Emperor's POV "Are you sure about this, Emperor?" Tanong sa akin ni Hermes. Tumango ako. Nandito kami sa may livery staple ng hacienda. Kayayari lang naming mangabayong magkakaibigan. Iyong mga bata ay naiwan kila Mama At Papa. Nandito lahat ng mga magulang ng mga kaibigan ko. Tinawagan pala sila nila Lola at Mama kahapon. Kaya kagabi ay nagkaroon ng salo salo sa mansion. Gulat na gulat sila sa mga nalaman nila at sa mga sinabi ko sa kanila na nangyari. Kahit si Tito Samuel iyong Papa ni Hermes ay hindi makapaniwala sa nangyari. Napakahusay daw ng gumawa dahil sobrang linis. Nangako sila na walang makakaalam at tutulong sa kung ano man ang plano ko. Kailangan daw mapagbayad ang may gawa. "Yeah. Ilang araw ko na itong pinag iisipan buhat ng malaman kong buhay siya. Lalo na ang plano ko

