"Ikaw na manggising diyan!" "Bakit ako?" "Ikaw ang inutusan ni Master Mojo!" "O sige," "Ano pang hinihintay mo? Gisingin mo na! Hindi dapat pinaghihintay ang ating master pero ilang minuto na siya nandito. Mag-iisang oras na kaya gisingin mo na ang babae na 'yan." "Paano ba?" "Ang bobo mo talaga! Tumabi ka diyan, siya na ang manggigising! Buttercup, gisingin mo siya." "Teka bakit dinadamay mo ako? Ikaw na lang!" "Oo nga, bubbles, ikaw na lang. ang yabang yabang mo! Ikaw kaya ang manggising?" "Tumahimik kayo! Wag kayong magsasalita! Nakakarindi ang mga boses niyo! Kahit kailan talaga kayo, pasalamat kayo tinutulungan ko pa kayo kaya kayo ang pinipili ko lagi sa mga gawaing ganito." "Patawarin mo po kami, Master Mojo... jojo," "Tumabi kayo at ako na ang gigising! Kesa magturuan pa

