Way

1933 Words
"Dad, we have a field trip in Palawan next month..." Damon opened up while we're eating breakfast the next morning. Every Sunday is our family day kaya bawal ang excuses. Ayaw ni Dad na may kulang kapag Sunday. Napatigil si Dad sa pag-inom sa coffee n'ya at napatingin kay Dame pagkatapos ay bumaling kay Rowan. "Is it true, Rowan? Palawan is too far for a field trip." Dad commented. Tumingin muna s’ya kay Dame bago sumagot. "It's true, Dad. All third and fourth year students are required to join. However, freshmen and sophomores can join us but not really required," sagot ni Rowan. Agad namang napasimangot si Damon at agad na  hinarap si Mommy para magpatulong. "Mom, I wanna join, too. All my friends are going! And it's my first time to attend field trips," sabay apila nito at harap kay Rowan. Nagkibit balikat lang si Rowan. Dad will be the one to decide, though. Pero in the end, kapag pumayag si Mommy, wala na ring nagagawa si Daddy kaya ang segurista kong kapatid ay sa kanya agad dumiretso. Tss! So clever! "You can join next time, Dame. Palawan is too far from here. Mag-aalala lang sa'yo ang Mommy mo," sagot ni Dad. Tuluyan ng napasimangot si Dame at tumigil na sa pagkain. Napatingin ako sa kanya at tsaka binalingan si Daddy. "Why not let him join, Dad? I'm sure Rowan will take good care of him..." singit ko. Nakita kong nagtaas ng kilay si Rowan sa akin. Lumamlam ang mga mata ni Dame nang mapatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. He knows that I am just trying my luck para payagan s'ya. "I don't think Rowan can handle that rascal, though," umiiling na kontra ni Anika at sinulyapan pa si Damon. Nanliit ang mga mata ko sa kakambal ko. She just shrugged! Kahit kailan talaga, oo! "You can't take good care of your brother, Rowie?" singit na tanong ni Mommy. Nabuhayan ako ng loob. Nakita ko rin na napasinghap si Damon. Kapag ganyang nagtatanong si Mommy, it means, she's considering the idea! Nakita kong kumunot ang noo ni Dad at sinulyapan si Mom. Mom just raised her brow. "Mommy?" hindi makapaniwalang tawag ni Dad sa kanya pero hindi s'ya pinansin ni Mommy at ibinalik ulit ang tingin kay Rowan. "What, honey? Hindi mo ba kayang bantayan ang kapatid mo?" muling tanong ni Mom kay Rowan. Napatingin si Rowan kay Damon pagkatapos ay umirap. "I can, but-" "Then go with your Kuya, baby. 'Wag ka lang magpapasaway doon, okay?" Mom cut him and faced Dame's hopeful face. Halos tumalon na si Damon sa saya dahil sa sinabi ni Mommy. Napangisi ako nang tumayo s'ya at sinugod ng yakap si Mommy. Nakita ko pa ang pag-iling ni Dad bago ipinagpatuloy ang pagkain. "Thank you, Mommy! Hindi ka mag-aalala sa akin, promise!" sabi pa nito at hinalikan ang magkabilang pisngi ni Mom. Nang bumalik s'ya sa tabi ko ay ngiting ngiti na s'ya. "Thanks for trying, Ate!" sabi n'ya. Pinisil ko ang pisngi n'ya. "Behave, huh?" paalala ko. Nag-thumbs up lang s'ya at tinuloy ang pagkain. Nagkwentuhan pa kami ng mga nangyari the whole week. Maya maya ay binalingan ako ni Dad. "So, you went to AGC last friday, Euri?" He asked. Nagulat ako. Ngayon lang n'ya ako tinanong tungkol sa pagpunta punta ko doon kahit halos araw araw naman akong sumisimple sa pagpunta doon. Kumunot ang noo ko at napalunok dahil sa titig ni Dad. What the hell? Bakit ba ako biglang kinabahan? Wala naman akong ginawang masama! "W-why did you ask, Dad? I... I just got some errands to run and decided to dropped by to get what Vaughan wants to give to Anika..." kinakabahan kong tugon. "How did you know I was there, by the way?" curious na tanong ko. "Triton told me you were there," sagot n'ya at uminom ng kape. Nalaglag ang panga ko. Did he really tell Dad? Nakukulitan na ba s'ya sa akin at sinubukan na n'yang magsumbong kay Daddy? Napairap ako dahil sa naisip. As if it will stop me from chasing him! "I just thought you finally found inspiration to start running our business..." pagpapatuloy ni Dad. Narinig ko ang mahinang tawa ni Anika sa gilid ko. Napangiwi ako at tinaasan s'ya ng kilay. "That's the last thing she will realize, Dad!" natatawang sabi pa n’ya. Napasimangot na ako. "You really don't wanna try, Euri?" tanong naman ni Mommy. Bumuntonghininga ako. Iniisip ko pa lang ang stress na aabutin ko sa pagtatrabaho sa company namin ay sumasakit na ang ulo ko. Lalo na at paulit ulit lang ang routine sa araw-araw. Ayaw ko pa naman ng nakatuon lang ang atensyon sa iisang bagay. I'm kind of adventurous and there's definitely no adventures inside Yu International! Buti sana kung sa AGC! Kahit sa opisina na ni Triton ako matulog, okay na okay lang! At doon ay paniguradong mayroong thrill at maraming ‘adventures’ na pwedeng gawin! "Not now, Mom. Besides I am still studying and currently starting to build my career as a model. Maybe if I'm a bit older..." sagot ko at nagkibit balikat. Tumango lang si Mom. Si Dad ay napapailing lang at bumubuntonghininga. Well... I'm still thankful they are not forcing me to do what I didn't want. "By the way, Anika..." sabi ni Dad at nag-angat ng tingin sa kakambal ko. "Yes, Dad?" sagot naman ni Anika. "About the upcoming seminar for your new project with Montecarlo Holdings. Hindi daw makakapunta si Vaughan," Dad said. Kitang kita ko ang pagsinghap ni Anika. Tumaas ang kilay ko. Tumango tango s'ya at ngumiti ng sobra. She was like relieved or something. Lalong tumaas ang kilay ko. "It's really okay, Dad. Kaya ko naman po talagang pumuntang mag-isa doon. There’s really no need for a companion," nakangiti pang sagot n’ya. Tumaas ang kilay ko. If I know, ayaw lang talaga n’yang makasama si Vaughan sa kahit na saan! "He called me earlier that there's a conflict with his schedule na mas kailangan n'yang unahin. Well, seminar lang naman 'yon. Pwede mo namang i-relay na lang sa kanya lahat ng mapag-uusapan sa seminar kaya sinabi kong okay lang. But still, he insisted that his cousin will take over his place to accompany you. So, you will be attending that seminar in Sagada, Mountain Province with his cousin Triton Aldana," rinig kong sabi ni Daddy.   Sukat sa sinabi n'ya ay nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pagkain.   Oh my God! Did I hear it right? My twin will go to Sagada with Triton? As in sa Sagada talaga?! Sagada, Mountain Province is one of the coldest towns in the Philippines. At sa mga ganoong malalamig na lugar, ako dapat ang kasama ng Asawa ko! Hindi na ako nag-isip at agad nang sumabat sa usapan nila. "Can I go with them, Dad?" agad na singit ko. Napatingin naman si Anika sa akin. Si Mommy ay narinig kong tumawa. Si Rowan ay narinig kong napa- "Tss.." kaya agad na inirapan ko s'ya. "It's about business, Euri. I thought, you're not interested in running our own business?" nakataas ang kilay na tanong ni Daddy. Alam kong may idea s'ya kung bakit ako sasama dahil hindi naman lihim sa kanila na patay na patay ako kay Triton, but he is still asking me! Well, mas interesado ako kay Triton kaysa sa business, Dad! Agad na nag-isip ako ng palusot. "What if... it will be the start, Dad? Malay n'yo pagkatapos kong mag-attend ng seminar na 'yon ay magkaroon na ako ng interes sa pagpapatakbo ng negosyo natin-" "No. If you really want to learn, nandyan ang kakambal mo. She can teach you. You don't need to go to Sagada to find your said 'inspiration', Euri..." maagap na sabi ni Dad at inirapan pa ako. Napakamot ako sa ulo nang tumayo na s'ya at dumiretso sa taas. Laglag ang mga panga ko nang sundan ko s'ya ng tingin. Natatawang tinapik ako sa balikat ni Damon. "Nice try, Ate..." sabi n'ya. Ngumuso ako nang tumayo na rin si Mommy. "Mom..." ungot ko. Umiling s'ya at bumulong. "Baka hindi na pumayag dahil pinayagan ko na 'yan..." sabi n'ya sabay nguso kay Damon. Sumimangot ako. "Kainis ka naman, Dame, e!" sabi ko pero tumawa lang s'ya at malambing na niyakap pa ako. Walang paalam na tumayo na rin si Anika. Nagtatakang sinundan ko s'ya ng tingin. Something's off with her. Ni hindi n'ya ako kinantyawan kanina nang ni-reject ni Dad ang sinabi ko. Weird, huh? Nang makapasok na ako sa kwarto ay naiisip ko pa rin ang pagpunta ni Triton sa Sagada. Damn it! I really wanna go! Pero paano? Padarag na umupo ako sa kama. Gusto kong magcheck ng mga email sa akin at baka mayroong nag-offer ng photo shoot sa Sagada or kahit saan basta malapit doon pero wala! Nakakainis! Halos mapatalon ako sa gulat nang may mag-pop up na message sa aking messenger galing sa kapatid ni Triton. Nakagat ko agad ang ibabang labi at excited na tiningnan ang chat n'ya. Hillary Agatha Aldana: Happy Sunday, Ate Euri! Napangiti ako. She's pretty close to me lalo na nang nalaman n'yang super close kami ng co-model kong si Nathalie; Vaughan's twin sister na pinsan n'ya. Tuwang tuwa s'ya nang nalaman n'yang crush na crush ko ang Kuya n'ya. At lalo pa kaming naging close nang ipakilala ko s'ya kay Rowan. She has a secret crush on him at ito ang bonding naming dalawa. Ang magpalitan ng pictures ng mga crushes namin! Tumunog pa ulit ang messenger ko at may follow up message na s'ya. Hillary Agatha Aldana: I have a gift for you! Buti na lang naabutan kong nagsuswimming si Kuya kanina bago ako umalis! Hihi! Napatutop ako sa bibig nang mabasa ang message n'ya! "OMG..." bulong ko at dumapa sa kama habang hinihintay ang pictures na sinasabi n'ya. Ilang sandali pa ay may sinend na s'yang video! Halos magdugo na ang labi ko sa kakakagat nang makita ko pa lang ang thumbnail! Triton was topless at nakaipon ang buhok n'ya sa likod! Oh my God! Nanginginig ang kamay ko nang pindutin ang play button. Nagsasalita si Hillary sa background habang papalapit sa swimming pool kung saan nandoon ang Kuya n'ya. "Oh s**t! Oh s**t!" sunod sunod ang mura ko nang sa wakas ay makita ko si Triton sa screen. Umangat ang ulo n'ya mula sa tubig at napatingin sa camera. Kumunot ang noo n'ya habang tinatanong si Hillary. Pulang pula ang labi n'ya at itinatagilid ang ulo habang hinahawakan ang tenga. Shittt! Ang hot! Kitang kita ko ang malapad n'yang balikat at matipunong dibdib! Napamura ulit ako! Natapos ang video nang parang may itinuro si Triton sa camera. Mukhang nahuli n'ya yatang kinukuhanan s'ya ng video dahil narinig ko pa ang tawa ni Hillary sa background. Magta-type na sana ako ng reply sa kanya nang may isang message ulit galing sa kanya. Hillary Agatha Aldana: Sorry, Ate! Na-cut! Nahuli n'ya ako, e! Hahaha! Natatawang nag-type ako ng reply. Me: It's okay, sweetheart! Thanks for that! You made my day! Pagka-send ko sa kanya no’n ay sunod sunod kong sinend ang mga pictures ni Rowan na palihim kong kinuha kanina habang natutulog s'ya. Nilapag ko ang phone ko sa kama at parang timang na sinubsob ang mukha ko sa unan. Mukhang buong araw yata akong hindi makakaget-over sa kilig dahil sa video na 'yon! "Sagada..." mahinang bulong ko.   Hmm.. I'll make a way just to be with that magical place with you, Asawa ko!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD