Nagising ako dahil sa kasikipan na aking naramdaman pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hangin. Pagmulat ko ay ang tulog na pagmumukha ni, Daks ang nakita ko magkaharap na kaming dalawa ang lalim na siguro ng tulog ko dahil hindi ko man lang namalayang nag-iba na ang posisyon ko. At kaya naman pala ang sikip-sikip at sobrang init ng nararamdaman ko dahil balot na balot kaming dalawa sa iisang kumot tapos nakulong pa ako sa bisig niya at sakop pa ng isang binti niya ang dalawang paa ko dahil nakadantay na naman siya sa akin. Ang sarap magalit ng dis oras ng gabi. Ultimo paggalaw ng mga daliri ko sa kamay ay hindi ko magawa dahil magkadikit ang mga katawan namin. Sanay naman na akong katabi siya at niyayakap niya ako pero sadyang iba lang talaga ngayon para niya tuloy akong bihag. Tahimik ko na lamang pinagmasdan ang pagmumukha nito dahil nawala na ang antok ko at hindi naman ako makabangon. Ilang araw na lang ay ipapasok na siya sa rehabilitation dahil nga nakapag pa schedule na ako roon kung kailan siya kukunin dito sa aking unit sisiguradohin kong hindi siya mapapabayaan doon at maalagaan talaga siya nang mabuti. 'Di bale ng magbayad ako ng malaking halaga ang importante ay masigurado ko ang seguridad niya sa loob ng rehabilitation dadalawin ko na lang siguro siya roon kapag may bakanteng oras ako.
***
Kasalukuyan ko ng pinapasok ang mga damit at mga gamit ni, Daks, sa isang luggage ngayong araw na kasi siya ipapasok sa rehabilitation. Habang iniimpaki ko ang mga gamit niya ay tulog na tulog naman siya mabuti nga iyon para makagalaw ako nang maayos at baka magtaka pa siya sa pag-iimpaki ko sa mga gamit niya.
Pagkatapos kong mag-impaki ay sarilli ko naman ang inayos ko dahil sasama pa ako sa rehabilitation.
Maya-maya pa ay nagising na rin si, Daks kaya tinext ko na rin agad ang nakausap ko nung nakaraan sa telepono na pwede na nilang kunin si, Daks sa unit ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa magiging reaskyon ni, Daks, kapag kinuha na siya rito malamang matatakot na naman siya o, baka hindi siya sumama.
Pagpasok ni, Daks, sa banyo ay sakto namang may kumatok sa pintuan ng condo malamang sila na ang mga taga rehabilitation. Bago ako lumabas sa kwarto upang pagbuksan ang kumakatok ay nilingon ko muna ang pintuan ng banyo baka kasi bigla na lang lumabas si, Daks, at pigilan na naman niya ako sa pagbukas ng pintuan. Nang hindi gumalaw ang doorknob at tuluyan na akong lumabas ng kwarto at saka tinungo ang pintuan at binuksan ko ito.
"Good afternoon po, Ma'am Laureen, kukunin na po namin ang pasyente," bungad agad sa akin ng isang bababe at may kasama rin siyang tatlong lalaking nurse.
"Nasa loob pa siya ng banyo, halika kayo hintayin na lang niyo na lang siya."
Niluwagan ko ang pintuan upang makapasok silang apat at pinaupo ko muna sila sa sofa habang hinihintay naming lahat si Daks.
Panay na ang buntong hininga, habang hinihintay namin siyang lahat dito sa sala. Sigurado akong matatakot siya kapag makita niya ang mga kukuha sa kanya. Parang gusto ko na lang tuloy paalisin ang apat na ito pero kapag ginawa ko iyon ay hindi naman gagaling si, Daks.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan ng kwarto namin at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko at pakiramdam ko ay tumigil ang oras dahil sa labis na kaba na nararamdaman ko. Tahimik si, Daks na lumabas at isa-isa niyang tinignan ang apat na tao na nakaupo sa sofa.
"Good afternoon po, Sir taga GPR, po kami at nandito po kami para yayain kayo roon," saad ng babae kay Daks, na nagpauntag sa akin.
Kaagad ko naman silang nilapitan at agad namang dumako ang tingin ni, Daks, sa akin. Walang reaksyon ang pagmumukha niya halatang walang kaalam-alam sa mangyayari sa kanya.
"Gentlemen," tawag ng babae sa tatlong nurse na nakaupo sa sofa.
Agad namang tumayo ang mga ito at seninyasan agad sila ng babae na kunin na si, Daks.
"Sir, tara na po," mahinahong saad ng isang nurse, at hinawakan niya ang kaliwang kamay ni, Daks ngunit kaagad iyong iniwaksi ni Daks at tumingin ulit ito sa akin.
Nagsusumamo ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay niyakap na niya ako. Napapikit na lamang ako sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"Sir, tayo na po," mahinahong wika sa kanya ng nurse at pilit nitong tinatanggal ang kamay ni, Daks na nakayakap sa akin.
At kahit wala akong lakas ay pilit ko ring tinulak si Daks sa kanyang bewang para bumitaw ito sa akin. Kailangan kong gawin ito dahil para rin ito sa kanya, para sa ikakagaling niya.
Pero sa lakas at laking tao ni, Daks ay walang saysay ang lakas ng nurse kung kaya't naglabas na ang isang nurse ng isang syringe mula sa medicine kit na hawak niya. Bago ito lumapit sa amin ay tumingin pa siya sa akin at naintindihan ko ang tingin nito kaya marahan akong tumango at saka na ito lumapit sa likuran ni, Daks sabay turok ng injection kaliwang braso ni Daks. Habang dumadapat ang injection sa braso niya ay ako ang napapikit at napahigpit din ang pagkakayakap ko sa kanya. Ako ang nasasaktan para sa kanya.
"Ma'am tapos na po," untag sa akin ng nurse, at agad ko namang minulat ang aking mga mata.
Lumuwag na rin ang pagkakayakap sa akin ni, Daks at nakaalalay na ang tatlong nurse sa likuran niya.
"Pakibitawan po siya dahan-dahan, Ma'am," utos sa akin ng isang nurse at agad ko naman iyong sinunod.
Nang mabitawan ko na si, Daks ay tulog na tulog na ito at dahan-dahan siyang pinahiga ng tatlong nurse sa sofa. Nakahinga naman agad ako nang maluwag. Maya-maya lang ay may kumatok na naman sa pintuan kaya agad ko iyong binuksan dalawang nurse ulit ang bumungad sa akin at may dala silang stretcher.
"Kasamahan po namin sila, Ma'am," wika ng isang babae sa aking likuran, kaya agad kong niluwagan ang pintuan upang makapasok sila.
Pagpasok nila ay tinungo na nila ang sofa at dahan-dahan nilang kinarga si, Daks mula sa sofa at nilipat sa stretcher. Natagalan pa sila sa pagbuhat dahil sa laki at bigat ni, Daks. At para mapadali ang pag-alis namin ay tumawag ako sa guard na nakapwesto sa isang fire exit. Pinabuksan ko iyon para roon na kami dumaan para deritso na agad kami sa parking area.
Agad naman akong sinunod ng guard kaya lumabas na agad kami sa aking unit at tinungo ang fire exit. Agad nilang nilipat si, Daks sa hospital bed at pinasok sa ambulance pagkarating namin sa parking area at agad na silang umalis at agad din akong sumunod sa kanila gamit ang kotse ko.
Pagdating namin sa Gonzalez Private Rehabilitation (GPR) ay kaagad nilang inasikaso si, Daks, pagkatapos kong i park ang kotse ko ay sumunod din agad ako sa loob.
"Excuse me, Ma'am doon po tayo sa clinic ni Dr. Gonzales," saad sa akin ng isang nurse na umassit kanina kay, Daks.
Iginiya agad niya ako sa clinic ni Dr. Gonzales pagpasok namin ay nakita ko agad ang isang kalbong lalaking doktor na nakaupo sa swivel chair.
"Doc, siya po ang asawa ng bagong pasok nating pasyente," saad ng nurse sa doktor.
"Hello po, Mrs please have a sit." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng tawagin akong 'Mrs' ng doktor pero kahit papaano sa isip-isip ko ay natutuwa ako. It's nice to hear.
"I'm Dr. Jonas Gonzalez and I'm the psychiatrist of this rehabilitation," pakilala ng doktor sa akin sa kanyang sarilli.
"Laureen Vigor," pakilala ko rin sa sarilli ko.
"Okay so, let's talk about your husband's condition," saad niya sabay labas ng ballpen at papel.
Kaagad ko namang sinabi ang kondisyon ni, Daks tulad ng kung paano ito matakot at may pangalan itong binabanggit.
"Your husband must be traumatic, at marahil itong, Floyd na ito ay naging dahilan ng nangyari sa kanya," paliwanag niya.
"But, how come na hindi mo siya kilala? 'Di ba mag-asawa kayo?" sunod-sunod niya namang tanong sa akin.
"We're not yet officially a married couple kaya hindi ko alam kung sino talaga siya and that's one thing that I want you to know. Gusto kong kayo ang humanap ng impormasyon niya," litanya ko sa doktor.
"But, Mrs hindi po namin iyan trabaho," tugon naman agad niya.
"Pero hahanapin niyo rin naman ang info ni, Daks kaya kayo na lang din maghanap ng buong impormasyon niya magdadagdag ako ng bayad kahit magkano," seryosong tugon ko.
Wala naman sigurong masama kung sila na lang din ang maghanap ng impormasyon ni kay Daks.
"And I want him to have his own nurse that who'll look for him from time to time, and give him a special treatment also."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at sinabi ko na ang gusto ko para kay, Daks.
"Mrs, my rehabilitation is private but we don't give special treatment to our patient, pantay-pantay po ang pagtrato namin sa kanila at lahat po sila ay maalagaan ng mga nurses namin," paliwanag pa niya, pero hindi ko iyon nagustuhan.
"Ikaw na nga rin ang may sabi, Dr. your rehabilitation is private therefore I can request something for the sake of your patient," seryoso't deritso kong saad sa kanya, at narinig ko agad ang malalim na pagbuntong hininga niya.
"Pero wala po iyon sa rules ng hospital namin," saad niya sa boses na may bahid ng inis.
"Well, I think it's time for you to make a one new," suhestiyon ko habang nakataas ang mga kilay ko. At isang hindi naman gaano ka nakakatakot na tingin ang pinukol ko sa kanya.
"Kung gusto mo bayaran pa kita para sa panibagong rule na iyan," dagdag ko pa, at napahilot na siya ngayon sa kanyang sentido niya.
"Mrs---" Kaagad ko nang pinutol ang dapat nitong sasabihin.
"How about another rehabilitation? What do you think Dr. Gonzales?" suhestiyon sa nang hahamon kong boses, at napabuntong hininga na lamang ulit ito.
"No need, Mrs bibigyan ko na po ng special treatment ang asawa ninyo," sumusukong tugon niya, at lihim naman agad akong napangiti sa aking isipan.
See? No one can say no to Laureen Vigor!
"Just please leave your phone number to my secretary para ma tawagan ka namin if may balita na kami tungkol sa information ng asawa mo," saad niya.
"Okay, and one more thing," pahabol ko pa, at bumuntong hininga na naman ulit siya.
"What is it, Mrs?" tanong niya.
"Gusto ko lalaking nurse ang magbabantay sa kanya."
Mas okay kung lalaki ang magiging nurse ni, Daks para makayanan nito ang lakas ni Daks kung sakali mang magwala ito. At hindi ko feel kung babae ang magiging nurse niya ewan ko kung bakit basta mas better na lang kung lalaki.
Pagkatapos naming mag-usap ng doktor ay sabay na rin kaming lumabas sa clinic niya, at kaagad naman kaming sinalubong ng isang nurse.
"Tulog na tulog pa rin po ang asawa ninyo, Ma'am, gusto niyo po ba siyang silipin muna?" wika ng nurse sa akin.
Napaisip naman agad ako sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang na huwag nang silipin si Daks sa kwarto niya. Baka kasi bigla na lang itong magising at makita ako.
"No need, just please take care of him," bilin ko sa nurse.
And for the very first time ay gumamit ako ng salitang 'please' para lang maalagaan ang isang tao.
"No worries po, kami na po ang bahala sa kanya," tugon naman agad sa akin ng nurse, at napanatag naman ang loob ko sa sinabi niya.
Kaya naman lumabas na agad ako ng rehabilitation at nang marating ko na ang aking kotse ay nilingon ko muna ang rehabilitation center. At isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi dahil sa wakas ay magagamot na rin si Daks.