Hindi ko maalis sa aking isipan ang huling sinabi sa akin ni Selena. Sa tingin ko'y may pinaplano na naman siya at sigurado siyang iyon ang magpapatalsik sa akin sa buhay nila ni Zach. Kailangan kong puntahan ang waitress na sumalubong sa akin noon sa Restaurant upang maging testigo ko. Alam ko. May nalalaman siya doon sa pangyayari. Umaasa akong matutulungan niya ako pag nagkita kami mamaya. Pero bago ang lahat ay tumawag ako kay Tito Xachie, birthday ngayon ni Kelly at nais ko siyang batiin kahit sa videocall man lang pero sa kasamaang palad ay nasa session ang aking kapatid kaya hindi ako pinahintulutan. Sa pagkakaalam ko ay closing ang schedule nong babae dahil 9 PM ang kaniyang out kaya naman hapon na noong pumunta ako doon sa Restaurant. Siya na lang ang natitira kong pag-asa upa

