#11 What to wear? Is it beautiful?

891 Words
"You're always talking about weird things. Lagi mo ring sinasabi ang 'tao tao' bakit ang tingin ko, hindi mo itinuturing na tao ang sarili mo? May kakaiba ba sa 'yo?" Taas ng kilay at dudang tanong nito. Nanlamig ang buong katawan ni Maimin. Sa tanang buhay niya bilang isang cherubim ngayon lang siya natakot ng ganito. Hanggang saan ang narinig ni Kranz? Narinig at nakita ba nito na kausap niya si Sin? Hindi. Kung sakali mang nasa paligid si Kranz, siguradong mararamdaman ito ni Sin. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag. "What are you thinking?" Kumunot ang noo ni Kranz nang makitang suot pa rin nito ang damit na tinapunan ni Valentina ng milk tea. "Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit? Balak mo bang suotin 'yan hanggang sa pagtulog mo?" Tiningnan ni Maimin ang suot na damit. Uuuhh... nakalimutan niya. Sa dami ng mga nangyari kanina, nakalimutan niyang palitan ang damit niya. Bilang isang cherubim, may kapangyarihan silang linisan ang sarili sa isang pitik lang ng daliri pero dahil sa sundo na 'yon nawala na sa isip niya ang ginawa sa kaniya no'ng masungit na babae. "Pasensiya na, nakalimutan ko," nahihiyang turan niya. "Do you even have fine clothes?" Napairap at napa-iling na lang si Kranz. Bakit ba niya ini-english ang taong hindi marunong mag english? It's like talking to a cow. Always looking at you wondering what were you talking about. "Nevermind, magbihis ka, may pupuntuhan tayo." "Saan?" Hindi sumagot si Kranz, tmalikod at umakyat na papunta sa kwarto nito. Kibit balikat na lang ang isinagot niya sa nagtatanong na mga mata ni Juna. Binuhat niya na ito at dinala sa kay Charles. Sinabi niya rito na may pupuntahan sila ni Kranz, tapos no'n ay tumungo na siya sa kwartong tinutuluyan niya para magpalit ng damit. Medyo kinakabahan pa rin si Maimin dahil sigurado siyang nagdududa na sa kanya si Kranz. Hindi kaya dadalhin siya nito sa peryahan? Hmmm... ...hindi naman siguro ganon kasamang tao si Kranz. Hindi di ba? Paano kung mali siya? "Ready?" Napaigtad siya nang marinig ang boses nito. Tulalang napasunod na lang siya nito. Hanggang sa makasakay sila ng sasakyan at umandar ito patungo sa kung saan man wala pa rin siyang kibo. Tumigil ang sasakyan sa parking lot ng isang kilalang mall. Dahan-dahan at maingat na bumaba si Maimin. Nilingon niya si Kranz, may kinuha muna ito sa loob ng sasakyan bago isanara ang pinto niyon. "Let's go." Nagpatiuna nang maglakad si Kranz. Ang totoo niyan hindi naman niyan kailangang samahan si Maimin para mamili ng damit, pero mukha itong ignorante sa mundo at malamang na masangkot ito sa gulo kapag hinayaan niya itong mag-isa. Patakbong tumalima si Maimin. Kinakabahan man ay tahimik siyang sumunod rito pero ilang sandali lang ay nawala ang kaba niya nang makita ang iba't-ibang bagay sa paligid. Iba't-iba ang kulay, maraming taong naglalakad, may mga bagay na hindi niya maintindihan. Maliwanag ang buong lugar dala ng nagkikislapang ilaw na tila bituin sa langit. Isama pa ang mga naglalaking banners at litrato ng kung anu-ano. Nakikilala niya ang mga titik pero kapag pinagsama ang mga 'yon hindi pa rin niya naiintindihan ang ibig sabihin. Siguro... ...sa susunod hihilingin niya kay Kranz na turuan siya nito ng mga bagay-bagay para hindi siya magmukhang walang muwang sa mundo. Abala siya sa pagtingin sa paligid kaya naman nagulat siya nang bigla na lang siyang tumama sa kung anong matigas. Iniangat niya ang ulo at tumambad sa kanya ang nakakunot ang noong si Kranz. "Mall ang tawag namin sa lugar na ito," simula ni Kranz. "Dito kami bumibili ng mga bagay na kailngan namin. Mga damit, sapatos, pagkain and especially entertainment. Ngayon dinala kita rito para bumili ng damit na gagamitin mo sa pang araw-araw. I don't want people to see you looking like a beggar when you're with my brother. Baka isipin nila inaapi ka ng pamilya namin." Hawak ang ilong na tumango si Maimin. Ilang minutong lakad bago sila pumasok sa isang tindahan. Maganda ang disenyo at kita pa lang sa damit makikitang mamahalin ang mga itinitinda rito. Agad na tiningnan ni Maimin ang mga naka-dispalay na damit sa mga shelf. Umiling siya ng may pagkabahala. Ano naman kasi ang alam niya sa mga damit? Pwede bang wag na lang? Iba ang isinusuot ng mga cherubim. Bukod sa malambot at makinis na tela, magaan rin ito na tila wala kang suot na kahit anong damit. Kaya naman no'ng unang beses na nagsuot si Maimin ng damit pantao pakiramdam niya may kumikiskis na kung anong magaspang sa balat niya. Sa madaling salita, hindi ito kumportable. Agad na lumapit sa kanila ang isang sales lady at nakangiting bumati. Kumikinang ang mga mata nito habang nakatingin kay Kranz. Sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa ka-gwapo-han nito? Hindi pinansin ng sales lady si Maimin na para bang si Kranz lang ang nakita nitong customer. Sa madaling salita uli, may filter ang mata ng sales lady pagdating sa mga gwapong lalaki. Kung may kasama man ito, non-existent 'yon sa pangingin ng babae. "How may I help you sir?" abot ang tengang ngiti na may kasama pang bling-bling na tanong nito. "Take out all of the clothes available that fits her size." Hinila ni Kranz si Maimin at pinatayo sa harapan niya. He doesn't like the stare the sale's lady is giving her. It's giving him goosebumps.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD