Cassandra's POV Kayayari lang namin maghapunan at tinutulungan ko sila Auntie na magligpit ng pinagkainan. Patuloy pa rin ang kwentuhan nila. Natatawa ako kapag kwinekwento nila iyong mga ginagawa namin noong lima. Iyong mga asawa kase namin ay nililinisan iyong mga bata. Sila daw talaga ang nakatoka sa bagay na iyon. "Doon ako tuwang tuwa sa ginawa ni Emperor kay Gabriel." Natatawang kwento ni Liway sa amin. "Bakit?" Tanong ko naman. "Kase noong nalilito pa si Gabriel may ginawa ka yata para matauhan siya tapos niyakap ka niya sa sobrang pasasalamat. Si Emperor nagalit. Naramdaman nalang daw ni Gabriel na lumipad siya papunta sa dagat. Akala niya nga daw tapos na doon pero binaril pa siya ni Emperor. Iyong pabiro lang naman." Dagdag nito. Lahat kami ay natawa. "Possessive talaga iyan

