Magdidilim na noong makarating ako sa Restaurant na tinutukoy ni Selena. Tama nga siya, matao ang lugar at tila kilala ito lalo na ng mga dayuhan. Batid ko ring hindi lang ito ordinaryong Restaurant, mayayaman ang mga taong nasa loob nito at walang dumi hanggang labas, talagang napakalinis ng paligid ng Restaurant. Pumunta ako dito hindi dahil sa naniniwala ako sa mga sinabi sa akin ni Selena. Pumunta ako upang malaman kung ano ang kaniyang pinaplano. Sigurado ako na sa gagawin kong ito ay makakakuha ako ng panlaban sa kaniya. Hindi niya ako maaaring saktan lalo pa't nasa poder siya naming dalawa ni Zach. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat sa mga pinaplano niya para sa akin. Tansya ko na ang oras, kailangan kong makauwi bago dumating sa bahay si Zach. Dapat ay bago alas siete ng gabi a

