TWO YEARS EARLIER... “Angela, meet Luna. Ang mukha niya at pagkatao niya ang gagamitin mo sa pagbabalik mo sa mga Moreno.” Pagpapakilala ni Logan. Sa wakas ay nakaharap na ni Angela si Luna. Paalis na siya papuntang California upang ipaayos at ipabago ang kaniyang mukha. Matagal nang naghahanap si Logan ng isang babae na maaari niyang gamitin ang mukha at pagkatao para walang magdududa na hindi totoo ang kaniyang katauhan sa sandaling pumasok na ulit siya sa buhay ng mga taong yumurak sa kaniya noon. Nasa resthouse pa sila ni Logan ng sandaling iyon. Tumayo si Angela mula sa pagkakaupo at humarap kay Luna na may ngiti sa labi. Hinawakan niya ang mukha ng babae at tiningnan iyon nang maigi. “Napakaganda mo!” Hindi makapaniwalang bulalas niya. Magkasing-taas sila nito at halos

