#5 Somewhat hot, somewhat cold.

1099 Words
Maimin Pabalya akong itinulak ni Kranz malapit sa sasakyan niya. Kamuntik na tuloy akong tumama sa pintuan nito. Naiiyak na tiningnan ko siya at galit naman na tinitigan niya ako. “Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo?” galit na turan ni Kranz. “Bakit hindi ka lumaban?” Ipinagkiskis ko ang dalawang kamay ko at kinakabahang sumagot. “Hindi ako pwedeng manakit.” “Ikaw lang ang pwedeng saktan gano’n?” “H-Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.” Paano ko sasabihin sa kanya na mas malakas ang mga gaya kong anghel kaysa sa mga normal na tao? Paano ko sasabihin na isang sampal ko lang pwede nang tumilapon sa malayo ang matatamaan ko? E ‘di malamang na kumaripas ng takbo si Kranz dahil sa sobrang takot. Mawawalan ako ng trabaho ‘pag nagkataon. Walang pera, walang pagkain, walang Maimin. Siguradong mamamatay ako rito sa mundo ng mga tao bago ako makabalik sa Celestial Palace. Makakabalik kaya ang kaluluwa ko doon kapag namatay ako rito? Paano nga kaya? Isip ng kaunti. H'wag na lang. Ayokong mamatay. Huminga nang malalim si Kranz. Halatang nagtitimpi. “Then what do you mean?” Haaay... Hindi naman siguro magagalit si Sin kapag ipinakita ko kay Kranz ang kapangyarihan ko kahit kaunti lang. Luminga-linga ako at humanap ng bagay na maaari kong gamitin para ipaintindi sa kanya. Nakakita ako ng may kalakihang bato. Kasing laki lang iyon ng kamao ng isang malaking tao. Kinuha ko ‘yon, ipinakita sa kanya at gamit ang isang kamay ay walang hirap na dinurog ito. Natulala si Kranz at nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak kong durog na bato at mukha ko. “How, how the hell did you do that?” “Tinatanong mo kung pa’no ko nagawa ito?” Itinapon ko ang hawak na durog na bato at mataman na hinarap siya. “Mas...mas malakas ako ng kaunti kaysa sa normal na tao.” “Do you have super powers?” Super powers? Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon? “Uuh... hindi ko alam ang sinasabi mo pero gaya nga ng sinabi ko mas malakas ako ng kaunti kaysa sa mga normal na tao. Ang problema lang, hindi ko pa gaanong kontrolado ito.” Yumuko ako at malungkot na ipinagkiskis ang dalawang kamay. “Ayokong makasakit ng iba.” Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Siguradong nililimi pa ni Kranz ang nakita niya. Hindi ko alam kung anong masasabi niya tungkol dito. Ituturing niya kaya akong halimaw? Mawawalan na kaya talaga ako ng trabaho. Sa totoo lang ayokong umalis sa kanila. “Okay, let's say that you have super strength or whatever, but that doesn’t mean you can let anyone hurt you. Marunong ka bang makipagsuntukan?” Umiling ako. Hindi ako marunong makipag-away. Kung may kalaban man ako, kuntento na akong ihagis sila sa malayo. “Then, how about I teach you how to fight and control your strength?” “... ...” Ano raw? "Pwede bang h'wag kang makipag-usap sa akin gamit ang mahiwagang lengguwahe?" "Lengguwa—" Napapailing na nasapo ni Kranz ang noo. “Tuturuan kitang lumaban at kontrolin ang lakas mo, naiintindihan mo na ba?” “Ah! Oo! Oo!” “Good.” “P-Pero matanong ko lang, bakit kailangan kong matutong makipaglaban? Nasa panganib ba ang buhay ni Master Juna? Marami bang nagtatangka sa buhay niya?” Sandaling natahimik si Kranz bago sinagot ang tanong ko. “Isa na ‘yon sa dahilan. We hired you as Juna’s nanny ang totoo niyan hindi naman required sa mga nanny na maging malakas at marunong makipaglaban kaya lang gusto ko rin ma-protektahan ang kaligtasan ng kapatid ko. Alam mong mayaman kami ‘di ba?” “Marami kayong pera.” “Tama, marami kaming pera. But the downside of it is marami rin ang mga taong gusto kaming pabagsakin, gusto kaming perahan at lumalapit lang sa 'min dahil sa status at pera namin. Kaya hindi na nakakagulat kung marami man kaming kaaway.” “Wala bang pumo-protekta sa inyo?” “Marami. Pero hindi lahat mapagkakatiwalaan.” Kuminang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nito may tiwala siya sa ’kin? “At ikaw, hindi pa lubos ang tiwala ko sa’yo." Aw! "Hindi ko alam kung saan ka nanggaling, suspicious din ang bigla mong pagsulpot sa junkshop and most of all, you give me the feeling of you’re out of this world. Na para bang hindi ka taga-rito." Namutla ako. Ha—lah! Paano niya nalaman na hindi ako tagarito sa mundo? Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malamig. Dahil ba ipinakita ko sa kanya ang kapangyarihan ko? Sin tulong! Mukhang sa bandang huli sa peryahan pa rin ang bagsak ko. Pero... Hindi naman ako lumipad. Wala rin akong ipinakitang iba bukod doon. Ligtas pa rin ako. ...Siguro? "Hindi ko alam kung umaarte ka lang o talagang wala kang alam sa mundo. Kung umaarte ka lang galingan mo dahil oras na malaman kong may binabalak kang masama sa pamilya namin, tandaan mo, hinding-hindi kita mapapatawad at gagawin ko ang lahat para maparusahan ka gamit man ang batas o kahit labag sa batas.” Umaarte? Sa tingin ko mas ligtas ako kung iyon ang iispin niya. Haha... Haha...hah... PERO! May nalaman ako. Sa simple subalit seryosong usapan namin na ito, nalaman kong isang mapagmahal at maaalalahanin na tao ang taong nagngangalang Kranz Querubin. Naiintindihan ko kung bakit hindi pa niya ako lubos na pinagkakatiwalaan. Sa palagay ko marami na siyang pinagdaanan at ilang beses na rin nasubok ang tiwala niya sa ibang tao. Kaya rin siguro ganito ang trato niya sa mga taong lumalapit sa pamilya niya. Gayunpaman natutuwa ako dahil kahit kaunti lang, may tiwala pa rin siya sa akin. At gagawin ko ang lahat para hindi masira ‘yon. “Hmm... anong araw ba ngayon?” tanong ni Kranz sa sarili. Kinuha nito ang aparatong hugis parisukat at may kung anong tiningnan doon. “Today is Thursday so I can teach you during this weekend. It’s perfect walang pasok si Juna. Ayos ka lang ba roon?” “Sige! Kung kailan man ‘yan!” "Then see you later." Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. "Take care of yourself and don't cause trouble." Tumango na lang ako kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Tuluyan na siyang sumakay sa kotse niya at umalis. Wala akong ibang mapupuntahan kaya tinungo ko na lang ang school at naghintay sa harapan no'n. Tutal, malapit na rin naman ang oras ng breyk taym nila master Juna. hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na naging isang tao ako. Sa totoo lang natatakot ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin sa mundong ito. Sana hindi ako matagpuan ng mga tinatawag ni Lolo Superior na 'espesyal na tao'. Hindi bale, pag-iigihan ko pa ang pag-iingat para hindi nila ako makita! KAYA MO YAN MAIMIN!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD