Pagkatapos maglinis ng mga cleaners sa loob ng condo ko ay bumalik na din agad kami ni, Daks, sa loob dahil masakit na sa balat ang init. Pagpasok namin sa loob ay tahimik lang agad itong umupo sa sofa at muling pinagmamasdan ang kabuuan ng condo ko. The way he look at my condo it can't deny that he's not in good condition fear can be seen in his eyes. Nakakaawa siya. Ayoko ng may taong kawawa hindi ako sanay, kaya naman iniwan ko muna ito sa sala at pumasok ako sa kwarto upang tawagan si Roxi. He had a lot of friends who belong to medical fields so he can help me on this one.
[Hello, Lu] bungad agad niya sa akin kabilang linya.
[I need your help]
[May kilala ka bang Psychiatrist?]
Walang paligoy-ligoy kong saad sa kanya sa kabilang linya.
[Hmmm??? Sinong ipapatreat mo si Tito Antonio?]
Natawa naman agad ako sa sinabi niya, Roxi knows that my father and I are not close. We may have the same attitude but, when it comes to decision in our business and in life we don't get along. Especially when it comes to my life.
[No, he can manage himself but I need a psychiatrist for someone]
[A, friend?] He ask predictably.
[Can you just answer my question] maawtoridad at naiinis ko ng tanong sa kanya
Ang dami niyang tanong parang siya tuloy ang psychiatrist.
[Sabi ko nga]
[Oo may kilala akong psychiatrist, pero wala pa siya ngayon dito sa Pinas]
[Kailan ang balik niya?]
[I don't know may dinaluhan kasi iyong seminar sa Tokyo]
[Give me the name of that psychiatrist]
[Dr. Jonas Gonzales]
[Thank you]
Hindi ko na hinintay ang pagtugon nito sa kabilang linya dahil kaagad ko ng pinatay ang linya at sunod ko namang tinawagan ay si Kai.
[Hello good morning po, Ms.L] magalang na tugon agad nito sa akin sa kabilang linya.
[I want you to search Dr. Jonas Gonzalez through online. He's a psychiatrist and I need he's information and his schedule too and send it to my email by today]
Mahabang litanya ko sa kanya sa kabilang linya.
[Noted, Ms. L]
[Okay]
Kaagad ko na ring pinatay ang linya ko dahil may susunod pa akong gawain.
***
KINAGABIHAN, sa wakas ay natahimik na rin ang condo ko at pumayapa na rin ang pag-iisip ko dahil tulog na tulog na ang kasama ko sa loob mismo ng kwarto at sa mismong kama ko pa. Sinagad talaga ni, Daks, ang pasensiya ko buong araw okay lang siya kapag kumakain pero kapag oras ng paglinis sa katawan niya ay parang makakalbo ako. Tulad na lang kanina ako na naman ang naglabas ng pamalit niya at hot water pa ang pinag half bath niya, baka kasi kapag hindi mainit ay ako na naman ang maglilinis sa kanya. Hello?! I'm not his servant. Sa sala dapat siya matutulog pero paglabas niya ng banyo ay dumeritso na agad siyang humiga sa kama ko at nakatulog agad, kaya wala na akong nagawa. Kasalukuyan ko ng tinitignan ang aking schedules at meetings sa email ko para bukas. Na send na rin sa akin ni Kai ang information ni Dr. Jonas Gonzalez. Well, he's great and he owns a private and public rehabilitation, ang dami rin niyang tinutulungang mga charities. Pwedeng-pwede kong ilagay si, Daks sa private rehabilitation niya para maasikaso ito at matutukan nang maayos gusto kong may sarilli itong nurse para may magbabantay talaga sa kanya 24/7, dahil kailangan niyang gumaling agad para may maihaharap na akong mapapangasawa kay Antonio Vigor.
It's already ten o'clock but I am still awake and doing my thing and drinking my coffee. I love to drink coffee during night time because it makes me relief and I can do a lot of things too. Hindi ko ugaling matulog ng maaga. I myself is a workaholic person it's not my thing to sit all day long and watching movies on TV, screen I find it boring.
Tutok na tutok ako sa ginawa kong proposal ng bigla na lamang akong may narinig na sigaw mula sa loob ng aking kwarto kaya napatayo agad ako at tinungo ang aking kwarto.
Nataranta ako ng makita ko siyang sumisigaw at pabiling-biling din ako ulo nito habang tulog. He's having a sleep paralysis. Kaagad ko siyang nilapitan at niyugyog ang malalapad nitong mga balikat tinatawag ko rin ang pangalan niya upang magising ito. I'm so nervous as I woke him up this is the very first time that I felt nervous. Kapag may mangyari masama sa kanya ay hindi ko alam ang gagawin ko. I'm a chef and a business woman and I don't how to treat someone like, Daks.
Isang malakas na yugyog pa sa balikat niya ang ginawa at sa wakas ay nagising rin ito. He's trembling and look nervous. Kaagad na dumako ang mga tingin niya sa akin at iglap lang ay nakapulupot na ang malalaki niyang braso sa bewang ko ang higpit na naman ng yakap niya.
"Dito ka lang, huwag mo akong iwan," hinihingal at takot na takot niyang sabi.
Mariin na lamang akong napapikit dahil sa kanyang sinabi. Marami pa akong tatapusing trabaho pero parang hindi na naman matutuloy dahil sa kanya lalo na't mas humigpit na ngayon ang yakap niya sa akin.
"Dito ka lang," pagsusumamo niya habang nakatingin sa aking mga mata.
And still fear can be seen on it and eyes is only thing can tell about how you really feel.
"Fine," mahinang saad ko sa kanya.
Muli ko na siyang pinahiga at tumabi na rin agad ako sa kanya, he's on the left side of the bed and I'm on the right side. Inayos ko lang ang kumot sa katawan ko ay mabilis naman siyang yumakap sa akin at sinubsob nito ang kanyang pagmumukha sa aking leeg at napakahigpit na naman ng yakap niya sa akin. Hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay na may katabing matulog at higit sa lahat ay hindi ako sanay na may yumayakap sa akin. But I have no choice. Malapit ko na sanang matapos ang ginagawa kong proposal pero na unsyami pa, 'di bale maaga naman ako nagigising kaya magagawa ko pa iyon.
Nagising ako ng wala sa oras at iba na ang posisyon ko nakatagilid na ako ngunit itong kasama ako ay nakayakap pa rin sa akin at nasa batok ko na ngayon nakasubsob ang pagmumukha niya. Hindi ko inasahan na nakatulog agad ako ng may katabi at may nakayakap sa akin. Nakakapanibago. Pero kung ganito kami 'lagi ni, Daks, ay baka makasanayan ko ng matulog na may katabi at may yumayakap palagi sa akin.