Umupo ako sa upuan at sinabayan sa pagkain ang kapatid kong si Kelly. Sumandok ako ng kanin at nilagay uli sa plato niya. "Kumain ka pa,” we exchange a smile. Masaya kong pinagmasdan ang kapatid kong kumakain. Sana ay gumaling na siya. Sana ay makahanap ako ng doktor na makakatulong sa kaniya. Siguro nga ay malaki ang galit sa akin ni Zach para harangan niya ang hangarin kongmaipagamot si Kelly sa kilala ko na pinakamagaling na doktor na si Jimenes. Siguro nga ay malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Ngunit ano 'yon? I really don't know! Pilit kong inaalala ang nakaraan ngunit wala akong maalala na may nagawa ako sa kaniyang kasalanan. Kun’di siya! Siya ang umalis kung kailan kailangan ko ng masasandalan. Siya ang nang-iwan sa akin noong kailangan ko siya. Siya ang may malaking kasalanan

