CHAPTER 6

1080 Words
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Daks sa bewang ko kailangan ko ng bumangon dahil tatapusin ko pa ang proposal na ginawa ko. Ngunit nangangalahati pa lang ako sa pagbangon ay muli na namang yumapos ang mga braso niya sa akin dahilan para mapahiga ulit ako. Damn! Mariin na lamang akong napapikit kailangan ko ng tapusin ang proposal na ginawa ko dahil kailangan ko ng ipakita iyon mamaya sa 'Sabor De Vigor' Kailangan na rin ako sa Vigor Inc, mamaya. Muli kong sinubukang alisin ang kamay ni, Daks, sa bewang ko ngunit mas lumala lang dahil hindi na lang braso niya dumagan sa akin dahil pati ang isang binti niya ay nakadagan na rin sa mga paa ko. Sinigurado talaga ng lalaking ito na hindi ako makakabangon pa ulit. Mukhang hindi na naman yata ako nito makakapasok sa trabaho uusok na talaga ilong nito ni Antonio Vigor sa galit. *** Three days have passed and still here I am staying in the house and taking care of, Daks. Hindi pa naman ako mabahay na tao pero dahil sa kasama ko ay nasasanay na rin naman ako kahit papaano. All I thought staying in the house and watching movies all day is boring but, no because I find it cool and comfortable. Sadyang nasanay lang siguro akong nasa opisina ako palagi at gabi na kung umuwi rito sa aking condo. At dahil tapos ko na rin naman ang aking mga gawain ay si, Daks na naman ang inasikaso ko. Kasulukuyang kong inaahitan ang balbas niya rito sa terrace napabili pa tuloy ako nang wala sa oras ng shave at mustache hair removal sa convenience store sa ground floor. Tahimik lang siya habang inaahitan ko dinadahan-dahan ko lang baka kasi masugatan siya. Pagkatapos ko siyang ahitan ay sunod ko namang sinuklay ng mabuti ang mahaba nitong buhok at tinali ko ito lahat para walang sagabal sa mukha niya at para hindi rin siya mainitan. Pagkatapos kong itali ang kanyang buhok ay kaagad kong tinignan ang pagmumukha niya at nagtama naman ang paningin naming dalawa. He look good. And simple smile flashed on his lips, at may kung ano akong nararamdaman sa aking puso dahil sa kanyang pagngiti. Simple ngiti lang iyon pero ang lakas ng dating sa akin at hindi ko alam kung bakit. It's weird. Upang ikubli ang kung anumang nararamdaman ko ay minabuti ko ng hilahin si, Daks, pabalik sa loob ng condo dahil kailangan ko pang magluto ng pananghalian naming dalawa. Pinaghila ko siya ng dinning chair at agad naman siyang naupo roon. Malamang gutom na naman siya kaya kumuha muna ako chocolate balls sa ref sinalin ko muna iyon sa mangkok saka binigay sa kanya upang kainin niya. Samantalang ako naman ay nilabas ko na ang aking mga lulutuin kumuha ako ng pancit sa cabinet dahil magluluto ako ng pancit canton kumuha rin ako ng carrots, repolyo at broccoli sa ref naglabas din ako ng mga ingredients para vegetable soup na gagawin ko. Naghugas muna ako ng aking mga kamay at hinugasan ko na rin ang sangkap na lulutuin ko tinali ko rin ang aking buhok para ma komportable ako at para maging malinis ang aking lulutuin, at saka umupo sa isang dinning upang i slice ang carrots, broccoli at repolyo. Habang naghihiwa ako ay bigla naman akong binigyan ni, Daks, ng chocolate na kinakain niya pero agad akong umiling dahil ayoko. Ngunit inulit lamang niya ang pagbigay sa akin kaya muli ko na lang siyang inilingan ngunit sadyang mapilit siya. Napabuntong hininga na lamang ako bago binuka ang bibig ko upang tanggapin ang binigay niyang chocolate at hindi lang iyon isang beses dahil sunod-sunod na ang pagsubo niya ng chocolate sa akin. Hindi pa kami nakakain ng tanghali pero nabubusog na ako sa chocolate. Pagkatapos kong ihanda ang mga sangkap na hiniwa ko ay agad na akong tumayo mula sa upuan at sinimulan ko na ang pagluto. At maya-maya lang ay may pumulupot ng mga braso sa katawan ko mula sa aking likuran at hindi na ito bago sa akin. For the past three days that we've been together I found out one thing from him he is clingy. Mula sa pagluto hanggang sa paghugas ay nakayakap ito lagi sa akin at hindi ko alam kung bakit. Nung una ay naiinis ako at palagi kong winawaksi ang mga kamay pero walang saysay iyon dahil inuulit pa rin niya kaya hiniyaan ko na lamang at pati yata ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko ay makakasanayan ko na rin. But somehow I kinda like it and, Daks, is the only person who made me feel this way. Pagkatapos naming kumain ay natulog na ito sa aking kwarto or, should I say sa aming kwarto na dahil dalawa na kaming natutulog doon. Ugali niyang matulog pagkatapos kumain samantalang ay heto ako tinitignan ang mga stocks namin dito sa condo dahil konti na lang. Pang isang linggo ang stocks ko rito sa condo pero dahil ang lakas kumain ng kasama ay mukhang hindi na aabot. Kaya tinawagan ko na agad ang katulong ko na si Jona upang utusan siyang ipag grocery ako at inutusan ko na rin siyang dumaan sa 'Sabor De Vigor' para magpaluto ng specialty ng restuarant ko at dalhin dito sa condo ko. Kahit na hindi ako ang nagluluto ngayon sa sarilli kong restuarant ay hindi ako nababahala dahil may dalawang assistant chef ako roon at kuha naman nila ang timpla ng luto ko. At kahit wala ako roon ay na mo-monitor ko pa rin ito dahil naka attach sa phone ko ang footage ng CCTV, kaya kung sakali mang may pumalpak akong tauhan ay mayayari pa rin sa akin. All my staff at employees are all attentive and responsible on their jobs, na dapat lang talaga dahil hindi basta-basta ang tinayo kong restaurant. As I said it's famous so everything should be fine from food, employees and up to the service. Pagkatapos kong e bulalas kay Jona ang mga ipapabili ko ay agad ko ng pinatay ang linya ng cellphone ko. Ipapatikim ko mamaya kay, Daks, ang isa sa pinakaespeyal at pinakasikat na putaheng niluto ko sana magustuhan niya. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatayo dahil lang sa simpleng isiping pagpapatikim ng niluto ko kay, Daks. It's weird but since I've been with Daks in the same house, things have changed in me from my actions and to my feelings. Nakakapanibago pero ayos lang kasi kahit papaano ay nagugustuhan ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD