CHAPTER 8

1140 Words
Walang natira sa kare-kare at fish fillet sinimot lahat iyon ni, Daks pati ang sabaw. Natuwa ako dahil isa lang ang ibig sabihin nun nasarapan siya sa luto ko kahit na hindi niya sinasabi. Well, 'lagi naman niyang nauubos ang pagkain niya pero ibang-iba lang talaga ngayon. Sa tanang buhay siguro niya ay ngayon lang siya nakatikim ng ganung putahe at ngayong nasa puder ko na siya ay siguradohin ko ng masasarap na pagkain na palagi ang kakainin niya at malilinis. *** Dumaan pa ang isang araw at hindi pa rin ako nakabalik sa trabaho pero sa susunod na linggo ay kailangan ko na talagang bumalik dahil nga sa utos ni Papa at malamang marami na rin akong gawain sa opisina sa Vigor Inc at sa opisina ko rin sa Sabor De Vigor. Nasa iisang building lang ang mga ito dahil twenty storey naman ang pinatayo ni Papa at ng aking Lolo Sergio. Mula sa ground floor hanggang fifteenth floor ay Vigor Inc at sixteenth floor up to the last floor naman ang Sabor De Vigor. Lahat ng processo sa mga pagkain ay doon ginagawa. Gusto ko kasing nakikita ko lahat at natitignan kung nasa maayos bang kalagayan ang lahat. Kasalukuyan kong binabasa ngayon information ng bagong client ng 'Sabor De Vigor' habang si Daks naman ay nanunuod lang ng TV, at paminsan-minsan din siyang naglalakad. Sa ilang araw kong pananatili rito sa bahay kasama siya ay masasabi kong maraming ng nagbago. Tulad na lang ngayon nagtatrabaho ako pero ang lakas ng volume ng TV, e, dati naman ayaw na ayaw kong may maingay habang may ginagawa ako ngunit ngayon ay parang nasanay na ako. Marami na talagang nagbago sa akin mula nung kupkupin ko si, Daks kahit na hindi ito nagsasalita at tanging yakap lang ang ginagawa nito sa akin ay ayos lang nasanay na nga ako. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag. It's Kai. [Hello good afternoon po, Ms. L] magalang na tugon agad nito sa akin sa kabilang linya. [Yes, Kai, what's the matter?] seryosong tanong ko sa kabilang linya. [Nag set po ng meeting ang CEO, ng Sabor De Vigor by next week at may bago rin daw po siyang ipapakitang proposal sa inyo] pahayag niya sa kabilang linya. [Okay, I will be there by next week] tugon ko naman agad. [Anything else?] tanong ko pa sa kanya. [Okay na po, Ms.L] tugon naman agad niya. Hindi na ulit tumugon pa dahil pinatay ko na agad ang linya ng aking telepono, saglit kong tinignan si Daks nakaupo pa rin ito sa sofa at nanunuod ng TV, at maya-maya pa ay nadako rin ang tingin niya sa akin at isang ngiti agad ang sumilay sa kanyang mga labi. At bigla na lamang naging abnormal ang t***k ng puso ko sobrang bumilis ang pagkabog nito at muli ko na namang naramdaman ang dadaming hindi ko mapangalanan sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga ngiti. Upang ikubli ang aking nararamdaman ay iniwas ko na lang agad ang tingin ko sa kanya at hindi ko man lang nagawang suklian ang ngiti niya. Ang kailangan kong paghandaan ay ang pagpasok niya sa rehabilitation dahil kailangan ko naman talaga siyang ipasok doon para gumaling na siya at para makabalik na rin ulit nga ako sa aking trabaho. Nang matapos ko ang aking trabaho ay siya namang pagtayo niya mula sa sofa at pinatay ang TV, marunong siyang gumamit dahil tinuruan ko siya para kung sakaling gusto niyang manuod ng TV, anytime ay alam niya kung paano gamitin. Sinundan ng mga mata ko ang bawat kilos niya at para lang talaga siyang normal na tao kung kumilos. Mula sa paghawak ng remote control upang e off ang TV, hanggang sa pagtanggal niya ng sucket sa saksakan. Sinong mag-aakalang may problema siya sa pag-iisip. At dahil pumasok siya sa kwarto ay kaagad kong kinuha ang phone ko at hinanap ang number ng private rehabilitation ni Dr. Gonzales sa contacts ko nang makita ko na ito ay agad ko itong tinawagan. [Hello Good day. Dr. Gonzales Private Rehabilitation, how may I help you?] pormal na bati agad sa akin ng babaeng sumagot sa akin sa kabilang linya. [Hello I know someone who's out of his sanity and I think he's traumatic also and I would like him to put in you Rehabilitation] Deritsong saad ko agad sa babae. [We need to get the patient's information, first, Ma'am especially his background] [That's one of my problem because I can't talk to him properly but, I can explain how he acts. I want you to get him here in my condo at Gil homes and bring him to your rehabilitation center] mahabang paliwanag ko sa kanya. [Sige po, Ma'am kailan niyo ho ba gustong kunin namin sa bahay ninyo ang pasyente?] tanong niya. [At maaari ko rin po bang malaman kung ano-ano ninyo ang pasyente?] tanong pa ulit sa akin ng babae. Hindi pa agad ako nakasagot sa babae dahil sa huling tinanong niya napaisip pa tuloy ako ng wala sa oras. First time mag-isip ng isang Laureen Vigor dahil lang sa isang simpleng katanungan. [Excuse me, Ma'am are you still on the line?] untag sa akin ng babae sa kabilang linya. [Y-yes] Sh*t! Why did I stutter? Come on Laureen! [Uulitin ko po ang ta---] agad ko ng pinutol ang sasabihin niya. Ayokong inuulit pa sa akin ang tanong dahil parang nakakakabobo iyon. [I'm the wife's patient] deritsong tugon ko. Yes! I should address myself as, Daks wife because by the time he'll be fine he will be a part of my life. [And I want you to get him by Saturday afternoon] Magkakasunod sunod kong wika sa babe. [May I know you name first, Ma'am and also you condo unit?] [Laureen Vigor, eight floor room eight-zero-nine] bigay impormasyon ko naman sa babae. [Noted, Ma'am pupuntahan na lang po namin ang asawa ninyo riyan sa unit ninyo] saad niya. [Okay, thank you] pasalamat ko naman, at saka ko na pinatay ang linya ng phone ko. Sinilip ko si Daks sa kwarto at mahimbing na naman ang tulog niya tahimik ko itong pinagmamasdan at habang ginagawa ko iyon ay may kirot akong naramdaman sa aking puso. Sa sabado wala na siya rito dahil ipapagamot ko na siya. Hindi ko na ulit makikita ang presensiya niya rito sa loob ng aking condo mamimiss ko ang pagsunod-sunod niya sa akin at pati na rin ang pagyakap niya mula sa aking likuran, at higit sa lahat ay mamimiss ko ang pagtabi namin sa iisang kama. First time in my life that I will truly miss someone by his actions. Napailing na lang ako habang may ngiti sa aking mga labi dahil sa ikli ng panahon na pagsasama namin ay may kung anong damdamin siyang nilabas sa pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD