Pagdating ni Jona sa condo ay pinaasikaso ko agad sa kanya ang mga pinamili niya samantalang nilapag ko naman ang dala nitong pagkain galing sa restaurant ko. Kare-Kare at Fish fillet best seller sa restuarant ko ang Kare-Kare dahil sa napakasarap nitong lasa at namana ko pa ang recipe na ito sa aking Lolo Sergio. Iba rin ang pagka prepare nito hindi ko sinasama sa sabaw ang mga sangkap na talong, balatong petchay tanging balat ng baka at paa ng baboy lang talaga ang nasa sabaw at pinapakuluan ko lang ang mga gulay upang lumambot ang mga ito. Samantalang ang fish fillet naman ay may salsa at sarilling ingredients ko ang salsa kung kaya't isa rin ito sa binabalik-balikan ng mga tao.
"Tapos na po ako, Ma'am Laureen," saad ni Jona sa akin.
"Okay, siya nga pala how's my house?" seryosong tanong ko kay Jona.
"Ayos lang po, Ma'am araw-araw naman po namin iyong nililinisan ni Nanay," magalang na tugon naman agad niya sa akin.
Sila ng Nanay niya ang tanging kawaksi ko sa aking sarilling mansion matagal na silang dalawa sa akin kaya subok ko na sila. At kahit silang dalawa lang madalas sa bahay ay hindi ako nababahala dahil may tiwala ako sa kanila.
"Okay you may go now," seryosong saad ko ulit, at bahagya naman itong yumuko upang magbigay galang sa akin bago siya tuluyang lumabas sa aking condo.
Mas mabuti na kung umalis na agad siya habang tulog pa si, Daks, dahil baka kapag nakita niya si, Daks ay magsumbong pa siya sa ama ko. Baka ma excite pa siya at ipakasal niya na agad kami ni, Daks, atat pa naman siyang makapag-asawa ako. Nakakainis lang.
Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay umikot na naman ang mga mata ko. Si Antonio Vigor na naman.
[Laureen, ilang araw ka na raw absent bakit?] galit niyang tanong agad sa akin sa kabilang linya.
[I'm on a vacation, Papa] tugon ko sa kanya habang umiirap ang mga mata ko.
[What? Why didn't you tell me earlier? We have new investors from Macau so, you should be the one who'll talk to them about our business] galit na galit na nitong litanya sa kabilang linya.
[I can meet them through online, Papa at kailan ba ito? Bakit hindi naman nabanggit sa akin ni Kai?]
[Next week ang dating nila from Macau]
Muling umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Papa. Next week pa naman pala pero makapagreact siya wagas.
[Laureen you need to report by next week!]
And with that, I left with no choices but to agree with him he always win.
D*mn!
Kailangan ko na talagang ipasok si, Daks, sa rehabilitation para makabalik na ako sa trabaho kaya naman hinanap ko na sa phone ko ang number ng private rehabilitation ni Dr. Jonas Gonzalez. Pero natigil ako sa paghahanap dahil tumunog na naman ang phone ko. It's Faye my secretary in 'Sabor De Vigor'
[Hello, kaye] seryosong tanong ko agad sa kanya sa kabilang linya.
[Good afternoon po, Ms.L gusto ko lang pong ipa alam sa inyo na may gusto pong mag inquire about sa franchise ng 'Sabor De Vigor' She's from Barcelona Spain and she wants to talk to you] paliwanag ni Kaye sa akin sa kabilang linya.
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko sinagot ang aking sekretarya.
[Okay, send me her personal information including her background] seryosong tugon ko sa kanya.
[Copy, Ms.L send ko na lang po sa email ninyo] saad niya
[Okay]
Hindi ko na hinintay ang katugunan nito at kaagad ko na pinatay ang linya ng aking telepono. Muli akong napabuntong hininga sabay pikit ng aking mga mata dahil namomroblema ako sa maari kong gawin kay, Daks at sa trabaho ko. Paano kasi kung ayaw niyang sumama sa rehab baka nasanay na siyang ako na ang kasama niya palagi. Baka tumakas siya roon at maligaw ulit. Hindi na pwedeng mangyari ulit iyon dahil siya ang taong ipapakilala ko sa aking pamilya bilang mapapangasawa ko.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong tulog na tulog pa rin ito sa kama napakagwapo niyang pagmasdan at mas g-gwapo pa siya kapag tuluyan na siyang titino. I can't wait to see him as a normal person I want to know if he's a gentleman or not and if he's good at business. Dahil kapag gumaling na siya ay tuturuan ko siyang humawak ng negosyong pinagmamay-arian ko gusto kong makilala din siya ng mga tao dahil magiging asawa siya ng isang sikat na chef na tulad ko. Sisisiguraduhin kong kapag maayos na siya ay matutunan niya rin ang mga natutunan ko at makakamit niya rin ang nakamit ko. Because sooner or later he will be my husband and he won't be nothing anymore. I won't let that happen. After his treatment he will meet my parents and it's up to my father if he will train, Daks, in Vigor Inc or he would let me train him or may he wants us to get married first. Walang magiging problema sa akin kung alin ang mauuna tutal wala naman akong laban sa kanya. But if there’s one thing that I’m sure of it’s that Daks is will be known by everyone like me. He won't be nothing again because I will make him a better man and a man who suits for me.