5

1048 Words
Si Zach agad ang hinanap ng mata ko pagmulat nito. Nakatulugan ko na pala ang paghintay sa kaniya kagabi. Pagtataka ang rumehistro sa akin noong mapagtanto kung nasaan ako. Anong ginagawa ko dito sa kama? Sa kama ni Zach. Ang huli kong naalala kagabi ay ang paghintay ko kay Zach sa salas hanggang madaling araw. "Gising ka na,” napatingin ako sa kalalabas lang sa banyo na si Zach. "Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kaniya. Saglit siyang tumigil sa pagpunas ng kaniyang basang buhok gamit ang maliit na towel. Blanko pa ang kaniyang ekspresyon. "Naisip kong dalhin ka dito sa kwarto.” Mabilis niyang iniwas ang kaniyang tingin sa 'kin. "Salamat,” napangiti sa reaksyon niya, na-awkward ata siya at hindi sanay sa pagiging mabait sa akin. "Nag-alala ako sa ‘yo kagabi, anong oras na kasi ay hindi ka pa rin nakakauwi. Kaya naisipan ko na hintayin ka sa salas." "Hindi magandang ideya ang ginawa mo, Zoey. Ni hindi mo sinaradong maigi ang pinto. Sana manlang ay ni-lock mo iyon. Paano nalang kung may nakapasok na masamang tao?" "Wala namang nangyaring masama 'di ba?" "Kahit na. Dapat ay nag-iingat ka pa rin." "Saan ka ba galing kagabi at inumaga ka na ng uwi?" Masama ang naging titig niya sa naging tanong ko. "Don't ask me that. Baka hindi mo magustuhan ang isagot ko. Isa pa, wala ka nang pakialam kung saan ako galing kagabi.” Maliit ang naging ngiti ko sa kaniyang tugon. Siguro sa babae niya siya galing kagabi. I sighed. Ramdam ko ang unting pagbabago. Kailangan kong magtiis pa ng kaunti, alam kong maibabalik din sa dati ang lahat. "Salamat ulit,” Umiling lang siya at iniwas na ang tingin sa akin. Tinanggal niya ang pagkakapulupot ng tuwalya sa kaniyang beywang kaya kitang kita ko ang kahubdan ng buo niyang katawan. His muscles, perfectly suits for him. Napakaperpekto ng katawan niya. Sa malapad niyang dibdib, sa kaniyang abs at sa v line niya na may tumutulo pang butil ng tubig galing sa buhok at katawan niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pinakiramdaman ko iyon. Hindi ko maiwas ang titig ko sa kaniyang buong katawan. "Nagkikita pa ba kayo ni Marco?" Diretso akong napatingin sa kaniya. "Hindi na. Matagal na ‘yung huli naming pagkikita. Bakit mo naitanong?” “Kailan?” “Simula noong kinasal siya.” "Talaga?" kumunot ang kaniyang noo. "Oo. Bakit?" "Sinungaling,” bulong niya. "Hindi ba ay nagkita pa kayo noong kinasal siya? Nakita ko rin kayong naghahalika--" natigil siya sa pagsasalita at parang may napagtanto sa kaniyang sinasabi na hindi niya dapat sabihin. "Ano ‘yon, Zach?" "Wala. Mag-handa ka na ng almusal,” aniya at nagsuot ng kaniyang brief sa harap ko. "Hindi. May sinasabi ka. Gusto kong malaman." "Sabi ko bumaba ka na at mag-ayos ng almusal! Hindi mo ba ‘yon maintindihan?" "Bakit ka sumisigaw?" mahinahon kong tanong sa kaniya. “Hindi mo naman kailangan sumigaw,” "Ang kulit mo kasi. Sundin mo na lang ang utos ko." Hindi ko inaalis ang titig ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at tuluyan ng nagbihis. Bakit niya kaya natanong kung nagkikita pa kami ni Marco? Bumaba ako ng kama niya at pumunta sa banyo. Naglinis muna ako ng aking sarili. Mumug, nag-toothbrush, at nag-hilamos. Palabas na ko ng banyo noong marinig kong nagsasalita si Zach. Hindi ko tinuloy ang pagbukas ng pinto. Maliit lamang ang pagbukas ko sapat upang marinig siya. "Jimenes, bibigyan ko na siya ng pagkakataon. Magsisimula muli kami ngunit natatakot akong ulitin niya ang nangyari noon... Makakapatay ako, Jimenes" Si Jimenes ay matalik niyang kaibigan. Kahit noong kasal kami ni Zach ay si Jimenes lagi ang pinupuntahan niya sa tuwing may problema kami. Hanggang ngayon pa rin pala. Iba noon na kasal kami at iba ngayon na kasal kami. Kasal kami noon dahil mahal niya ako. Kinasal kami ngayon dahil binili niya ako. "Mahirap ibalik ang tiwala ng ganun ganun nalang... Oo mahal ko siya, Jimenes. Pero hindi mo ako masisisi kung wala na ‘yung tiwala.” Hindi ko siya maintindihan. Anong tiwala ang nawala? May nagawa ba akong mali noon? Bakit hindi ko alam? Ano ba kasi iyon at hindi niya masabi sa akin? "Hindi ko alam kung paano sisimulan. Sa ngayon ay sinusubukan kong maging mabait sa kaniya. Mahal ko siya kaya patatawarin ko siya kahit na hindi niya pa inaamin sa akin ang totoo.” Mahal niya pa rin ako? Mahal ako ni Zach? Biglang bumilis ‘yong t***k ng puso ko. Hinawakan ko ‘yon, nakaramdam ako ng saya, bakit ang saya? Bakit parang ang sarap pakinggan na mahal niya pa rin ako? Bakit masayang isipin na mahal pa rin niya ako? "Paalam, Jimenes,” Mabilis kong sinarado ang pinto. Muntik na niya akong makita. Ano ang kasalanan ko sa kaniya noon? Ano yung hindi ko inaamin? Ilang segundo pa ay lumabas na ako ng banyo. "Lalabas na ako. Magluluto ako ng almusal mo.” Hindi siya nagsalita. Hindi niya rin pinag-aksayahang tignan ako. Busy siya sa pag-tingin ng iba pang dokumento na hawak niya. Pero ayos lang. Basta mahal niya ako titiisin ko. Maibabalik din namin ang dati. Naniniwala ako na maayos namin ito. Lumabas na ako at pumunta muna sa kwarto ng kapatid ko. Nang makita ko siya na mahimbing na natutulog ay pumunta na ako sa kusina upang magluto. Hindi katulad dati na ayaw makasabay ni Zach ang kapatid kong si Kelly ay pinatawag ito ni Zach sa akin at sabay kaming lahat kumain. "Aalis na ako,” tumayo na si Zach. "Kailangan na ako sa office. Marami akong meeting at bagong client na kailangan puntahan,” paalam ni Zach. I smiled. Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kaniya. "Salamat... Uhm... Ingat ka, dahan dahan sa pag-drive,” nahihiya akong ngumiti. May maliit na ngiti na namuo sa labi ni Zach. Parang lumundag ‘yong puso ko dahil sa saya. Ngumiti siya! Dahil sa ‘kin. "Salamat,” aniya. "Teka lang," ani ko at lumapit sa kaniya. Inayos ko ang kurbata niya na medyo nagulo. "Ayan, ayos na. Ingat ka sa biyahe." "Salamat,” aniya at hinalikan ako sa pisngi. "Paalam, Zoey,” aniya at umalis na. Para akong teenager na kinilig. Sigurado akong pula na ang aking pisngi. "Zach, bakit bumalik ka? May nakalimutan ka?" tanong ko noong bumalik siya. "Meron e,” "Ano ‘yon? Ako na ang kukuha para sa ‘yo," hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng higitin niya ang beywang ko at halikan ako sa labi. "Iyon lang ang nakalimutan ko. Sige alis na talaga ako," aniya matapos akong halikan. Hindi ko maiwas titigan ang likod niya hanggang sa makalabas siya. Napahawak ako sa dibdib ko. Confirmed. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Zachary Montefalco, ano ang dahilan mo noon upang iwan ako mag-isa?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD