MULA sa kusina ay narinig ni Angela ang lahat-lahat ng pinag-usapan nina Cedrick at Blessy. Pinatay sa karumal-dumal na paraan ang babaeng e-escort-an sana ni Cedrick sa Santacruzan. Base sa sinabi ni Blessy ay masyadong brutal ang ginawang pagpatay kay Mara na para bang galit na galit rito ang taong gumawa niyon. Nakakapagtaka. Sa pangalawang pagkakataon ay isang babae ang namatay na may koneksiyon kay Cedrick. Si Faye Lantin na natagpuang naagnas ang bangkay sa ilalim ng tulay ay may crush rito habang si Mara ay magiging escort nito sa darating na Santacruzan. Nagkataon nga lang ba ang lahat o talagang may kinalaman kay Cedrick ang nangyaring pagpatay sa dalawang babae? “I have to go na. Basta, call me kapag nakapag-decide ka na. I am telling you, hindi mo pagsisisihan kapag pu

