SMITTEN 21 Katatapos ko lang maligo nang maalala ko ang lingerie na ibinigay sa akin ni Miles. Agad na kinuha ko ‘yon sa luggage at saka excited na isinukat. Maaga pa para sa seminar kaya marami pa akong oras para magsukat. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Triton. Pagkatapos n’ya akong halikan ay mabilis na tinulak ko s’ya dahil masyadong nakakairita ang sinabi n’ya sa akin. I am quite aware that he didn’t like me but I didn’t know that he was thinking that I am only chasing him for fun. Ang akala n’ya ay dahil lang hindi ko s’ya makuha sa kahit na anong paraan kaya hanggang ngayon ay hinahabol habol ko s’ya. I know I wasn’t just infatuated with him because years ago when I assessed my feelings for him, na s’yang palaging pinapaalala sa akin ng kaka

