SELENDRINA PAGKAGALING namin sa coffee shop ay nag-stroll pa kami sa loob ng mall. Nag-window shopping kami at kung saan-saang store pumasok. "Sige nga. Kung super rich ang napangasawa mo, ilibre mo kami sa isang mamahaling restaurant," mayamaya ay tudyo ni Jordie. Sinabi ko rin kasi sa mga ito na binigyan ako ng 2M ni Liam kapalit ng pagpapakasal ko sa kaniya. Mukhang hindi pa rin naniniwala ang mga bruha. "Sure," walang pag-aalinlangang saad ko. Kaya agad-agad ay naghanap kami ng restaurant na may pinakamahal na servings. Pumasok kami agad at pagkaupo pa lang, pinagkaabalahan agad nila ang pagtingin sa menu. Ch-in-eck ko naman ang ATM ko. I always carry it in my wallet. "Yes!!!" At nang dumating ang mga order namin ay agad kaming nagsimulang kumain. Maging ako ay excited dahil

