Nagising ako sa pagbabalik tanaw nang tumunog ang doorbell ng bahay. Hinayaan ko si Kelly na maglaro sa sofa. Ako ay pumunta sa pinto upang pagbuksan ang nasa labas. "Magandang umaga, Ma'am Zoey,” ngumiti siya sa akin. "Magandang umaga,” "Iniutos po sa akin ni Sir Zach na sabihin sa iyo na pupunta po kayo sa Amerika upang ipagamot si Kelly." "Ano?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. Secretary ito ni Zach kung hindi ako nagkakamali. "Tama po dinig mo, Ma'am Zoey. Inutos po sa akin ni Sir Zachary na sabihin sa inyo na mag impake na po ng gamit dahil ipapagamot po si Kelly sa ibang bansa,” formal at nakangiti niyang sabi sa akin. "Totoo ba ang sinasabi mo?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala. Si Kelly ay ipapagamot ni Zach? Kung ganoon ay sobrang saya ko! "Opo, Ma'am,” hindi mawala

