" Yaya Negra , kayo na po muna ang bahala sa kambal ha? May bibilhin lang po kami sa Mall ni Terrence para sa travel namin bukas." paalala niya sa yaya ng kambal " Ay opo ma'am Xia, kahapon pa po nila gustong pumunta sa park, 'yung lagi po nilang pinupuntahan ." wika ni Yaya Negra na naghahanda ng pagkain para sa kambal. " Sige po pero saglit lang yaya ha? Alagaan mo sila, atsaka ang likod kapag pawis na , palitan mo kaagad ang damit nila ha?" paalala niya ulit. " Opo ma'am ." tipid nitong sagot at itinuloy na ang pag-ayos ng lunch box ng dalawa. Kapag pumupunta sina Paige at Avah sa park ay palaging may dalang mixed biscuits at fruits na paborito ng mga ito. Magkikita na lamang sila ni Terrence sa Mall mamaya dahil may importante itong gagawin umano sa opisina. Ang mga kapatid naman

