Meant To Be

1281 Words
“Kambal, please? Ako na lang ang papuntahin mo sa Sagada, please? Please, Kambal?” pangungulit ko sa kakambal kong si Anika matapos ang ilang araw na paghihintay ng gigs pero wala namang dumadating na offer na doon sa Sagada ang venue!   Mula sa kung anong ginagawa n’ya sa computer sa harapan n’ya ay nag-angat s’ya ng tingin sa akin. Lalo akong nagpa-cute at pinagdikit pa lalo ang mga palad sa ilalim ng baba ko at saka pinapungay ang mga mata. Nanliit ang mga mata n’ya at tinanggal ang may kalakihang anti-radiation glass na suot at saka humalukipkip habang tinitingnan ako.   “Do you know what’s that seminar about, Euri?” nanliliit ang mga matang tanong n’ya. Agaran ang ginawa kong pag-iling habang nakanguso. Sa ngayon ay wala na akong pakialam sa lintik na pag-uusapan sa seminar na ‘yon. What really matters to me now is to attend that probably boring seminar and be with Triton in that magical and cold place. Hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na ‘yon dahil minsan lang kaming makakapagdate ng Asawa ko sa labas at doon pa talaga sa malamig na malamig na lugar kung saan maraming ‘himala’ ang posibleng mangyari! So, how the hell would I let this once in a blue moon chance to be with him pass?   “I don’t care what’s that darn seminar is all about, Kambal. Uupo lang naman ako doon at magkukunwaring nakikinig hindi ba? Kayang-kaya ko naman ‘yon, kaya please? Let me go there in your behalf, please, Kambal?” lumapit na ako sa kanya at halos idikit ko na ang mukha ko sa kanya para lang mapapayag s’ya. “Please, please? I love you, Kambal. I know you love me, too. Di ba? Di ba? Love mo ‘ko?” kitang-kita ko ang pagsimangot n’ya na alam kong malapit nang pumayag. I smirked and tickle her on the side. Napakislot s’ya at agad na tumawa dahil sa ginawa ko. “Yes, yes, yes! Thank you so much, Kambal! I love you so much!” sabi ko at agad na niyakap s’ya. Bumuntonghininga s’ya agad na sumimangot nang kumalas ako sa yakap.   “You always do this trick! Kainis!” she said while crinkling her nose. Natatawang pinanood ko s’yang naging marupok dahil sa pangungulit ko. “Malalagot talaga ako nito kay Daddy,” sabi n’ya pa habang iniirapan ako. Tumawa lang ako dahil paniguradong hindi naman s’ya gaanong pagagalitan dahil bihira naman s’yang gumawa ng kalokohan. Unlike me na walang araw na hindi nasesermonan. Oh, well! I’m kinda used to his scoldings kaya wala na lang sa akin ‘yon. Immune na immune na ako sa mga pagalit ni Daddy at lalong mas worth it ang sermon ngayon dahil makakasama ko naman ang Asawa ko ng tatlong araw!   Tumunog ang landline sa tabi n’ya kaya natigil s’ya sa pagsimangot at agad na sinagot ang tawag.   “Hello, good morning,” rinig kong bati n’ya sa nasa kabilang linya. I crossed my arms and turned around to go back to my seat. Ngiting-ngiti ako dahil kung ano-ano kaagad ang naimagine ko dahil sa naging pagpayag ni Anika na ako ang sumama sa seminar.   “Y-yes, Triton. I’ve heard from my Dad,” rinig kong sabi ng kakambal ko kaya agad na napapihit ako palingon sa kanya at nagtatakbo palapit sa gilid n’ya. Sinundan n’ya ako ng tingin at sinenyasan na tumahimik. Sunod-sunod na tumango ako at idinikit ang tenga sa kanya para marinig ang usapan nila. Napasapo agad ako sa bibig para magpigil ng kilig nang marinig ang boses ni Triton sa kabilang linya.   Boses na boses pa lang ang gwapo gwapo na! Lalo na siguro kapag sinabi n’yang mahal n’ya ‘ko! I bit my lower lip to stop myself from giggling.   “Are you sure you can do it, Anika? Sagada is quite far from here and I’ve heard from Vaughan that you’re not used to the cold weather and also advice me to go alone. Are you sure you’re gonna be fine?” mahinahon n’yang tanong. Agad na napatingin ako sa kakambal ko at nagtaas ng kilay. How the hell would Vaughan knew that Anika isn’t used to the cold? Were they talking personal stuff? Ang alam ko kasi ay ayaw na ayaw ng kakambal ko kay Vaughan dahil masyadong babaero. Hmmm… fishy!   “Y-yeah. I’ll be fine. Three days lang naman ‘yon,” sagot n’ya. Tumango-tango ako habang patuloy pa rin sa pakikinig.   “Alright. See you on Monday then,” he said after hanging up. Anika heaved a sigh after the call. Natatawang pinanood ko s’ya.   “This is going to be the last time I’m gonna do something like this, Euri,” nanliliit ang mga matang sabi n’ya. Nagpigil ako ng ngiti at saka sunod-sunod na tumango kahit na nga ba dati n’ya pang sinasabing ‘last time’ na pero sa tuwing hihiling ako ay ginagawa naman n’ya parati.   “Yes, Kambal. Last na last na talaga,” natatawang pag-sang ayon ko. Maya-maya ay tumunog na naman ang phone kaya naging busy na naman s’ya doon. Sinenyasan ko s’yang lalabas na ako na agad naman n’yang tinanguan. Narinig ko pa ang pagtataray n’ya sa kausap bago ako tuluyang makalabas sa opisina ni Daddy. She was obviously talking to Vaughan based on the way she was talking.     “Huh! What is it to you if I come? Kahit na nga ba manigas pa ako sa lamig doon ay wala ka ng pakialam pa!”   Napailing-iling ako. There are really people that don’t get along. At isa sa mga iyon ay ang kakambal ko at ang pinsan ni Triton na si Vaughan Montecarlo.   Muntik pa akong mapamura nang maalala ang co-model kong si Nathalie na kakambal ni Vaughan. May usapan nga pala kaming magkikita ngayon dahil ibibigay n’ya sa akin ang sponsored dress na gagamitin para endorsement ng Curved. Mabilis na dinukot ko ang phone sa bulsa at tatawagan na sana s’ya pero mayroon na kaagad s’yang text sa akin.   Nathalie:   I’ll be late. May pinapadaanan pa kasi si Daddy sa AGC. Will call you when I’m done there.   Namilog agad ang mga mata ko nang mabasa ang AGC sa message n’ya. Agad na nag-type ako ng reply at pilit na pinipigilan ang sariling mapangiti.   “Maybe, we’re really meant for each other, Asawa ko. Tadhana na talaga ang gumagawa ng way,” bumungisngis ako habang sinesend ang reply ko kay Nathalie.   Me:   I’ll just see you there, Nath. Nandito lang naman ako sa malapit.   Kilig na kilig ako matapos ma-send ang message at nagsimula nang maglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nag-beep na ang phone ko para sa panibagong message ni Nathalie.   Nathalie:   Okidoki. I’m here at my cousin’s office. Will wait for you here. Lalo akong kinilig nang malamang nandoon s’ya sa opisina ni Triton!   Isang reply pa ang ginawa ko at saka ngiting-ngiting naglakad na paalis.   “Hmm! Oyeh! See you later, Asawa ko!” ngiting-ngiting bulalas ko habang palabas ng Yu International.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD