Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto namin ng asawa ko dahil nakita ko ang kaniyang kotse sa garahe, paniguradong sandamakmak na sermon at uulanan ako ng sigaw niyon kapag nakita ako. Nabuo ang aking pagtataka nang makitang nakabukas ang pintuan ng kwarto namin kaya naman malaya akong nakapasok doon sa loob, laking gulat ko na lang dahil naabutan kong hinuhubaran ni Selena si Zach. Hindi lang pala sa akin siya may balak, mukhang may pinaplano rin siyang masama sa aking asawa. Mabibilis ang aking mga lakad palapit sa kanila at agad kong tinulak si Selena palayo sa asawa ko dahilan upang mapaupo siya sa sahig. Dumaing siya dahil sa aking ginawa. "Anong problema mo?" "Ikaw ang dapat kong tanungin, Selena, anong problema mo? Sino ka ba talaga? at ano ang ginagawa mo sa asaw

