SELENDRINA MAAGA akong nagising. Pagkamulat ng aking mga mata ay nagderetso agad ako ng banyo para maligo. It's been around 2 days since Liam left. And I could say, sa loob ng dalawang araw na iyon ay parang nasanay ako agad ako na wala siya. Maayos-ayos na rin ang pakiramdam ko at nakakalakad na nang deretso. I never received any message from him since that day. Wala naman kaso sa 'kin dahil ayaw ko rin naman makipagtalastasan sa kaniya. Ngayon lang ulit ako magse-send ng message sa kaniya. Aalis ako ngayon. Pupunta akong school. Siguro naman ipapatanggal mo ang mga padlock sa gate. Isang beses sinubukan ko kasing lumabas. At nagulat ako dahil sa mga naglalakihang padlock na nakakabit sa gate. Talagang sinigurado niyang wala akong kawala sa mansyong iyon. Kaya pala ang sabi niya no'ng

