"Where are we po? Old man, will you please bring us back home?" nag-aalalang hiling ni Paige kay Amang nang magising ang mga ito. Nasa loob ng kwarto ng mga bata sina Amang at Digna. Si Beatrice ay hindi na pumasok upang hindi na ito madadamay pa, syempre kilala ito ng kambal. " Please po old man, momma and daddy pogi is worried na po sa amin. Please send us back home na po. Please po, old lady!" wika ni Avah sa dalawa. Hindi umiiyak ang kambal, puro pakiusap ang ginagawa ng mga ito. "Kids, hindi pa namin kayo iuuwi. Bakit? Kasi hindi pa nga namin natatawagan ang mga magulang ninyo. At saka, dapat bayaran nila muna kami bago kayo makakauwi." mala demonyong humalakhak si Amang. "Don't laugh like that please." malumanay na wika ni Paige sa matanda. "And why?" tanong nito. "You look sca

