25

1260 Words

Nagising ako nang walang saplot. Literal na wala at ang nasa tabi ko ay isang lalaking wala ring saplot tulad ko, kahit hindi ko pa nakikita ang kalahating katawan niya pababa ay alam kong wala rin siyang saplot. Kumikirot pa ang ulo ko at medyo sumasakit pa dahil sa paggising ko. Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam ako ng hilo. Mahimbing ang pagkakatulog ni Leventon sa aking tabi. Katulad lang siya ni Selena. Napakasama nilang dalawa! Nais kong kumuha ng kutsilyo at itusok sa kaniyang leeg hanggang sa maubusan siya ng hininga. Paano niya nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa kaniya at kailangan niya akong ganituhin? Pinagmasdan ko ang sariling hubo sa ilalim ng kumot. Totoo bang may nangyari sa aming dalawa? Hindi ko mapigilan ang lu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD