Bloody Fire POV Napasipol pa ako habang may tinitingnan ako sa binocular na hawak ko. Gusto kong makumpirma na siya nga iyong nakita ko. Pinalobo ko pa iyong chewing gum na nginunguya ko. I looked at my wrist watch. Ilang minuto nalang ay alam kong lalabas na siya. Halos papalubog na kase iyong araw. Sigurado na tatakas na naman ito papunta sa dalampasigan. "And five, four, three, two, one, action!" I smirked when I saw her. "Oh, there she is. Still alive and kicking!" Kausap ko pa sa sarili ko. Talagang siya nga iyong nakikita ng dalawang mga mata ko. Mahigsi lang ang dating mahabang buhok nito. Medyo pumayat din ito pero alam kong siya iyon. May kasunod itong isang maliit na babae. Patungo ang mga ito sa dalampasigan. Empress is alive. Pangatlong araw ko na ritong nag mamanman sa

