya. Niyakap ko lang ulit siya ng mahigpit at niyaya na siyang lumabas sa dark room.
"Hangga't wala ako, doon muna kayo nila Don Don kay Auntie Maria. Mapapanatag iyong loob ko kung nandoon kayo dahil nandoon si Mattheo at alam kong babantayan kayo. Do you understand, Ronna Mae?" Bilin ko dito. Napipilitan siyang tumango sa sinabi ko.
"Huwag na huwag muna kayong maglalalabas ng mga bata hangga't hindi ako nakakabalik. Mainam na iyong nag iingat tayong lahat." Dagdag ko pa.
"Kailan ang alis mo?" Tanong nito.
"Mamayang gabi." Simpleng sagot ko.
"Sinong kasama mo?" Tanong na naman nito. Napailing nalang ako.
"Si Blood." Napapailing na sabi ko. Tumaas iyong isang kilay niya sa sinabi ko.
"Makakasama mo siya? Sigurado ka? Baka mamaya mag away lang kayong dalawa kung kayo ang magkasama?" Sabi pa nito. I smirked.
"You know that Blood and I are still not in good term. But we are civil with each other. Why? Kayo ba ni Blood ayos na?" Balik tanong ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako kaya napatawa ko. Pero agad din akong sumeryoso ng taasan na naman niya ako ng kilay. Nagtaas lang ako ng dalawang kamay.
"Okay. Okay. I'll be quit about it." Sabi ko pa.
"Lordon, bumalik ka dito ng buo. Kung hindi ako mismo ang magsasaksak sayo ng mga patalim mo doon sa kwarto mo. Pati iyong mga palaso mo doon itatarak ko dyan sa lalamunan mo kapag may nangyaring masama sayo. Ayokong mawalan ng Tatay si DonDon at Leila." Seryosong bilin nito. Tumango ako.
"Don't worry, Mi Amor. Babalik ako ng buong buo kahit galos. Gagawa pa tayo ng kapatid ni Leila at Don Don." Nakangising sabi ko pa.
Napatawa na naman ang ng mamula iyong pisngi nito. Hinampas niya lang ako sa braso pero hinuli ko lang iyong kamay niya at dinala sa mga labi ko.
"Kidding aside. Mag iingat ako para sa pamilya natin. Kaya huwag ka ng mag alala. Basta lagi mong tandaan na babalik ako kahit na anong mangyari. Mahal na mahal kita, Ronna Mae. Kayo ng mga anak natin."
" Just this one. Ipapalasap lang namin kay Santibañez kung ano ang pinasok niyang gyera."
Hindi ko alam kung hanggag kailan ang itatagal bago namin mabawi si Empress. Pero alam ko na maibabalik namin siya kay Emperor. Tiwalang Tiwala ako lalo na kay Rizza Mae. At sa kaya niyang gawin.