SMITTEN 20 Pabagsak na isinara n’ya ang pinto ng kwarto at hinila ako hanggang sa makarating sa gawi ng couch na medyo malayo na sa pinto dahil nag-aalangan siguro s’ya na maririnig kami ni Denver. Napatingin ako sa study table doon at nakita kong nakasindi ang laptop n’ya at mukhang nagtatrabaho pa s’ya bago ako dumating at kinatok s’ya. Mayroong led light na maliit sa gilid kaya nagsilbi ‘yong liwanag sa gawi namin. Padarag na binawi ko ang braso ko nang maalala ko ang mga paratang n’ya sa akin kanina. Kung iniisip n’ya palang may masama akong balak sa kanya kaya gusto kong makipagpalit ng room ay bakit n’ya pa kaya ako hinatak papasok dito? Siraulo din pala ang isang ‘to! Lumalapit sa alam n’yang tukso! Kitang-kita ko ang pagtalim ng titig n’ya sa akin matapos kong bawiin an

