bc

Magkaibang Daigdig (Dark Desire Series #1)

book_age18+
73
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
one-night stand
HE
billionairess
mythology
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Simpleng babae, maganda, at lumaki sa mahirap na pamilya kasama ang kaniyang tiyahin na siyang kumupkop sa kaniya. Bata pa lang si Aurora ay lumisan na sa daigdig ang kaniyang mga magulang. Isang aksidente ang ikinamatay nila na nanatiling palaisipan sa kaniya hanggang sa paglaki niya. Sumapit ang pagdadalaga ni Aurora ay mga bagay na siyang hindi maipaliwanag. Paulit-ulit na panaginip na tila totoong kaganapan sa bawat gabing lumilipas.

Hanggang sa isang araw ay makikilala niya si Sam. Ang pagbukas ng pinto tungo sa kabilang daigdig kung saan ay kaniyang masisilayan ang kabaliktaran ng mundo at katauhan ng taong kaniyang minahal. Magpapadala ba sa tukso at tawag ng laman si Aurora kung ang lalaking kaniyang minahal ay siyang lalaking lider ng mga satanas. Mapaibig niya kaya ang demonyo gayong kilala itong walang puso.

chap-preview
Free preview
Prologue: Aurora
KAKAIBING init ang lumukob sa buong katawan ko habang nakapikit nang mariin. Sa hindi malamang dahilan ay tila ba ninanais kong magpatuloy ang nararamdaman kong iyon. Napakagat-labi ako sa ibabang bahagi ng aking labi. Isang mahinang ungol ang aking pinakawalan habang dinarama ko ang mainit na haplos na nanggagaling sa mainit niyang palad. Naglalakbay ang kaniyang palad sa ilalim ng suot kong undies. Napaigtad ako ang paghiwalayin niya ang magkabilang hita ko habang nakapatong sa magaan kong katawan.   Dinig sa loob ng isang maliit na espasyo at madilim na silid ang aming halinghing. Ang kaniyang malalim na boses ay nagbibigay kilabot sa akin. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko at kasabay na rin niyon ang takot na gumapang sa aking dibdib. Napaliyad ako nang bigla niyang punitin nang marahas ang suot kong damit. Tumambad sa kaniya ang malulusog kong dibdib. Walang pag-aalinlangan niyang dinaklot ang naninigas kong dibdib. Walang pag-aatubili na pinaglaruan ng mahabang niyang dila ang tuktok niyon. Isang mahinang ungol muli ang aking pinakawalan.   Gusto kong idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. Sa pagkakaalam ko ay mahimbing akong natutulog sa silid ko. Napagtanto ko na lamang na hindi ko kilala ang lalaking nakapatong sa akin. Patuloy niyang pinaglalaruan ang magkabilang dibdib ko. May parte sa isipan ko na tama na. Kailangan ko siyang pigilan. Kabaliktaran naman ang sinisigaw ng puso ko at katawan. Ayaw ko siyang tumigil at lalo pa akong napaungol nang paglaruan niya ang aking pagitan sa ibaba. Para na akong sasabog sa aking nararamdaman.   Pinagpapawisan ako at gusto kong magsalita. Walang boses na gusting lumabas sa aking bibig. Nanunuyot na rin ang aking lalamunan sa tindi nang pagkauhaw. Hanggang sa halikan niya ang labi ko. Ginalugad na rin ng kaniyang mahabang dila ang loob ng aking bibig. Hindi ako nakatanggi. Lumaban ako, sinabayan ko siya at tila nag-eespadahan ang dila naming dalawa. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita ang kaniyang mukha.   Huminto siya sa paghalik sa akin at bahagyang lumayo. Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang hininga sa kanang tainga ko. Dinig ko ang mabigat niyang paghinga.   “Gusto mo akong makita?” tanong niya.   Napakagat akong muli sa ibabang bahagi ng aking labi. Bakit tila nababasa niya ang aking isipan? Baka nagkataon lang sa aking palagay. “Open your eyes…” Umiling-iling ako ng ilang beses. “H-Hindi ko magawa…” nauutal kong sabi. Sa wakas ay may tinig ng lumabas sa aking bibig. Tila nakawala ako sa pagkakakulong. “You can… alam kong gusto mo akong makikita. I’ll give you a chance.”  Naramdaman ko na lamang na unti-unti kong naidilat ang aking mga mata. Muli na naman niyang pinaglaruan ang tuktok ng kanang dibdib ko. Napatingala ako at napagtanto kong madilim ang buong paligid. Ang liwanag na nagmumula sa buwan lamang ang tanging ilaw namin. Hindi ako nagkakamali at nasa loob ako ng silid ko. Bukas ang bintana ng aking silid at marahang natatangay palayo sa bintana ang bawat dulo ng kurtina dahil sa mahinang pag-ihip ng hangin. “S-Sino ka?” natatakot kong tanong. Tumigil siya at umangat. Isang marahang halik sa labi ko ang iginawad niya. Napahinto ako at napapikit muli nang mariin. Nang tumigil siya sa paghalik ay muli kong idinilat ang mga mata ko. Naaninag ko ang kaniyang mukha sa aking harapan. Ngunit sobrang dilim. Inangat ko ang mga kamay ko at hinaplos ang magkabilang pisngi niya. Naningkit ang mga mata kong nakatitig sa kaniyang mukha dahil wala akong makita. Hanggang sa lalong lumiwanag ang buwan at nakita ko paunti-unti ang kanang bahagi ng kaniyang mukha. Tila may halong brown at red ang pupil ng kaniyang mga mata. Ang tangkay ng kaniyang ilong at tangos ay bumagay sa manipis niyang labi na mamula-mula. Ang makapal niyang kilay ay umarko at kumunot. Nagkasalubong din ang magkabila kong kila noong bigla siyang lumayo at muling dumilim ang paligid. Hawak ko ang kaniyang kamay habang siya ay umupo nang palayo. “S-Sino ka—” Pinigilan niya ako sa aking pagsasalita noong iharang niya sa labi ko ang kaniyang hintuturo. Nabalot ng lungkot ang puso ko nang sandaling iyon at tuluyan siyang naglaho. “Aurora! Aurora! Gising! Gumising kang bata ka!” Naramdaman ko ang pagyugyog ng katawan ko kaya naman napabalikwas ako nang bangon. Paglingon ko sa gawing kanan ko ay nakatayo si Tiya Pasit. Hinihingal ito at nabalot ng takot ang kaniyang mukha. “T-Tiya Pasit?” tanong ko. “Ayos ka lang ba? Kanina pa kita ginigising.” Umupo siya sa tabi ko. “A-Ano po’ng nangyayari?” dagdag ko pa habang hinihingal. “Kanina ka pa umuungol. Mukhang binabangungot ka, Aurora. Tingnan mo nga ang iyong sarili,” usal nito. “A-Akala ko, po, ay…” Hindi na ako tumuloy sa pagsasalita noong maramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa aking noo. Ang damit ko ay nakaangat at litaw ang aking pusod. Nang pakiramdaman ko ang aking pagitan ay alam kong may hindi tama. Parang totoo ang nangyayari kanina. “Nananaginip ka ng masama, Aurora. Napapadalas na yata ‘yan?” “N-Nananaginip lang po ako…” Inabot ni Tiya Pasit ang isang maliit na towel at tinanggap ko iyon. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Napalunok ako nang maramdaman kong basa ang aking panty. Nagdesisyon akong tumayo. “Saan ka pupunta?” “Sa banyo lang, po, Tiya… maghihilamos lang…” Dali-dali akong lumabas ng silid at pumunta sa banyo. Paglabas ng silid ko ay sala na at dumiretso ako upang tunguhin ang kusina kung nasaan din ang banyo. Magkatabi lamang iyon. Pumasok na kaagad ako sa banyo at napaigtad ako noong makita ko ang sarili ko sa malaking salamin. Halos tumalon ako sa pagkagulat. “Tinatakot ko lang ang sarili ko.” Dumiretso ako sa lababo at naghilamos ng aking mukha. Sa tuwing napapapikit ako ay naalala ko ang kalahati ng kaniyang mukha. Hindi ko siya makalimutan. Ilang gabi ko na siyang napapanaginipan at parating gano’n ang eksena. Hanggang doon lamang dahil sa tuwing maririnig ako ni Tiya Pasit na umuungol ay ginigising niya ako. Magkatabi ang silid naming dalawa at paminsan-minsan ay madaling araw na siya matulog dahil sa pagsusulsi. Iyon kasi ang nakahiligan niya at lalong hindi raw siya makatulog sa gabi dahil hindi siya dinadapuan ng antok. Minsan pa nga ay iinom siya ng tubig at sa hindi malamang dahilan ay nagagawi siya sa silid ko upang silipin ako at nagkakataong binabangungot ako. Pagkatapos kong maghilamos ay umupo ako sa inidoro at umihi. Naramdaman kong basa talaga ang pagitan ko at nang hawakan ko ang aking undies ay basa nga iyon. Nanindig ang balahibo ko dahil parang totoo ang lahat. Sa takot ko ay nagmadali ako at tumungo sa kusina upang uminom ng tubig. Sa harapan niyong lababo ay may babasaging salamin na gawa sa jalousie. May kung aning anino ng lalaki akong nakitang nakatayo at ilang beses kong ikinurap ang mga mata ko at nawala rin naman kaagad. Magmula sa spinal cord ko at batok ay umakyat ang kilabot. Tumayo rin ang balahibo ko sa aking batok at buong katawan. Inilapag ko na kaagad ang baso sa lababo at nagmamadaling tinungo ang silid. Tamang-tama ang palabas na si Tiya Pasit. Puno ito ng pagtataka sa kaniyang mukha. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” tanong niya. “M-May nakita, po, kasi akong tao sa kusina,” kinakabahan kong sagot. Napakunot-noo naman si Tiya Pasit at naglakad patungo sa kusina at binuksan ang bintana. Iginala niya ang paningin ngunit wala namang nakita. “Wala namang tao. Ay naku! Baka guni-guni mo lang ‘yon, Aurora.” Naglakad pabalik si Tiya Pasit sa aking harapan. “B-Baka nga, po, Tiya…” “Isa pa, magdasal ka, ha, bago matulog. Saka ‘yong bintana— isara mo palagi. Gabing-gabi at nakabukas. Kaya ka siguro nananaginip ng masama.” Lalo akong nakaramdam ng kaba noong marinig ang sinabi niya. Pumasok kaming dalawa sa aking silid at pinahiga na niya ako. Kinumutan din ako ni Tiya Pasit. Para na niya akong anak kong ituring. May dalawang anak si Tiya Pasit ngunit may kaniya-kaniya na itong mga pamilya. Dalawa silang lalaki kay naman gano’n na lang ang pag-aalaga sa akin ni Tiya. Wala na rin kaming ibang kasama rito sa loob ng bahay kun ‘di kaming dalawa lang. “Matulog ka na. Huwag mo kalimutang magdasal. Kayo kasing mga kabataan, kung anu-ano ang pinapanood niyo. Magsimba ka sa lingo, ha. Sasamahan kita.” Tumango at matipid na ngumiti. May pasok pa ako bukas dahil nag-aaral ako ng college. Ilang taon pa ay matatapos na ang kurso ko. Simula noong nag-eighteen years old ako ay marami akong nararanasang hindi maganda at kababalaghan. Noong bata ako ay lagi akong nananaginip ng isang lalaking nasa dilim palagi. Takot na takot ako parati sa tuwing nagigising pa ako ay umiiyak ako. Ngayon naman ay madalas kong maramdaman na may nakasunod sa akin ngunit sa tuwing lilingunin ko naman ay wala. “Aurora, tulala ka naman diyan!” Muntik akong malaglag sa inuupuan ko nang tabigin ni Ezra ang aking kamay habang nakapangalumbaba pa sa lamesa. Nakatambay kami rito sa ilalim ng puno sa loob ng campus. “Ano ba, Ezra?” Umupo siya sa tabi ko at tumatawa pa. “Paano kasi, tulala ka na naman dyan?!” “Basta! Nakakainis ka talaga!” “Iniisip mo naman siguro ‘yong prince charming mo, noh?!” pang-aasar niya. “May prince charming ba nakakabangungot?!” anas ko. “Joke lang! Heto naman! Hindi ka mabiro!” Inilapag niya ang hawak na junkfoods at dalawang bote ng softdrinks sa lamesa. “Kumain ka muna! Heto na ang pinabibili mo.” “Salamat. Pasensya ka na kung madalas akong tulala.” “Alam mo, pumunta kaya tayo sa kakilala naming mangagamot.” Napakunot-noo akong tinitigan siya at uminom ako. “Mangagamot? Bakit?” nagtataka kong tanong. “Oo! Baka matulungan ka ng matandang mangagamot sa amin. Baka mamaya minamaligno ka na o engkanto!” Sabay gala ng tingin sa punong kahoy. “Susubukan kong sabihin kay Tiya Pasit.” … Hindi ako nagkakamali at kinagabihan nang ipikit ko ang aking mga mata sa labis na antok ay naramdaman ko ang pag-init ng paligid. Lumitaw mula sa madilim na bahagi ang lalaking nagpapakita palagi sa aking panaginip. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ako makabangon. Maging ang bibig ko ay nakatikom at hindi ako makapagsalita. Hindi ko na naman maaninag ang mukha niya. Nang siya ay lumapit— dahan-dahang lumiwanag ang kanang bahagi ng kaniyang mukha. Sino ba talaga siya at bakit siya laging nasa panaginip ko. “Sumama ka sa ‘kin kung gusto mo akong makilala…” Nababasa ba niya ang isipan ko at sinagot niya ang katanungan ko. Napailing ako sa sobrang takot. Ngumiti siya at kinilabutan ako. Sumampa siya sa kama at gumapang patungo sa akin. Isang mainit na haplos sa aking binti ang kaniyang iginawad. Mula sa aking binti paakyat sa aking hita. Marahas niyang pinaghiwalay ang magkabilang hita ko. Diniin niya ang kaniyang sarili sa akin. Bumigat na rin ang paghinga ko at sinibasib niya ako ng halik. Halos mapugto ang hininga ko sa lalim ng kaniyang halik. Nanatili akong nakahiga habang ang mga kamay ko ay hindi ko maigalaw. Naiiyak na ako dahil parang totoo na talaga ang nangyayari at hindi isang panaginip lamang. Walang habas na inangat niya ang damit ko. Muli ay tumambad sa kaniya ang malulusog kong dibdib. “You’re mine…” bulong niya habang tumatama ang mainit niyang hininga sa aking kaliwang tainga. Ipinilig ko ang aking ulo at pilit na umiwas nang halikan niya akong muli. Sa pakawalang pagkakataon ay para akong hinila at napapayag sa kaniyang gusto. Sinabayan ko ang kaniyang paghalik at naglaban ang aming dila. Nilalamon ako ng makamundong bagay. Wala pa akong nakarelasyon at wala akong experience. Hindi ko lubos-maisip kung paano ito nangyayari. Hanggang sa bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Gusto ko nang umayaw ngunit tila ayaw ko siyang huminto. “Alam kong hinahanap-hanap mo ‘to. Ayaw mo akong huminto.” Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Naalala ko ang sinabi ni Tiya Pasit na kapag muli akong makaranas nito ay magdasal ako. Pilit akong nagdasal sa aking isipan hanggang sa huminto siya. Nakagalaw na rin ako at bumalikwas ako sa pagbangon. Laking gulat ko noong tumayo siya at matikas na tumayo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang aking ginawa. “In Jesus name—” napahinto ako noong nakita ko na lamang na bigla siyang nagbagong anyo. Mula sa isang ordinaryong tao ay bigla siyang lumaki! Ang katawan niya ay naging mabagsik na para bang katulad sa isang hayop. Laking gulat ko rin noong makita ang malapad at Matulis niyang pakpak. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako sa aking kama. Nakakubli ako at takot na takot. Hindi na ako makapagsalita. Pinilit kong magdasal sa aking isipan. Napayuko siya at humiyaw nang sobrang lakas. Nawindang ako sa ginawa niyang iyon. Bigla siyang tumingala at humiyaw na para bang nasasaktan nang husto. Kitang-kita ko ang paglabas ng sungay sa kaniyang noo. Isang matulis at mahabang sungay. “Maangkin din kita balang araw!” hiyaw niya at unti-unti siyang naglaho. Muli ay naramdaman ko ang pagyugyog ng aking katawan. Pagkagising ko ay umiiyak si Tiya Pasit. “Aurora! Gising! Gising!” “T-Tiya?” naiiyak kong sabi. Niyakap niya ako nang mahigpit. Takot na takot daw siya dahil hindi niya ako magising. Nagdasal siya at baka sakaling makatulong. “D-Demonyo… demonyo…” sabi ko habang nauutal pa sa takot. Pakiramdam ko ay namilipit maging ang dila ko kaya hindi ako makapagsalit nang maayos. “A-Ano’ng demonyo?” Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Tiya Pasit. “Pinagsasamantalahan ako ng demonyo!” naiiyak kong sabi. Hindi na napigilan pa ang pag-iyak at niyakap akong muli ni Tiya Pasit. Nagdesisyon kaming magpatulong sa kakilalang matandang manggamot ni Ezra. Kinabukasan ay nagpasama na kami at tamang-tama dahil walang pasok. Sana ay matapos na ang nangyayari sa aking kababalaghan dahil hanggang ngayon ay kinikilabutan ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook