Dress

1963 Words
"Good morning, Asawa ko!"   Malawak ang ngiti na bati ko kay Triton kahit na nagwawala ang puso ko sa kaba sa nakikitang madilim na ekspresyon n'ya.   Well, it's actually not the first time na nakita ko s'yang ganito. Dahil palagi naman talaga s'yang iritable pagdating sa akin. Palagi n'yang ipinaparamdam sa akin na ayaw n'ya akong nakikita at naiirita s'ya sa presensya ko. Oh well, sorry na lang s'ya dahil ako, nabubuhayan ako ng dugo sa presence n'ya! At kailangan kong mabuhay kaya didikit ako ng didikit sa kanya! I almost squealed at the thought.   "Nothing’s really good in the morning. And what are you doing here again?" malamig na tanong n'ya habang nakatuon ang atensyon sa kung anong binabasa. Lumapit ako sa harapan ng table n'ya at umupo sa swivel chair sa harapan n’ya. Nakita ko pang napasulyap s'ya sa suot ko at agad na kumunot ang noo. Parang gusto kong mapangisi sa naging reaksyon n'ya.   Alam kong papansinin n'ya ang suot ko kaya palagi akong nagsusuot ng mga ayaw n'ya. Syempre! Gusto kong pagalitan n'ya ako. Feeling ko kasi ay ang protective n'ya sa akin kapag gano'n! Ang lakas maka-boyfriend goals, e!   "Hmm, I just dropped by to hand you these documents. Busy si Kambal kaya ako na ang nagdala dito," sabi ko at tumayo at saka lumakad papunta sa likod n'ya. Ni hindi s'ya gumalaw man lang at nagpatuloy lang sa binabasa. Nakibasa na rin ako pero ang totoo, gusto ko lang s'yang amuyin! Kumunot ang noo n'ya at inilipat sa sunod na pahina ang binabasa. Ngumuso ako.   "Akala mo ikaw ang sadya ko? Medyo assuming ka rin, eh!" sabi ko at sinadyang titigan s'ya.   His dark hair was slightly messy. Lalo tuloy s'yang nagmukhang badboy dahil sa sobrang masculine ng dating n'ya. His thick brows were highlighting his pair of deep set eyes, na sa tuwing nagagalit s'ya ay nagsusumigaw ang mga iyon ng kaarogantehan. Sinamahan pa ng matangos na ilong at kissable lips! I wonder why his lips were still red even if he smokes?   Umangat ang tingin n'ya sa akin. Nag-init agad ang pisngi ko nang tumagilid ang ulo n'ya at tinitigan ako. I find it so damn sexy! No doubt that I'm really in love with him dahil konting kibot n'ya ay pinupuri ko. Napalayo ako ng bahagya sa kanya at ngumisi.   "Titig pa, sige," pang-iinis ko sa kanya. "Missed me? I know right!" malanding sabi ko at nag-flip ng buhok kahit na ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa titig n'ya.   "I really thought that you're gonna stay there for good. Tahimik na sana ang buhay ko," sabi n'ya na mukhang dismayado dahil bumalik pa ako. Humalukipkip s'ya at pinagpatuloy ang pagbabasa.   Aray, huh? Kailangan talaga na ipagdiinan? He's so harsh on me! Hindi tuloy ako agad nakapagsalita dahil sa pag-eemote.   Nakita ko ang pag-angat ng tingin n'ya nang hindi ako umimik. Tumikhim ako bago nagsalita.   "That will never happen. Alam ko namang ma-mimiss mo ako pag umalis na `ko. Kaya don't worry na, ha? I won't leave you again..." taas-noong sabi ko habang ngiting-ngiti. Napailing s'ya.   "Aren't you gonna leave?" pasupladong taboy n'ya pa. Kung makataboy ay wagas?! Umiling ako.   "Nope. Mamaya na. Alam ko namang miss na miss na miss mo ako, eh. Okay lang sa akin. Ano ka ba? I won't mind staying here all day if you want," nakangising sabi ko. Lalong kumunot ang noo n'ya dahil sa pangungulit ko. Gusto ko na namang mapamura.   Sobrang guwapo talaga! Ang sarap galitin!   "I have tons of paper works to do. So, go home now and let me work in peace," mariing utos n'ya. Ang sungit talaga! Ngumisi pa ako lalo at hindi nagpaapekto sa pagsusungit n’ya.   "Then do your thing. Bakit kailangan mo pa akong paalisin?” nakataas ang kilay na tanong ko at inilapit ang mukha sa kanya. “Why? Am I distracting you this much? Na hindi ka na makapagtrabaho ng maayos kapag nandito ako sa harapan mo? Yieee! Ikaw, ha? Don't worry, you are distracting me, too!" tudyo ko at saka kinindat kindatan pa s’ya.   Napahilot na s'ya sa sentido kaya alam kong nagtitimpi na s'ya ng bonggang-bongga sa akin! Nakagat ko ang ibabang labi at kinuha ang paper bag na dala ko sabay baba nito sa table n'ya.   "Anyway, I brought you lunch. Ako ang nagluto n'yan!" proud na sabi ko at pumangalumbaba sa harapan n'ya. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin at nagtaas ng kilay. `Yung tinging hindi naniniwala na ako ang nagluto `non!   Sumimangot ako.   "Fine!" ngumuso ako at umirap sa kanya. "Si Mommy ang nagluto pero ako ang nag-prepare ng mga ingredients. Ang hirap kaya mamili ng fresh ingredients!" nakangusong palusot ko. Kitang-kita ko ang pagkibot ng mga labi n’ya na parang nagpipigil ng ngiti. Ikinunot n'ya ng todo ang noo n'ya at nag-iwas ng tingin bago tumikhim.   "Go home now, Eureka," pagtataboy na naman n'ya. Sus! Kunwari pa, eh gusto naman n'yang nandito ako! Dumekwatro ako kaya naagaw ko ang atensyon n'ya. Matalim n'ya akong tinitigan dahil ‘don. Napasinghap ako dahil sa nakikitang iritasyon sa mukha n’ya.   "How many times do I have to remind you that you should wear something decent when you're coming here?" masungit na saway n’ya. Ngumuso ako at saka tiningnan ang suot ko.   "What's wrong with this dress? Ginamit ko nga 'to sa photo shoot ko sa Paris and they've praised me—"   "They have praised you because they've got a free sight access to roam around your body!" mas iritado na n'yang sabi. Napatulala na naman ako sa mukha n'ya. I can't help but smile while looking at his irritated expressions. Lalo akong humilig palapit sa table n'ya.   "Eh hanggang tingin lang naman sila, e. My body is already reserved for someone," makahulugan na sabi ko at pagkatapos ay kinindatan s'ya. Umirap lang s'ya at ibinaba muli ang tingin sa binabasa. Ngumisi ako at tinitigan pa lalo ang mukha n'ya. Kunot noong nag-angat s'ya ng tingin nang mapansin ang titig ko.   "What?" iritado n'yang tanong sabay irap pa sa akin. Umiling ako at ngumiti bago tumayo at inabot ang kwelyo ng polo n'ya. Napakurap naman s'ya at nagulat sa ginawa ko.   "Just what the hell are you doing now, Eureka?" iritadong reklamo n'ya. Bumungisngis ako. Even the sound of his voice while saying my name was so sexy. I find his voice so hot and sexy! Damn, Triton!   Kunwari ay pinagpag ko ang kwelyo ng polo n'ya. Halos hindi n'ya malaman kung saan n'ya ibabaling ang tingin dahil nakatayo ako sa harapan n'ya habang s'ya ay nakaupo sa swivel chair kaya nakatapat ang mukha n'ya sa dibdib ko.   "May dumi," natatawang sabi ko at saka binitawan ang kwelyo n'ya. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbuga n'ya ng hangin. Tumaas ang kilay ko.   Whoa!? Don't tell me naakit s'ya sa akin? That's... Oh my God! Achievement! Achieve na achieve!   Namumula pa ang dulo ng tenga n'ya habang kunot ang noong nakatingin na ulit sa papel na binabasa. Biglang tumunog ang intercom sa opisina n'ya. Pinindot n'ya ang received at narinig ko ang boses ni Amy mula doon.   "Sir, tumawag po `yung secretary ni Sir Escuadro. On the way na raw po sila dito," sabi nito. Nakita kong napapikit ng mariin si Triton at sumulyap pa sa akin bago sumagot. Tumaas ang kilay ko. Sinong Escuadro naman kaya ang darating? Karon?   "Okay, Amy. I'll wait for them..." sabi n'ya at pagkatapos ay hinarap ako.   "Go home now. I told you I'm quite busy today. Tell Anika that I'll just send her the documents she needs. You may go now," sabi nito. Umangat ang isang kilay ko.   "Wait! Who are you going to meet today? Si Karon ba `yung tinutukoy ni Amy?" I asked. Nag-isang guhit ang labi n'ya. Well, he's aware that Karon is hitting on me since High School! Pero nilinaw ko na sa kanyang friends lang ang kaya kong ibigay. But he's still trying, hinahayaan ko na lang dahil nakakahiya sa Mommy't Daddy n'ya.   "Yes. You should go now," taboy na naman n'ya.   "I can't..." umiiling na sabi ko. Huminga s'ya ng malalim at nagtitimping hinarap ako.   "And why is that?"   "I need to wait for Vaughan here. May ipapaabot din s'ya for Anika, so..." kibit-balikat na sagot ko. Huminga s'ya ng malalim at sumilip sa wrist watch bago nagsalita.   "Just go home. I'll just ask someone to bring that thing to her," pagpipilit n'ya. Kumunot na ang noo ko.   "Why? Bakit ka ba nagmamadaling paalisin na naman ako? I'm already here and I can wait for him para ako na mismo ang magbigay `non kay Anika!" medyo iritado ko nang sagot. His jaw clenched.   "Don't you get it? I have a meeting with some of my investors. You shouldn't be here—" Itinaas ko ang kaliwang palad ko para patigilin s'ya.   "Fine! I'll just wait for Vaughan in his office then!" iritadong singhal ko at agad nang kinuha ang bag para umalis. Inirapan ko pa s’ya bago tumalikod at humakbang palabas ng opisina n’ya.   "What?" rinig kong bulalas n'ya pero hindi ko na lang s'ya pinansin at nagpatuloy sa pagmamartsa palabas ng opisina n'ya.   Ano naman ngayon kung nandito ako? As if namang may alam ako sa mga pag-uusapan nila?!   Hindi pa ako nakakailang hakbang ay nahigit na n'ya kaagad ang braso ko. Inis na nilingon ko s'ya.   "What now? Kung hindi ako pwede dito sa opisina mo, edi doon ko na lang hihintayin si Vaughan sa opisina n'ya!" sabi ko at inirapan s'ya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga panga n'ya na halatang nagtitimpi.   Ano bang problema n'ya?!   "He doesn't have secretary, Eureka. Solo n'ya lang ang opisina n'ya—"   "And so?! Kaya ko naman na maghintay na mag-isa. I told you, marami akong time. So, I wont mind waiting there alone!" irap ko.   Ano bang problema n'ya kung maghintay ako sa opisina ni Vaughan?!   Hindi s'ya nagsalita. Iritadong-iritado ang ekspresyon ng mukha n'ya at hindi ko maintindihan kung bakit! Kung naiirita na s'ya sa presensya ko, bakit hindi n'ya pa ako hayaang umalis dito?   "You can't come to his office with that dress, Eureka!" nagtitimping sigaw n'ya at saka hinigit ang braso ko papunta sa kanyang private room.   Kasing luwang iyon ng opisina n’ya pero maaliwalas at mukhang sadyang ginawa para gawing pahingahan n'ya.   "There! D'yan ka maghintay sa kanya at may meeting pa ako," sabi n'ya sabay turo sa maluwang na sofa. Tulalang nakatitig lang ako sa kanya.   What's the meaning of this? Was he trying to hide me here or he couldn't just stand seeing me?   Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Bumuntonghininga ako at muling hinarap s'ya.   "Fine! I'll just go home!" sabi ko at tinulak pa s'ya para makadaan. Tuloy-tuloy na nag-martsa ako palabas ng private room n'ya.   I was about to hold the door knob of his office pero agad na iyong bumukas at tumambad ang apat na lalaki.   Sabay sabay pa silang napasinghap nang makita ako.   "Euri?"   Nanlaki ang mga mata ni Karon nang makita ako. Ngumiti ako ng pilit. He is Karon Escuadro, Tita Sandy and Tito Iexcell's eldest son.   "Ron.." bati ko sa kanya at hahakbang na sana palapit sa kanya para bumeso pero naramdaman ko agad ang kamay ni Triton sa aking braso. Kunot-noong tinignan ko s'ya pero nakabaling ang atensyon n'ya sa apat.   "Please have a seat. Ihahatid ko lang s'ya sa labas," malamig na paalam n'ya at agad na akong hinigit palabas doon. Nakita ko pa ang pagsunod ng tingin ng apat sa amin. Halos mapapikit ako sa sobrang inis.   Did he really have to drag me out? What the hell, Triton Aldana?!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD