"Pababa na rin sila, Mr. Palmer, maari ka nang kumain kung gusto mo," ani Selena. Kunyari pa siya, nakita na niya kami papunta sa kanila. Talagang pinaninindigan niya ang pagiging artista sa kaniyang laro. "They're here." ani Leventon at binaling ang ngiti sa akin saka ngumiti. Napatungo ako dahil doon. Ramdam ko ang paghawak sa bewang ko ni Zach. Ang bakanteng upuan ay ang sa tabi ni Leventon at sa tabi ni Selena kaya naman hindi pa umuupo si Zach. Mukhang hindi nagustuhan ang ayos ng mga upuan. Kinausap niya si Selena. "Goodmorning," matamis ang ngiti ni Selena sa blankong ekspresyon ni Zach. "Doon ka sa tabi ni Leventon, Selena. Sa akin tatabi ang asawa ko." binigyang diin niya ang pagsabi ng asawa na siyang nagpangiwi sa kaniyang bisita. Umangil si Selena pero ayaw man niya ay w

