"What integers?"
Rinig kong tanong ni Tickle, my cousin. She's Tito Travis' only daughter. She's first year high school at tuwing walang pasok ay nandito s'ya para magpatutor kay Rowan, my second younger brother. Rowan is fifteen now but he looked matured because of his foreign features. Sa aming apat ay s'ya ang pinaka iba ang features dahil ang mukha n'ya ay pinaghalong mukha nina Dad at Mom. Kami ni Anika ay hawig kay Lola Candis at si Damon naman ay malaki ang hawig kay Tito Aaron, Dad's cousin.
Sinabit ko ang aking bag sa balikat at bumaba na sa hagdan. It's Saturday and it's my schedule para mag-work out. Nakita ko pa ang paglingon nilang dalawa sa gawi ko. Nagliwanag ang mukha ni Tickle nang makita ako. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paghagod n'ya ng tingin sa aking katawan. Si Rowan naman ay nagtaas ng kilay at humalukipkip. Sometimes, his gestures kinda reminds me of Triton. Parehong pareho silang pakialamero pagdating sa mga isinusuot ko!
"Hi! Aral lang kayo d'yan, kids!" sabi ko nang tuluyang makababa. Nasilip ko pa ang notebook ni Tickle at napangiwi ako sa sulat kamay n'yang hindi ko maintindihan.
"Where are you going, Ate Euri?" tanong n'ya habang tinitingala ako.
"Gym lang. Papasexy pa lalo!" biro ko sabay pisil sa baba n'ya. Narinig kong napaungol si Rowan at tiningnan ako. Lumipat ang tingin ko sa kanya.
"Stop wearing that thing," turo n'ya sa black leggings na suot ko. "Ang daming lalake sa gym tapos ganyan ang suot," nakasimangot na sabi n'ya. Tumaas ang kilay ko. Here we go again! Nilingon s'ya ni Tickle at humalukipkip.
"What's wrong with that, Kuya Ro? Ate Euri is sexy and pretty like me. Of course, guys will definitely look at her! Ang hirap kayang maging maganda!" nakairap na sabi ni Tickle. Bumungisngis ako at nilapitan ang kapatid kong nakakunot ang noo. Yumuko ako para hagkan s'ya sa pisngi. Lalo s'yang napasimangot dahil sa ginawa ko.
"You should really stop making frowning a habit, Rowie. Paano kang magkakagirlfriend kung palaging ganyan ang mukha mo?" sabi ko at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha n'ya. "Though, you're even hotter when you frown, hindi lahat ng babae ay katulad ko na naaattract sa lalakeng masungit at suplado! Ngiti-ngiti rin, ha? Ikaw rin! Mauunahan ka pa ni Dame magkagirlfriend!" nakangising banta ko.
Speaking of Damon... He is the exact opposite of Rowan. Palangiti, happy go lucky at higit sa lahat ay may pagka-pilyo! Girls in his age are going crazy over him. Paanong hindi, e gwapo na nga ay dancer pa. Noong high school ako ay baliw na baliw din ako sa lalaking magaling sumayaw. Ang lakas kasi ng dating nila!
"Dati pa s'yang naunahan ni Dame, Ate! Latest girlfriend n'ya iyong transferee!" sumbong ni Tickle. Napailing ako. At bago pa talaga ang binibiktima, huh?
"Oops! I heard my name. What are you guys talking behind my back?" biglang singit ni Damon mula sa itaas. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya. Nakasuot s'ya ng pambasketball na jersey at may hawak na bola sa kanang kamay. Medyo basa pa ang buhok at halos malunod kami sa amoy ng pabango n'ya.
Seriously? Pinampapaligo ba nito ang pabango.
Agad na lumapit s'ya sa akin at humalik sa pisngi ko. Sa aming apat ay kami ni Damon ang halos pareho ng ugali. Anika and Rowan are both serious with their lives. They are always taking their lives seriously. Ang boring ng buhay ng dalawang 'yan!
"What's up, my super model Ate? Bakit mainit na naman ang ulo ni Ate Nika?" tanong n'ya at tiningnan ang ginagawa ni Tickle. "Whoa! You're doing your homework? Really, Tickle? Natatakot malamangan ng bago mong Kuya?" nanunudyong tanong nito. Napasinghap si Tickle at pinandilatan s'ya.
"Why would I? Wala akong pakialam sa opinyon ng panget na `yon! And please, Dame! He is not my Kuya!" masungit na sabi nito at umirap. She's talking about Ryle who was adopted by his Dad.
"But he is acting like one. You should be proud. Our classmates adore him. They're even envy of you for having him," umikot ang mga mata ni Tickle.
"That isn't something to be proud of! Isa pa, he is super duper annoying when you guys get to know him!" irap ni Tickle na halatang napipikon na dahil namumula na ang kanyang pisngi.
"Talaga lang, huh? Anyway, maglalaro kami ngayon. Gusto mong manood? Your crush might join us, too," nakangising yaya ni Damon.
"Where?" kunot noong tanong naman agad ni Tickle. Natawa ng nakakaloko si Damon. Nanliit ang mga mata ni Tickle sa kanya.
"Ba’t mo tinatanong? So, manonood ka nga?" pang-aasar n'ya rito.
"No! I was just asking!" inis na sagot ni Tickle.
"Hindi ka naman pala manonood, edi wag mo ng itanong kung saan. Tsaka nandoon ang Kuya mo. Baka paluin ka sa puwet kapag nagpapansin ka sa crush mo," tukso pa rin nito. Kitang kita ko ang pagsinghap ni Tickle dahil sa sinabi ni Dame. Kulang na lang ay batuhin s'ya ni Tickle sa sobrang pagkapikon nito. Napapailing na hinila ko na s'ya palabas. Malakas talaga mang-asar si Damon kaya pikon na pikon palagi sa kanya si Tickle na s'yang kaedad n'ya sa aming mga pinsan.
"Continue what you're doing there. Una na kami ni Dame!" paalam ko sa kanila at hinatak na ito palabas. Pasimpleng piningot ko ang tenga ni Damon nang makalabas na kami.
"What?" natatawang sabi n'ya habang hinahaplos ang tengang piningot ko. Napangisi na rin ako.
"Stop bullying her. Mamaya isumbong ka `non kay Dad, lagot ka..." banta ko. Tumawa lang s'ya. Kahit pasaway si Dame na tulad ko ay takot naman kaming dalawa kay Daddy. Mainit parati ang mata n'ya sa amin dahil wala s'yang problema kina Anika at Rowan. Damon is my counterpart! First year pa lang ay ilang beses na s'yang napapatawag ng principal dahil sa mga kalokohan n'ya. Ganyan na ganyan ako noong High School. Madalas ay pinagtatakpan lang ako ni Anika para hindi ako masyadong pagalitan ni Daddy.
Mahal na mahal ako ng kakambal ko at ganoon din ako sa kanya. She can sarcrifice for me and I am more than willing to sacrifice for her, too!
Idinaan ko si Damon sa covered court na nandoon lang mismo sa loob ng subdivision namin at saka ako tumuloy sa gym. Napasilip ako sa wristwatch ko at nakita kong ilang minuto na lang ay 9:00 am na. Siguradong kanina pa nandoon ang asawa ko!
Napangisi pa ako at inayos ang buhok bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Papasok pa lang ako ay may iilang lalake na ang napapalingon sa gawi ko. Taas noo akong umakyat ng hagdan at sumalubong agad sa akin si Clyde, ang gym instructor na palaging nag-aassist sa akin. Nakangiting lumapit s'ya sa akin at iniwanan ang isang babae na kasalukuyang nagcocool down.
"Treadmill ka lang ngayon 'di ba?" nakangiting tanong n'ya. Tumango agad ako at nginitian din s'ya. MWF talaga ang schedule ko pero sinama ko ang Saturday dahil alam kong every weekend lang nakakapagwork out si Triton.
Alam n'yo na. Para makasilay lang at makapagpa-cute!
"Yes. Papawis lang! May lakad kasi ako mamaya," nakangisi kong sabi. Ngumiti rin s'ya at nagkibit balikat.
"Follow me," utos n'ya at inihatid na ako sa isang bakanteng treadmill. S'ya na rin ang kusang nag-set sa katamtamang bilis at saka nakangiting iniwanan na ako. Sinalpak ko ang wireless headset sa aking tenga at nakinig ng paborito kong kanta.
Hindi pa ako masyadong nagtatagal sa pagtakbo ay may nahagip na ang paningin ko. Automatic na tumaas ang kilay ko nang makita s'yang nakangiting papasok na sa gym. Agad sinalubong s'ya ni Clyde at humalik pa ito sa pisngi ng lalaki. Umasim agad ang mukha ko.
It was Kristelle Figueroa. She's the daughter of the Korean investor of Aldana Groups of Companies. Ang alam ko ay sila ang susunod na pinaka malaki ang share sa company nila Triton. And she's pretty close to him, too! Sa buong buhay ko ay wala akong pinagselosan at kinainggitan. Tanging ang babae lang na 'yan ang nakakapagparamdam sa akin ng insecurity na hindi ko naramdaman kahit kanino. Pero mamamatay muna ako bago n'ya malamang naiinsecure ako sa kanya!
Well, Kristelle is sexy and beautiful, too. Magkaedad sila ni Triton at naging magkaklase noong college. They were extra close at isa `yon sa dahilan kung bakit ako naiinsecure sa kanya. She can make Triton smile na walang kahirap hirap. Samantalang ako ay bihirang bihira ko s'yang napapangiti.
Maraming nagsasabing bagay sila. Well, hindi naman talaga imposible dahil parehong pareho sila. They were both interested in running their own family business. Parehong mayaman, both good looking and intelligent. Kristelle is matured like how he always want his ideal type! She would definitely be a good wife for Triton.
Biglang nagsikip ang dibdib ko dahil sa biglang naisip. Thinking about them ending up together was really hard to accept. Ni hindi iyon matanggap ng utak at puso ko.
Narinig ko ang mahinhin n'yang tawa habang papalapit sa isang treadmill sa gawi ko. Patay malisya ako at kunwari ay hindi s'ya napansin. Nahagip pa ng gilid ng aking mata ang pagtitig n'ya sa akin pero hindi ko s'ya tinangkang lingunin.
"Mas bata pa rin ako sayo at mas fresh! Pagalingan na lang kumembot, oh?" bulong ko at binilisan pa lalo ang pagtakbo.
Tagaktak na ang pawis sa noo at leeg ko nang matapos ang fourty five minutes. Humihingal ako at agad na inabot ang towel ko at agad nagpunas ng pawis.
"Triton!" napatigil ako sa pagpupunas nang marinig ang sigaw ni Kristelle. Hindi pa s'ya tapos sa treadmill ay hininto na agad n'ya para malapitan si Triton. Nilingon ko rin ang tinitingnan n'ya at nakita kong nakatayo s'ya doon at may kasabay na dalawang lalaki. Tinapik s'ya sa balikat ng mga ito bago nagpaalam para mauna ng umalis. Hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya.
Mapa formal, casual or sports wear yata ay bagay na bagay sa kanya. Pero mas bagay siguro sa kanya kung wala s'yang suot na kahit ano hindi ba? Napangisi ako dahil sa naisip na kapilyahan.
Triton was wearing his usual gray sleeveless shirt na may print na logo ng isang sikat na brand, black shorts and gray sneakers. Nakapameywang s'ya at ngumiti agad nang makita si Kristelle na palapit sa gawi n'ya. Napairap ako sa hangin.
She didn't even bother to wipe her sweat! Don't tell me magpapapunas pa s'ya ng pawis kay Triton? I rolled my eyes when I saw Triton offered his towel.
"Flirt!" bulong ko at taas noong nagmartsa palapit sa counter para makakuha ng tubig. Sumipol ang ilang lalaking nakita kong papasok sa kabilang gym. Nginitian ko lang sila.
Magsasalita na sana ako para humingi ng tubig nang makalapit sa counter subalit may nag-abot na agad nito sa aking gilid. Napatingin agad ako sa kung sinong nag-abot at naabutan ko ang nakangising mukha ni Blad Alcantara. He's Vaughan's cousin na kasalukuyan kong ka-block mate sa school.
"Thanks!" nakangiting sabi ko at kukuhanin na sana ang bottled water sa kanya pero bahagyang inilayo n'ya iyon at s'ya na ang kusang nagbukas para sa akin habang hindi inaalis ang ngisi at malagkit na titig. I nearly rolled my eyes. Masyadong obvious kung makipagflirt ang isang ito! Magpinsan nga sila ni Vaughan!
"My pleasure to serve a beautiful lady like you," sabi pa nito habang inaabot sa akin ang tubig at kumindat. Ngumiti lang ako at tinanggap iyon at agad na ininom. Nahagip pa ng mga mata ko ang tingin ni Triton sa akin kaya halos maibuga ko ang tubig na iniinom. Nagkanda samid samid ako dahil sa biglaang paglagok! Damn it!
"Are you okay, Euri?" tanong agad ni Blad at maagap na dinaluhan ako. Mabilis na kinuha n'ya ang towel na nakasampay sa balikat ko at dahan dahang pinunasan ang bibig ko. Agad na inagaw ko 'yun pabalik.
"Ako na, Blad. Thanks for the help," sabi ko at nag-angat ulit ng tingin sa gawi ni Triton. And there! He's still looking at me intensely! Nanlamig ako sa titig n'ya. Nawala ang atensyon ko sa kanya nang maramdaman ang index finger ni Blad sa gilid ng labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sariling naitulak s'ya. Tumaas ang kilay n'ya at natatawang itinaas ang kamay.
"Kumalat 'yung lipstick..." paliwanag n'ya. Nanliit ang mga mata ko sa tahasang pagpapalusot n'ya. I was not wearing any lipstick, for goodness sake! Muling ibinalik ko ang tingin kay Triton. Naabutan ko s'yang nakatungo at nakakagat labi at bumubuntonghininga habang nakikinig sa sinasabi ni Kristelle. Napairap ako at nagmartsa na pabalik sa treadmill kung saan ko iniwan ang phone ko. Kinuha ko lang iyon at taas noong dumaan sa gilid nila.
"Eureka Yu?" the b*tch approached me. I composed myself bago s'ya nilingon. Ngumiti ako ng bahagya at sinulyapan si Triton na nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Kinalma ko ang sarili lalo na at kitang kita ko ang paghagod n'ya ng tingin sa kabuuan ko. Tumaas ang isang kilay n'ya.
"Oh, Hi!" bati ko. Ngumiti s'ya. Her smile looked genuine, though! Paano n'ya kaya nagagawa `yon? Mukhang sanay sa kaplastikan ang babaeng 'to!
"Dito ka rin pala nag wo-workout? What a small world, huh? Pati dito magkasama kayo?" natatawa at halatang nang-iinsulto na sabi nito sabay sulyap sa gawi ni Triton. There was something about her laugh that made me wanna pull her hair right away. As in ngayon na kung wala lang ang asawa ko sa harap namin. Ngumiti ako ng matamis.
"Yeah, right! It's really a small world `coz you're here, too. I wonder how many hours you'll drive just to get here? Two hours? Three? I like the effort, huh?" nakakalokong sabi ko sabay sulyap kay Triton na ngumunguso na habang pinaglalaruan ang mga labi. Tumaas ang kilay ko. Natatawa ba s'ya?
Whatever!
Kitang kita ko ang pagtitimpi ni Kristelle.
Well, ganyan naman `yan. Mabait lang kapag kaharap si Triton. Degree holder kasi `yan pagdating sa ka-plastikan. Bachelor of Science in Flirting Management major in B*tchiness!
"How dare you—" todo-todo ang pagtitimpi n'yang patulan ako. Ngumisi ako at humalukipkip.
"Anyway, I'll go ahead. May photo shoot pa ako, e. See you, Triton!" paalam ko at nagflying kiss pa sa kanya. Narinig ko pa ang pag-iinarte at pagsusumbong ni Kristelle nang makaalis na ako.