#10 Beautiful gift? Almost found out!

1662 Words
Matapos ang nangyari sa pagitan ni Maimin at nang nakaaway nilang sundo ay dumiretso na sila ng uwi. Gusto pa sanang mamasyal ni Juna pero tumanggi siya dahil nag-aaalala siyang baka may mangyari na namang hindi maganda rito at sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na itong masaktan. Agad na sinalubong ni Charles si Maimin at Juna nang makita niyang paparating ang mga ito. At nagulat siya nang makitang karga ni Miss Maimin si young master Juna na panay ang hagikgik at senyas habang nagku-kwento ng mga bagay na hindi niya maintindihan. Natural na masiyahing bata si Master Juna subalit simula nang naging madalas ang pag-alis ng mga magulang nito ay nagsimula na rin itong maging tahimik. Idagdag pang bibihirang makipaglaro rito ang kapatid na si master Kranz. Minsan sa mga yaya na lang ito nakikipaglaro pero dahil walang nagtatagal sa mga yayang tinanggap nila mas lalo pang naging tahimik si Master Juna. Bihira na rin itong makipag-usap sa mga hindi nito kilala. Natutuwa siya at mukhang magaan ang loob ni Master Juna kay miss Maimin idagdag pang mukhang hindi masama ang pakikitungo rito ni master Kranz. Buti na lang at tama ang pasya niyang alokin ito ng trabaho. "Kamusta ang araw niyo? Miss Maimin, master Juna." Nakayukod at respetadong tanong ni Charles. "Charles! Charles! We had some fun, you know, you know, Maimin took me to fly in the sky!" tuwang-tuwang kuwento ni Juna na sinamahan pa ng pagtaas ng kamay. "And--and we fought some bad guy in black!" Fly? Fought? Some bad guy in black? Nanlamig ang kamay at paa ni Charles sa narinig. "May na-encounter ba kayong mga kidnappers?" "Kidnappers?" taas ang kilay na tanong ni Maimin. Hindi siya pamilyar sa salita kaya naman inisip niya muna kung anong isasagot niya. "Sila 'yong mga taong bigla na lang nangunguha ng mga kapwa nila tao para gawan ng hindi maganda." Paliwanag ni Charles. Nangunguha ng tao... Kasama ba ang pagkuha ng kaluluwa? Hindi tao si Hampi pero binalak nitong kunin si Master Juna at ang kaluluwa nito kaya naman... ISA ITONG KIDNAPPER! "Tama! May nakita kaming kidnapper!" Pakiramdam ni Charles nagdilim sandali ang paningin niya. Buti na lang at mabilis siyang napasandal sa hamba ng pinto kaya hindi agad siya natumba. "A-Anong ginawa niyo? May nasaktan ba sa inyo, ayos lang ba kayong dalawa?" Sunod-sunod at may pag-aalalang tanong nito. "Master Juna, are you okay?" Nag-aaalalang iginiya niya ang dalawa sa sala. Juna gave an exagerated nod. "Maimin fought the bad guy! She was like a superhero with super powers. And then, and then there's thunder and the bad guy goes BOOM!" Charles: "...." Seryoso, ano talagang nangyari? Bakit parang fantasy ang dating nito sa kanya. Binalingan niya si Maimin. "Miss, ano ang totoong nangyari?' Napakamot na lang sa ulo si Maimin, paano ba niya iku-kwento rito ang mga nangyari na hindi siya lalabas na siraulo? Mahigpit ang bilin sa kanya ni Sin na hindi niya maaaring ipaalaam sa mga tao na mayroon siyang kapangyarihan kaya ngayon nalilito siya kung anong sasabihin niya. Bihira sa kanilang mga cherubim ang magsinungaling kaya naman gusto niyang sabihin kay Butler ang totoong nangyari pero lalabagin naman niya ang bilin ni Sin. Ano na? Anong dapat niyang gawin? "Sabihin mo sa kanya may nagligtas sa inyo." Agad napalingon si Maimin at Juna sa likuran nang marinig ang baritonong tinig na ito. Nakita nila si Sin na nakaupo sa single sofa, naka dekwatro, may hawak na notebook at lapis at may kung anong binibilugan roon. "H'wag kang magpahalata na nandito ako anghel baka mabuko nila tayo," walang tinging turan nito. Seryoso pa rin sa ginagawa. "Mister Black!" Juna suddenly exclaimed. Parehong nagulat ang anghel at ang sundo. Hindi nila inaasahan na bigla na lang sisigaw si Juna. Dahil dito imbes na mabilugan ni Zin ang pangalan ng susunod na susunduin niya, naguhitan niya ito ng malaki at mahabang pula na umabot sa katabing pangalan nito. Ngayon, paniguradong nasa bingit na nang kamatayan kung sino-man ang may-ari ng pangalang nadamay sa guhit. Zin: "..." Kung sino ka man, ngayon pa lang humihingi na 'ko ng paumanhin sa'yo. H'wag kang mag-alala, hindi mo pa oras. Kung ano man ang nangyayari ngayon siguradong makakaligtas ka. Binalingan ni Maimin si Butler. "H'wag po kayong mag-alala, may tumulong naman sa 'min kaya hindi kami nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Charles. Hindi na bago para sa kanya ang mga ganitong pangyayari. Para sa mga mayayamang tao lalo na ang mga Querubin na kilala sa buong lalawigan hindi maitatangging marami ang nagbabalak ng masama para lang makakuha ng malaking pera. "Magpahinga muna kayo ni master Juna habang nagpapahanda ako ng pagkain." Tumango si Maimin tapos ay dinala niya si Juna sa sofa malapit sa inuupuan ni Zin, umupo roon at maingat na kinalong ang bata. Tumingin siya kay Zin pagkuwa'y nagtatakang tumingin kay Juna. Agad namang nabasa ni Zin ang iniisip nito kaya inunahan niya na ito ng paliwanag. "H'wag kang magtaka cherubim kung bakit ako nakikita ng batang 'yan. Kung minsan, kapag nakaligtas ang isang tao sa kamatayan, nagkakaroon sila ng tiyansang gisingin ang pambihirang abilidad na natatago sa katawan nila. May mga taong naririnig ang iniisip ng iba, nakikita ang alaala ng iba at mayroon ding kagaya ni Juna na nakakakita ng mga gaya natin na hindi nakikita ng mga normal na tao." "Ibig sabihin, makikita niya na ni master Juna ang mga sundo, anghel at kahit iba pang nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mata?" Tumango si Zin. "Tama. Sa salita ng mga tao 'third eye' ang tawag nila rito." "Tird ay...may tird ay si master Juna. Nagagamot ba 'yon?" Zin: "..." Bakit parang sakit kung ituring ng anghel na ito ang third eye? "Maaari itong isara subalit kakailanganin ang tulong ng mga espesyalista o no'ng mga taong nakakaalam kung paano hawakan ang mga bagay na ito." Ikiniling ni Maimin ang ulo. Kung merong espeyalista para sa mga third eye e 'di ibig sabihin, hindi bihira ang mga pangyayaring ganito. Mabuti na lang kung gano'n dahil hindi sila mahihirapang hawakan ang sitwasyon ni Master Juna. "Naiintindihan ko," Napapabuntong hiningang turan ni Maimin. "Nag-aalala lang ako na baka magkaroon ito ng epekto kay master Juna, lalo na't hindi lahat ng kaluluwa o mga espiritu nasa maayos na kalagayan ang itsura. Baka matakot siya lalo na kapag nakita niya 'yong mga kaluluwa na kulang ng paa, walang mata saka walang ulo. Hindi ako natatakot dahil sanay na ako, e samantalang siya..." Isinara ni Zin ang hawak na notebook at matamang tiningnan si Maimin. "Kung hindi ka natatakot bakit hindi mo siya turuan kung paano hindi matakot sa mga nakikita niya? Turuan mo siyang h'wag matakot sa mga kaluluwa, dahil hindi ang mga ito ang dapat niyang katakutan dahil hindi nila kayang manakit--liban na lang kung ito ay isang makapangyarihang masamang espiritu, pero bibihira ang mga 'yon dito sa mundo ng mga tao. Kung tutuusin mas nakakatakot ang buhay kesa sa mga patay. Kaya ngayon pa lang kailangan niya nang matutunang protektahan ang sarili niya." Takot na niyakap ni Maimin si Juna. "Po-protektahan ko si master Juna!" "Oho..." Umismid ang sundo sa sinabi ng cherubim. "Hanggang kailan mo siya kayang protektahan cherubim? Iniisip mo bang mamalagi nang matagal sa mundo ng mga tao? O baka naman sa maikling panahon na narito ka, nagbago na ang isip mo at gusto mo ng maging ganap na tao?" Natahimik si Maimin. Nakalimutan niyang hindi siya magtatagal sa mundo ng mga tao lalo na't hindi siya kaisa ng mga ito. Oo at gusto niya nang makauwi kaagad subalit sa sandaling pamamalagi niya rito, bahagya na siyang napalapit kay master Juna. "Wala namang masama kung pansamantala mo siyang po-protektahan cherubim," ani Sin. "Lalo na't ikaw rin ang isa sa dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan siya ngayon. Gayunpaman, dapat alam mo kung hanggang saan lang ang dapat mong gawin at tandaan mo rin na hindi ka isang tao." Tahimik na yumuko si Maimin. Alam niyang may mga bagay na wala sa kanya ang desisyon. Isa siyang cherubim at hindi siya maaaring mamalagi sa mundo ng mga tao. Kahit magpanggap siya bilang isa, hindi malayong may makahalata na naiiba at hindi siya normal. "Alam ko Zin. Pero... may alam ka bang paraan na kahit paano makakatulong kay master Juna?" Matamang tinitigan ni Zin ang batang si Juna. Kumikislap ang mga mata nito at seryosong nakikinig kahit na halatang hindi nito naiintindihan ang pinag-uusapan nila. Ang totoo niyan, kaya niyang isara ang third eye ng batang ito at burahin alaala nito sa nangyari kanina. Ngunit wala siyang balak gawin 'yon. Una gusto niyang makita ng batang ito na hindi lang ang mga tao ang naglalakad sa mundong ito, isa pa gusto niyang ipaalala rito palagi na dapat ay patay na ito at nailigtas lang dahil sa isang pagkakataon. Nasa bata na kung gagamitin niya ang third eye para makatulong o gagamitin sa kasamaan. Pero sa itsura ng bata mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala. Kapag gumawa ito ng hindi maganda, babalikan niya ito at isasabit sa poste ng ilaw. "Wala ka ng dapat alalahanin sa sundong nakita niyo kanina. Wala na ring magtatangka sa buhay ng batang 'yan," malamig at seryosong turan ni Zin. "Liban na lang kung maaaksidente siya, mabubuhay siya nang matagal—hindi nga lang normal." Matapos no'n ay naglaho na ang sundo. Abot ang tengang ngiting hinarap ni Maimin si Juna. "Narinig mo 'yon master Juna? Sabi niya mabubuhay ka ng matagal! At Dahil isa kang magandang tao sigurado akong lalaki kang masaya at mapayapa!" "Masaya at mapayapa, the hell are you talking about?" Nagulat si Maimin sa biglang nagsalita. Kinakabahang nilingon niya ang nagsalita. Si Kranz. Nakauwi na pala ito. Daig pa nito ang kaluluwa, gumagalaw nang walang ingay. "Uh...." Umiling siya. "Wala naman." "You're always talking about weird things. Lagi mo ring sinasabi ang 'tao tao' bakit ang tingin ko, hindi mo itinuturing na tao ang sarili mo? May kakaiba ba sa 'yo?" Taas ng kilay at dudang tanong nito. PATAY KA MAIMIN!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD